"Bitiwan mo ako, Percy!" asik ko nang mahigpit niya akong hinawakan sa kamay nang palabas ako ng selda para tumungo sa canteen at kumain ng almusal. Nagsitinganan ang ibang mga presong kakalabas lang din sa kani-kanilang mga kulungan dahil sa komusyong nagawa namin lalo na't pilit akong lumalayo sa kanya habang siya ay hindi ako tinatantanan. Tuwing umaga ay sabay ang tatlong grupo para sa pagkuha ng almusal. Tanging hapunan at tanghalian lang hindi dahil sa kailangan ng toka-tokang paghuhugas ng mga pinggan. Pinandilitan ko ng mga mata si Percy lalo na't pati mga warden na nakatungo ay nakatingin na rin sa amin ngunit hindi niya ako pinansin at seryoso akong tinitigan sa mukha kaya ako na ang kumuha sa kanyang kamay para bitiwan na niya ako. Malinaw na malinaw na hindi ko siya kak

