Chapter 1: The Encounter
CHAPTER 1: ENCOUNTER
Maigi kong pinagmasdan ang malaking establishment sa harapan ko. It looks classy and exquisite.
" Ano pang iniintay mo baby sis? Don’t tell me you’re having second thoughts? I think you will like it here. It’s perfect."nakangiting sabi ni Kuya.
Umiling lang ako bago bumalik sa upuan ko mula sa pagkakadungaw sa bintana ng kotse.
Sure this school is beautiful, extravagant even, pero ayokong pumasok. Gusto ko pa din sa dati kong school.
Nakakainis naman kasi. Kailangan ko pang lumipat sa school na 'to para lang makasama ko ang lalaking itinakda nilang ipakasal sa'kin. Yes, I am arranged to be married to a guy I never even met! Cliché but this is really happening to me.
Akala ko sa mga movies or sa mga nobela lang ito nangyayari. I have proven that it also happens in real life when my parents announced it that day.
“ Ikakasal ka din naman at magkakapamilya, mas mabuting kami na ang pumili ng mapapangasawa mo.”
“ May napili na kami na babagay sayo, anak. At alam kong magugustuhan mo rin siya.”
That’s the most absurd thing I ever heard from my dad. Iniisip ko nga kung may mali ba sa pag-iisip niya ‘nung sabihin ‘yun. I get it. They must be concerned of my future but hello, hindi ba’t ang pag-aasawa ay personal matter of choice?
At ni minsan hindi pa iyon pumasok sa isip ko.
And besides I never saw him, ni hindi ko alam ang itsura niya but my parents insisted that I will like him for sure.
Paano na lang kung hindi ko pala magustuhan ang ugali? O kaya may bad habits? I don't have a say about it?
Thinking about it makes me so frustrated again.
Hindi ko maipapangakong magiging mabait ako sa kanya kung mangyari mang magkita kami. Anong gusto niyang gawin ko? Yakapin siya ng mahigpit at magsisigaw sa tuwa? Halleluya! Ikakasal na ako!
Ganun? No way.
Ayos lang sana kung kikilalanin ko siya eh para naman mapag-isipan ko pa kung tutol ako but the fact that they made me transfer to a different school is too much. I had to leave my friends there for him?
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Kuya.
" Alam kong mahirap 'to para sayo, pero wala tayong magagawa, Kaye. We are bound to follow traditions."
I groan.
"Kaya ba pumayag ka na lang din na ipakasal sa taong hindi mo gusto? Just to follow some freakin’ traditions?!"
Kahit hindi niya sabihin alam kong hindi niya rin ginustong ipakasal siya dati sa babaeng hindi niya gusto. Iniwan niya ni Ate Melanie para lang sundin ang gusto ng parents namin kahit masakit.
"Watch your mouth. Besides, what can we do?"
Tss. Ganyan naman siya eh. Duwag. Palibhasa he's the golden boy in the family. Lahat na lang ng gusto nina mom at dad susundin.
" This is not over, I can still stop this." I faced him."Help me, kuya. Tulungan mo kong pigilan 'to. Let's convince mom and dad again."
Ayokong ganito na lang ang buhay ko. Ayokong matulad sa kanya. I want to be free. Free from their dictates and their senseless traditions.Buong buhay ko dinidiktahan na lang nila kung anong dapat kung gawin. Do this, do that.
Ni minsan wala akong maalala na nagdesisyon ako para sa sarili ko. Hindi pa ako nahihibang para pumayag na itali sa kung sino mang lalaki.
I love my parents. Kaya nga sinusunod ko ang mga gusto nila eh dahil alam ko namang it's for my own good. But this is absurd. They are being selfish. Kahit ba naman sa pagpapakasal, sila pa rin ang magdedesisyon?
Tiningnan ako ni Kuya ng may pag aalala.
He sighed again.
"Okay. But first, pumasok ka na sa bago mong school. Sorry hindi na kita maihahatid sa loob, you know kailangan ako ni dad sa opisina. At kailangan mo na pala mag-commute pauwi. Pansamantala lang naman ‘to, I heard dad will buy an apartment near here para hindi ka na mahirapan sa susunod."
What?!
“ Hindi niya iyon nabanggit sa’kin!” gulat kong sabi.
“ Plano pa lang naman niya. Hindi ba’t mas gusto mo ‘yun?”
Moving means being free, right?
Tumango na lang ako. Mas mabuti nga siguro iyon.
Niyakap ako ni kuya kaya niyakap ko din siya. "Don't worry, I will make sure you don't suffer the same fate I had. I love you, baby sis."
"I love you too,kuya."
Mahal na mahal ko ang kuya ko. Kami lang ang magkakampi kapag masyado na kaming hinigpitan ng mga parents namin.
Nasaktan din ako nung time na umiyak siya dahil kinailangan niyang layuan si ate Melanie para lang sundin ang gusto ng mga parents namin.
Kuya Lesther is 5 years older than me. He's married to Celine Park but still inlove with Melanie Briones. Trust me, I’m sure.
And ako? Well I'm 17 turning 18, months from now. Worst is, I'll be married that time. They already decided the date. Great right? Sana hindi na dumating ang araw na yun. I had always been excited for my 18th birthday pero nung malaman kong ikakasal din ako sa araw na yun, I wish it will never come.
Humiwalay na kami sa yakap kaya bumaba na ako sa kotse.
"Behave, alright? Kilala kita, Kaye, lapitin ka ng gulo."
Ngumiti ako."I'll try."
Tapos sinara ko na 'yung pinto ng kotse.
Tinanaw ko munang umalis yung kotse bago ako nagsimulang maglakad papasok ng malaking gate.
ARMEL ACADEMY.
Nung malaman kong dito ako magtatransfer, naghanap ako ng information nito sa internet kahit na may mga bali-balita na tungkol sa school na ‘to. Nangunguna sa ranking ang AA being the most competitive school sa bansa and having the most population of students. Malaki naman kasi talaga ang school at maraming class branches. There’s too many praises about this school.
Despite of that I can’t still feel the thrill. Siguro dahil magsisimula nanaman ako sa una when I had the best of fun of my school years from my previous school. I miss my friends back in Winston.
The things I have to sacrifice.
Ilang minuto na rin akong naglalakad. Hindi ko alam kung saan ba ako papunta. Mukhang naliligaw na ata ako. Pero okay lang, parang tour na rin ‘to. The school grounds wasn’t bad.
This school is big, much bigger than Winston Academy.
The corridors which leads to the main building were covered with different flowers on both sides. They are well aligned and planted.
I really love the smell of flowers.
Napansin ko rin na maraming estudyante ang tumatambay doon. May ilang napapatingin sa'kin.They look at me with awe and wonder.
What can I say? I'm too kikay in my school uniform. Bumagay sa'kin ang maikling bandage skirt nila ang blouse na nagdepina ng beywang at dibdib ko. Ito daw kasi ang uniform ng klase ko. Every branches and year have different uniforms kaya madaling malalaman kung saang klase ka napapabilang.
Narinig ko pang napasipol ang iilang lalaking nadaanan ko pero hindi ko sila binigyan ng pansin. I am used to attention. I have the looks and body, I have to admit that, not to boast.
Naglalakad ako sa hallway ng isang building nung makarinig ako ng ingay sa loob ng isang storage room na nadaan ko.
Wala ng masyadong estudyante sa part na 'to, kaya napakunot ang noo ko. Nakarinig ulit ako ng ingay, parang may nalaglag na kung ano. Because of curiosity,lumapit ako sa pinto saka unti unting binuksan yun. Hindi naman ako matatakutin eh.
Ang totoo niyan blackbelter ako sa taekwando dun sa dating school ko. In case na kailanganin ko ang fighting skills ko ngayon.
Habang binubuksan ko yung pinto nakarinig ako ng mga boses kaya napatigil ako para pakinggan yun.
"...You're so hot...ahh! Shit..Yeah.."
" f**k! Ah! "
Mga malalalim na paghinga at mga ungos.
I heard thumping sound.
Napasinghap ako at nanlaki ang mata.
Hindi ako bobo para hindi malaman kung ano ang ingay na yun.
Shit!
Mukhang may gumagawa ng milagro dito ah. Buti na lang hindi ako pumasok. Baka atakihin pa ako sa puso sa makikita ko.
" Ahh..you're so good at this babe.Oh.Fuck! Yes!"
O my god. Disgusting. My poor ears. Hindi ko na kinayang marinig iyon.
Sa sobrang pagmamadali ko napalakas yung pagkakasara ko sa pinto. Urgh! Can this day get any awkward?
"s**t! May tao." narinig ko yung boses ng babae.
Lagot.
Tumakbo na ako agad paalis pero hindi pa ako nakakalayo may humila na sa'kin then pinned me on the wall.
Naramdaman ko pa ang sakit sa likod ko. Sinamaan ko agad ng tingin ang taong gumawa nun pero agad na nag-iba ang reaksyon ko when I saw HIM.
I saw gray eyes staring back at my brown ones. My world just suddenly stopped when I saw how gorgeous he was.
Matangkad siya-mukhang 6 footer- na maputi, matangos ang ilong, a manly jaw, makakapal na kilay, mapupula at maninipis na labi and brunet hair that I plead me to reach and stroke it. Napansin ko rin 'yung piercing niya sa kanang tenga. God. He's so out of this world godly.
His eyes were so magnetizing.
I stood staring at his handsome features. Napaawang pa ang labi ko at naramdaman ko ang pagkatuyo ng lalamunan ko. Buti na lang hindi nalaglag ang panty ko.
He smirked, a dangerous one like he knew what I was thinking.
"I've never seen you here. You're new?"
His voice is deep and husky. His breath is warm and minty.
Para akong nahipnotismo habang tumitingin sa abo niyang mata. Tumango lang ako kahit parang wala ako sa sarili.
I was lost in his gray eyes. May something sa mga mata niya. They hold coldness. The kind that they feel so hollow.
Tiningnan niya ako nang malagkit mula ulo hanggang paa kaya napabalik ako sa katinuan. Napakurap-kurap ako at napansin ang sitwasyon namin.
Ang lapit pala niya.
" It was you, isn't it?" mabagal niyang tanong habang ipinapakita sa'kin ang mapaglaro niyang ngiti.
Napakunot ang noo ko.
Ha? What is he talking about-
Oh. Oh!
Shit!
It suddenly struck me that he was the guy at the storage room and he was doing what I think it was.
Lahat ng papuri ko kanina, binabawi ko na. The man in front of me is a f*cking maniac!
" Hindi ako 'yun." sagot ko saka napalunok. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya kahit gusto ng sumuko ng tuhod ko.
There is something about his reaction when he stared at me.
Hindi ko alam kung ano.
Then his jaw clenched. Damn! Hindi ko mapigilang mapahanga nanaman doon na parang first time na makakita ng panga ng lalaki.
"Alam kung ikaw 'yun. I smelled your perfume. It smelled like roses."
Naramdaman kong nag init ang pisngi ko. Oh god. My hormones shouldn’t be reacting this way but they are.
Umangat ang kamay niya para hawakan ang buhok ko kaya iniwas ko ang ulo ko.
Napangisi siya lalo. Something funny?
“ ‘Wag mo kong hawakan ng kamay mo. Who knows kung saan na iyan dumapo.” The thought of it made me cringe from disgust.
Hindi pa rin naalis ang nakakainis niyang ngisi.
" Tell me, what's your name?" tanong niya. He seemed amused.
I have a feeling that he is trying to flirt with me but I’d rather give him a blackeye rather than interest.
"I don't give my name to someone who just had s*x in a storage room. Asshole!"
Kadiri siya.
Dito pa talaga nila sa school ginawa 'yun? Hindi na ba makapaghintay ang tawag ng katawan nila kaya kung saan na lang ginagawa?
Unbelievable. Nawala bigla ang ngisi sa labi niya and then the emotion on his face somewhat became cold.
" You have a pretty mouth but a sharp tongue, lady. And I don’t tolerate people like you." bumuntong hinga siya habang nakapikit siya na parang kinakalma niya ang sarili. Naamoy ko pa ang mouthwash niya. At mabango iyon.
Minulat niya ulit ang mata niya.
"I understand that you're new but really, you should be careful to who you're showing your sassiness in this academy."
" I’m just merely telling the truth. And I don’t even care whoever you are so just finish your- business.” I emphasized the last word. I moved to get away but he blocked me with his arm.
“ But you interrupted us in the middle of-“he licked his lips while looking at me. “ Nevermind. I don’t wanna pollute your mind when you already heard enough.”
Napataas ang isang kilay ko.
“ Anong tingin mo sa’kin? Hindi alam ang ganung bagay?”
Bakit pakiramdam ko parang ang baba ng tingin sa’kin ng lalaking ‘to?
His amused smile was back again. He leaned even closer to me kaya napaatras ang ulo ko kahit wala namang maatrasan.
“ I wonder who taught you. I want to meet him.”nawala bigla ang ngiti niya.
What?
Tinulak ko siya palayo sa'kin. I felt his hard muscles inside his uniform.
His features went hard and dangerous.
“ Magkukunyare na lang ako na hindi kita nakita at wala akong narinig. Like I said, I don’t care.”sabi ko. Tatalikuran ko na sana siya pero nagsalita siya kaya napatigil ako.
“ But what will you do with my unfinished business?”
Nakakunot ang noong napalingon ako sa kanya. Base sa ngisi niya alam ko na kung ano ang tinutukoy niya.
“ W-why the hell are you asking me? B-bastos ka talaga e noh?
“ What are you thinking though? I meant that you should atleast apologize.”
Tuluyan na akong humarap sa kanya.
“ Bakit ko naman kailangan humingi ng tawad? You really expect walang makakarinig o makakaalam ng ginagawa niyo? Kung hindi man ako paniguradong merong makakahuli sa inyo. You should be ashamed of yourselves. This is a school not a motel.”
I gave him a glare but that annoying smirk never left his face.
Nakarinig kami ng pagbukas at pagsara ng pinto.
"Hey babe!" napalingon ako sa papalapit na babae. Mukhang siya yung katalik nitong lalaking ‘to. She's still buttoning her blouse when she came out. So that's her? Quite frankly, she has big future.
Inirapan ako nung babae ng makita niya ako kaya inirapan ko din siya. Ka-babae niyang tao pumapayag siyang makipagtalik dito sa school? Hindi ba sila nag aalala kung sakaling teacher yung pumasok at makakita sa kanila? Wala ba silang rules sa school na to?
But by the looks of it, mukhang wala naman silang pakialam.
Hinawakan nung babae yung lalaki sa braso pero tinanggal agad nung lalaki. Mukhang nainis naman yung babae dahil sa ginawa ng lalaki not to mention na nakita ko.
"What the hell, Grey?" ani nung babae.
"We're done." malamig na sabi nung lalaki na parang sanay na siyang sabihin yun.
"What?! You're not serious, right?" pagak nitong tawa.
"You heard me."
"You can't do this to me! May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan?"
Hindi na sumagot ‘yung lalaki saka nilagay yung dalawang kamay sa bulsa niya saka tumingin sa'kin saglit. Napataas lang ang kilay ko sa kanya and he gave me an amused look.
“ Ask her.” Turo niya sa’kin.
Napaawanag ang labi ko saka napaturo din sa sarili ko.
The girl gave me an angry look while scanning me from head to toe.
Before she could say something to me tumalikod na iyong lalaki saka nagsimula ng maglakad paalis. Hinabol naman siya agad nung babae na nagmamakhaawa.
What the hell? What's with this school and the students na malayang makipag talik kahit sa loob ng school pagkatapos break na agad?
Napatingin ako saglit sa kanila saka napailing. Ano kayang klaseng school ‘to? Mukhang hindi ito ang inaasahan kong mangyayari sa first day ko.
Naalala ko bigla ‘yung sinabi nung babae.
Grey? Like the color of that guy’s eyes? Is that really his name?
Parang familiar sa'kin yung name na yun. Saan ko ba narinig yun?
Nung wala naman akong maalala, iwinaksi ko na lang iyon sa isip ko.
I checked my phone to see that I am already late for my first subject. It’s all that guy’s fault.
Room 303. Ito ang room number ng classroom ko para sa first subject base dito sa schedule na hawak ko. Medyo natagalan pa akong hanapin ito.
Pumasok na ako sa classroom at sinalubong ng mga tingin ng mga estudyante sa loob. Hindi na ako magtataka dahil late ako. The teacher stopped doing what he was doing when he saw me.
" May I help you, miss..."
"Ferrell po. Shara Kaye Ferrell." Pagpapakilala ko.
Nagbulungan naman ‘yung mga estudyante.
"Oh! So you're the transferee from Winston Academy."
"Yes,sir."
Nakarinig ulit ako ng bulungan. I don’t even know but I feel like I made a grave sin.
You perfect? Tss. Urgh! I hate first days.
" Call me Mr. John. May I know why you're late, Ms. Ferrell?"
Oh now you mentioned about it. I would like to report a case I just encountered. Worst case scenario.
Gusto kong sabihin. Pero hindi ko na lang sinabi. It's best if I won't think about it. I won’t let it ruin my day eventhough I know that it will really haunt my mind. Like I witness a live p**n out of nowhere! Kahit nga niyaya ako ng mga kaibigan kong manuod hindi ko sinubukan and then out of nowhere..
nevermind. Hindi ko na talaga iisipin ‘yun. That never happened.
" Nahuli lang ng gising, sir. Hindi na po mauulit." sabi ko.
" I hope not. You may take your seat."
Sinunod ko naman siya. Naglakad ako papunta sa isang bakanteng seat sa likod. Akala ko may introductions pa, buti naman wala na.
" From now on, Ms. Ferrell will be your new classmate so be nice to her. She's from Winston Academy." anunsiyo ni Mr.John.
Napalingon naman sa'kin yung iba. Ngumiti lang ako ng friendly sa kanila. I won’t be here long. Mantra ko sa isip ko.
"Now let's continue-"
Hindi ko na narinig yung sinabi ni Mr. John kasi may nagtitilian na sa unahan ko.
"O my god! He's here."
"Damn. He's so hot talaga."
Lahat ng atensyon napunta sa taong kapapasok lang sa classroom.
I stop dead on my seat staring at the guy who owns those gray eyes na diretsong pumasok sa loob never minding the attention.
” Again, Mr. Armel?”sita ng guro.
Napahinto naman ang lalaki sa kalagitnaan ng paglalakad saka nilingon ang guro.
“ What?”he boredly asked the teacher.
Napailing na sumusuko si Mr. John. “ Just take your seat.” He then addressed the class.
“ Manahimik na ang iba dyan. Alam kong marami ang masaya sa presensiya ni Mr. Armel ngayon pero ‘wag niyong kalimutan na nasa klase pa rin kayo.” Sabi niya.
Sinundan ng mata ko ang lalaking tinawag niyang Armel.
Armel? Maybe it's his last name.
Wait. Saan ko nga ba narinig yung Armel?
Armel Academy?!
Wait. Don't panic.
Baka kaapelyido lang. Imposible namang sila ang may-ari nito, di ba?
Pero what the heck?! Bakit siya nandito? Mukhang hindi naman siya nandito para sa’kin, judging from how he knew where he was going.
Then this means..
Kaklase ko siya?!