"I love you. But it isn't enough to forgive you..." Iyan ang huling narinig ko bago ako nilamon ng antok at tuluyan nang nakatulog. Hindi ko alam kung bunga lang iyon ng sobrang pagod at nananaginip ako na si Alfe ang nasa aking ibabaw habang binibihisan ako. Hindi nga niya tinanggal ang pagkakapiring sa aking mga mata hanggang sa nawala na ako sa aking ulirat. Masakit. Ang sakit marinig ng mga katagang iyon kahit na sa panaginip lang. At kahit paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na okay na ako, ang totoo naman talaga ay hindi. Hindi kailanman... # Napabalikwas ako bigla sa aking kinahihigaan at hapong-hapo. Ang pangit na naman ng napapaginipan ko-- si Jaspher. Umiiyak siya sa aking harapan, nagmamakaawa hanggang sa biglang... lumabas ang maraming dugo sa kanyang bibig. Sinabunut

