ALFE: May hangin na yayapusin ka katulad ng yakap ko... may ako na babalikan ka... Napatitig ako sa liham na ginawa na ibibigay ko kay Hermoine. Hindi man maayos ang pagkakasulat ko nito dahil kaliwang kamay ang ginamit ko, alam kong mararamdaman pa rin ni Moi na ako pa rin ito... ako pa rin at ang nararamdaman ko ang nakapaloob sa sulat... I closed my eyes and pressed it gently. Pinipigilan ko maiyak ulit. Pagod na akong lumuha pa dahil sa paulit-ulit na sakit. Pagod na akong lumaban para sa kanya pero labis ko siyang mahal. Naisip ko ang sinabi ni Dad, ikakasal na raw si Moi. Ipapakasal marahil siya sa iba katulad noon. "No, Moi. Huwag... hintayin mo lang ako dahil babawiin kita... babawiin kita..." hagulgol ko habang niyayakap ang papel na sinulatan ko at ang larawan niyang lukot

