ALFE: "You really don't know her, do you?" Puno ng pang-uuyam ang pagkakasabi ng matandang Solarte sa akin nang puntahan niya ako isang beses sa kulungan. Ayaw pa sana siyang papasukin ngunit nagpumilit siya at nais daw akong makausap. I hate him! I hate how he treated his own granddaughter. Kadugo niya tapos sinasaktan niya at pinagkakait ang kaligayahang gusto nito. He despised my grandfather but it didn't mean, I was included, even Moi! Hindi pa ako namumulat sa kasamaan sa mundo nang nagkaalitan sila ng abuelo ko dahil sa isang babae. At isa pa, kung mahal ni Don Agapito si Hermoine bilang apo, bakit n'ya kailangang saktan at gamitin ito para makaganti sa lolo ko at idamay ako? "Poor man..." anas niyang iiling-iling. Hindi ko maalis-alis ang talim ng aking mga mata sa kanya. "

