HERMOINE: MOI, KUNG NABASA MO ITO, IBIG SABIHIN AY NAGKITA NA KAYO NI MARIETTA... KUMUSTA KA NA? Hindi ko maiwasang mapangiti sa liham ni Alfe. Sigurado ako na siya ito dahil sa sulat-kamay niya. Maayos at mahilig siyang gumamit ng mga malalaking titik tuwing nagsusulat siya. Hating-gabi na at gising pa rin ako para mabasa lamang ang sulat ni Alfe para sa akin. Sinigurado kong wala ng papasok na kahit sino para mabasa ko nang malaya ang liham ng mahal ko. Naiiyak ako habang binabalik-balik mula sa simula ang mensahe niya. Pakiramdam ko kasi, naririnig ko siya sa isip habang binabasa ito. Pinahid ko ang namumuong luha sa mga mata para mabasa ko ang buong liham. KUMUSTA KA NA? OKAY KA LANG BA? MAAYOS ANG LAGAY? "Oo, mahal! Magiging maayos din tayo..." hikbi ko. SANA LANG AY OO.

