HERMOINE: Napatingala ako kay Lolo at muling ibinalik ang mga mata sa nakalapag na nakarolyong papel sa aking harapan. Dalawang buwan na ang nakalilipas at heto ako, nagtitiis sa pangungulila sa aking anak. Para akong hindi sanay na hindi siya nararamdaman sa aking tiyan. Nasasaktan pa rin ako at kahit ano'ng gawin kong pag-iisip na wala na siya ay tila walang kuwenta. Hindi pa rin ako makapaniwala. "A-Ano po ito?" Naglakad si Lolo sa palayo sa akin at nilingon ako. Ang ingay ng kanyang tungkod ang nagpapakaba sa akin araw-araw tuwing pumapasok siya sa aking silid. "Diploma mo. Pina-graduate ka ng madre dahil nakapasa ka naman." Ibig sabihin, maaari na akong mag-aral sa kolehiyo? "Talaga po?" Napatayo ako at lumapit kay Lolo. Iniharang niya pa ang tungkod sa akin para 'di ako

