"ITAAS ang kamay!" Nabalik ako sa sarili at nanghihinang nabitiwan ko ang balisong na kumitil sa buhay ni Adam. Nakalupaypay na ang ulo niya habang nakatarak pa sa kanyang kanang mata ang lagayan tinta ng ballpen na itinusok ko at ang itak sa kanyang harapan. "N-Nakapatay ulit ako... nakapatay ulit..." Nanlalaki ang aking mga mata habang pinagmamasdan ko ang duguan kong kamay at damit. Isa na nga akong kriminal. Mamamatay tao! Wala sa sarili akong napatayo at napalingon. Laking gulat ko na nakahandusay sa sariling dugo ang walang buhay na katawan ni Michael. Ang dilaw na t-shirt niya ay naging pula at puno ng dugo ang mukha. Nanginginig ang aking bibig at halos hindi makagalaw. Pati ang mga warden na nakapasok sa loob ng selda ay 'di nakaimik sa karumal-dumal na eksena sa loob.

