HERMOINE Nanginginig ang aking mga kamay habang inaabot ito sa babaeng may hawak na posas. Kanina pa siya titig na titig sa akin at hindi ko mawari kung naaawa siya o katulad ng iba-- ni Alfe, ay kapareho sila ng iniisip sa akin-- na isa akong kriminal. "A-Ate..." rinig kong iyak ni Summer na pilit akong inaabot. Si Mommy naman ay nakuha ng mga medic kanina dahil nahimtay nang nakitang papalapit na ang mga pulis na magdadala sa akin sa malaking bilangguan. Dalawang gabi akong nakakulong sa municipal jail ng Babak. Hindi na nakapagbihis dahil hindi ako pinapayagan na makapaghugas o mabigayan ng damit lalo na't kailangan ko pang maghintay sa test sa pulbura. Wala akong maayos na tulog o kain dahil habang nasa kustudiya ako ng pulisya ay bawal akong makipag-usap, maliban na lang noong

