Nakakailang ang mga titig ng lahat sa akin. Tila sinusunog ako sa mga pukol nilang mapanghusga at pinipiga ang aking pagkatao sa bawat tingin nila. Kung maaari lang sanang lamunin na ako ng lupa ay gugustuhin ko pa. Mas gugustuhin ko pang mapunta sa impyerno ang buhay ko kaysa pagbintangan ang taong walang ginawa kundi iparamdam sa akin na mahal niya ako. Napaigtad ako nang mahinang hinampas ng abogado ang sa harapang lamesa para matauhan ako sa pagkatulala. "Sa harap ng hukumang ito Miss Hermoine Ritz Solarte, sabihin mo ang totoo... pinagsamantalahan ka ba ni Allejo Jasfer Villarica?" Ang panig na abogado ni Alfe ang nagtatanong sa akin ngayon. Namamanhid ang buong katawan ko at halos bulong lang ang naririnig ko sa tanong ng abogado. Lolo's gaze was killing me, like saying one w

