ALFE: "Alfe..." Hindi ko na pinansin si Dad nang nakapasok na kami nang tuluyan sa mansiyon. Hindi ko kaya... hindi ko kaya ang puso ko habang naririnig ang palahaw ni Moi sa labas. Gusto ko siyang lingunin habang umiiyak siyang tinatawag ang pangalan ko, nagmamakaawa. Gusto ko siyang yakapin at aluin, pero kahit ano'ng pilit kong naisin na gawin iyon ay pilit na tumatatak ang maaaring dahilan na nandito siya. Makikipag-usap siya para saluhin ko ang kahihiyang ginawa niya sa akin? Para saan? Para saktan ako ulit? Binalibag ko ang pinto ng aking silid nang nakapasok ako at isinandal ang likod ko roon. Hindi ako makahinga sa pagpipigil na umiyak. Winawasak ang puso ko habang inaalala ang mukha niyang sobrang lungkot. Her face seemed miserable... But behind her innocent face hides a

