Agad akong ninakawan ng lakas nang nakilala ang nasa aking unahan. Hindi puwede! Hindi maaari na siya ang lalaking sunod nang sunod sa akin at nakasama ko ng gabing iyon... "Gustong-gusto kita, alam mo iyon, 'di ba?" Wala akong masabi. Hindi ako makapagsalita at makagalaw sa takot. Dismayado rin ako dahil siya pala ang lalaking nakaangkin sa aking katawan. Umiling-iling ako. Hindi ito maaari! Kinikilabutan ako sa kanya lalo na't ibang-iba na ang hitsura niya ngayon. Medyo lumalago ang balbas niya sa mukha, malalim ang ilalim ng kanyang mga mata at ang mas nakatatakot ay ang mapang-uyam niyang mga titig at ngisi sa akin. "I... I need to go..." Akma kong bubuksan ang pinto nang pigilan niya ako. Isang matinding kilabot ang biglang gumapang sa buo kong katawan. Malamig ang kanyang mg

