Namamanhid pa rin ang buong katawan ko ngunit ang sakit sa aking damdamin ay 'di mawala. Kahit ilang beses kong inulit-ulit ang aking sarili na wala na talaga ang anak ko ay 'di ko pa rin matanggap. Ang sakit. Ang sakit-sakit... "Hermoine..." Hinimas ni Marietta ang braso ko at nag-aalalang tumabi sa akin sa pag-upo sa medical bed. Naluluha ko siyang tiningnan at isinandal ang ulo sa kanyang balikat. Hinaplos niya pa aking pisngi at hinalikan ang tuktok ng aking ulo. "Huwag ka ng umiyak. Nandito naman ako..." I suddenly felt guilty for thinking bad about her. It was just a dream but the impact of it still in my senses. Para kasing totoo. At winawasak ang puso ko, kahit na panaginip lang, nang nakita silang dalawa ni Alfe at ang anak ko-- na anak niya rin? It was just a nightmare.

