HERMOINE: "Tama na, Papa! Tama na!" sigaw ni Dad nang muli na naman akong pagbuhatan ng kamay ni Lolo. Napayakap ako sa ama at parang batang nagtatago sa kanyang likuran. Sa sobrang lakas ng sampal ni Lolo sa akin ay tumalsik pa ang dugo sa sahig at pakiramdam ko ay namamaga na naman ang aking mukha. Nalaman niya-- namin na buntis ako. Buntis ako kay Alfe! "Wala ka ng ginawa kundi ang ipahiya ako! Tonta! Punyeta!" "Dad..." ngawa ko sa ama. Masiyado ng masakit ang buong katawan ko sa pagkaladkad ni Lolo sa akin kaya nagmamakaawa ako kay Daddy na itigil na ang pananakit sa akin dahil ayaw kong mawala ang anak ko, namin ni Alfe. Dad looked at me with tears in his eyes. Alam kong naaawa rin siya sa akin pero wala rin siyang magawa para ilayo ako kay Lolo. "Papa, please... stop this.

