Nanlalambot ang mga tuhod ko habang binabaybay ang daan palayo sa aming manor– ang tahanan kung saan ako unang namulat. Ang tahanang kinalikahan ko at inisip na isang paraiso. Ang tahanang inakala kong magiging parte ng aking kasiyahan at karamay tuwing nalulungkot at nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa aking paglayo dahil lilisanin ko rin ang mga magulang na inaruga ako noon. Si Daddy na itinuring akong tunay na anak, si Mommy na kahit alam niyang hindi ako kadugo ni Dad ay minahal ako at ang kapatid ko na iniisip akong ate at nirerespeto. Habambuhay kong tatanawin ang utang-na-loob sa kanila. Habambuhay akong magpapasalamat dahil sa kabila ng pait at sakit na dinanas ko sa pamamahay at kamay ni Lolo ay nagkaroon ako ng isang pamilyang makikilala at maipakikilala sa lahat, binigyan ako ng

