Chapter 15

4916 Words
Napabuntong hininga nalang ako nang hindi na naman nasagot ni Santos ang tawag ko. Limang beses ko na syang tinatawagan pero ni isa ay hindi nya sinagot. Hindi din ako naka- receive ng kahit isang message mula sa kanya. Maybe he's really busy. Isang lingo na din kaming hindi nagkikita, hindi kasi sya pumasok sa school dahil abala sya para sa flight nya papuntang Singapore. Busy sya sa pag- endorse ng mga gawain at yung mga trabaho nya na hindi nya madadala pa- labas ng bansa ay sinubukan nya ng unahin para iwas delay. Ganito nga pala ang pakiramdam ng may boyfriend na may- ari ng isang kompanya. Kailangan palagi kang may baon na pang- unawa at pasensya. I just pouted when I read another Yohan Santos did not answer flashed on the screen. Nami- miss ko na si si Santos. Ang boses nya, ang tawa nya, ang pang- aasar nya, ang pagiging clingy nya at ang kanyang... Oh my god, Isabel! Simula nang may mangyari sa amin ni Santos, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na isipin ang mga bagay na ginawa namin. Ilang araw ko na din syang napapanaginipan na nakahubad sa aking harapan. Shet! "Hi!" Napaigtad ako nang may biglang nagsalita. Nasakto pa ang dating nya kung kelan may lumilipad na hubad na imahe ni Santos sa aking isip. Agad kong nasapo ang aking mainit na pisngi dahil pakiramdam ko ay nahuli nya ako sa mga malalaswa kong iniisip. Napakurap ako ng ilang beses "Hi," nahihiya kong bati sa kanya dahil hinid ako sigurado kung napansin nya bang namumula ako. Ano ba kasing kailangan ng isang 'to? Nahihiya syang napakamot sa likod ng kanyang ulo. "Ahhh... ehhh... pwede bang maki- share ng nook? Wala na kasing bakante eh," he said, giving me a shy smile, Inikot ko ng paningin ang paligid at tama sya, wala ng bakante kasi magtatanghalian na, karamihan sa mga estudyante ay naka- break na. Bunaling ulit ako sa lalaking nasa harapan ko at saka ko lang napansin na meron syang hawak na lunch pack. Napakurap ulit ako, "Yeah, sure," Dali- dali kong inimis ang aking mga gamit sa ibabaw ng mesa para mabigyan sya ng space. "Thank you," aniya nang makaupo at mailapag niya ang kanyang mga gamit, "No problem," nakangiti kong sabi sa kanya, "Did you eat?" He asked in a friendly tone while opening his lunch pack. Pasimple ko namang sinulyapan ang laman ng mga iyon. Hindi ko maiwasan na bumulong sa sarili ng "oh" nang makita ko ang lunch nya. Pagkaing mayaman. Mga dahon dahon, laman ng manok, kamatis at kung ano ano pa. Kagyat ko namang itinapon kung saan ang aking tingin nang iangat nya ang kanyang mukha at tumingin sa akin. Baka mahuli nyang nakatunganga ako sa kanya. "Kain tayo, Miss..." Tumingin ako sa kanya. Itinaas nya naman ang kanyang kilay na nagpapahiwatig na gusto nyang malaman ang pangalan ko, "Isabel," Saka lamang nya ibinaba ang kilay niya at tumango- tango, "Kain tayo, Miss Isabel," ulit nya sa kanyang sinabi pero ngayon ay kasama na ang aking pangalan, Nginitian ko sya, "Thanks, pero kumain na ako." Nagpatuloy na sya sa pagkain habang ako ay naghihintay pa din ng tawag at chat ni Santos. "Madalas ka ba dito?" walang ano- ano’y na tanong niya, Napakunot ang aking noo sa ibig nyang sabihin. Oo, madalas ako dito sa school, yun ba yun? "I mean, dito sa Student's nook," paglilinaw niya sa kanyang tanong, Wow huh, may kapangyarihan magbasa ng isip? "Yeah, dito ako madalas," "So makikita pa ulit kita dito, next week at sa susunod pang mga araw?" curious niyang tanong. Napakunot uli ang aking noo, Bakit nya tinatanong? "Pwede ba tayong magsabay ng lunch next week?" Napaawang ang aking bibig, "Huh?" gulat kung tanong sa kanya. And just on cue, biglang nag- vibrate ang phone ko, "Excuse me, I just need to take this call," I gave him a polite smile at saka lumayo para sagutin ang tawag na kanina ko pang hinihintay, "I'm sorry Babe, I was busy arranging your flight," bungad niya, Gusto ko syang paulanan ng samu’t- saring tanong tungkol sa kung anong nangyari sa araw nya pero bigla akong nalito nang marinig ko ang sinabi nya, "Huh?" ano bang nangyayari sa mga tao ngayon at kung ano- ano ang mga sinasabi nila. "I need you to come here tonight," hindi ko man sya nakikita pero alam ko na naka- ngiti sya, "Ano?!" mataas na tono ng boses na tanong ko sa kanya nang ma- kompirma ko ang sinasabi nya, Napatawa sya nang mahina, "Relax," sabi nya na sinusubukan akong pakalmahin, "Pano ako magre- relax eh pinapalipad mo ako nang biglaan," marahas akong napa- buga ng hininga, "Don't worry, I just prepared everything. Ipapasundo kita sa driver namin, nasa kanya na ang lahat ng kailangan mo for your flight including your passport," "Pano napunta sa kanya ang passport ko?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya, "Pinakuha ko sa bahay nyo, so it means alam na din nila nanay at tatay. At ang mga damit mo, don't worry, I bought you some clothes here, so wag ka ng magdala at diretso airport ka na. Any question, babe?" Sanadali akong natigilan habang pino- proseso ang mga sinabi nya sa akin. Napaawang ang aking bibig at napailing nang ma- absorb ko lahat ang sinabi nya. I pressed my lips together, "Why do you want me to go there?” I calmly asked, "Because I miss you," he lovingly answered. Mabilis na sumilay ang ngiti sa aking mga labi at agad na tumugon ang aking puso. Marahil ay naramdaman nya ang ngiti ko kaya narinig ko na ngumisi sya, "See you later, Babe," sabi nya na bakas na bakas sa boses ang excitement. "See you later, Babe" nakangiti ko din namang sagot. Ibinaba ko na ang telepono at bumalik sa aking pwesto. Hindi ko maitago ang saya sa aking labi nang sa wakas ay magkikita na kami ni Santos matapos ang isang linggo. “I guess, it’s your boyfriend,” may pait sa boses ng taong nagsalita. Napakurap ako ng ilang beses dahil nakalimutan ko na may kasama nga pala ako dito. Tiningnan ko sya pero binigyan lang nya ako ng malamlam na ngiti. Anong nangyari sa kanya? Okay naman sya kanina. Sinuklian ko nalang sya ng isang ngiti kahit na medyo nao- awkward ako sa tingin nya. “If I cannot eat lunch with you. Then maybe, I’ll just see you around,” he shrugged, Napa- ngiti ako but this time, it’s obvious na nao- awkward na ako sa kanya, Niyayaya nga pala nya akong mag- lunch next week. “By the way, my name is Marco,” iniabot nya ang kanyang kamay for a handshake at saglit ko iyong tinitigan, nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba. “Nice to meet you, Marco,” sa huli ay napag- desisyunan ko na ding tanggapin iyon kahit labag sa loob ko ang pakikipag- kamay sa kanya. Hinawakan ko lang ang mga diliri nya at hindi ang buong kamay. “Nice meeting you too, Isabel,” mapungay ang kanyang mga mata na nakatingin sa akin kaya agad kong binawi ang kamay ko sa kanya at nag- iwas ng tingin. Inimpit ko ang aking mga labi at ibinalik ko sa aking tenga ang mga hibla ng buhok na nasa aking mukha. Seryoso, ito talaga yung sinasabi nilang awkward silence. Narinig ko na bumuntong hininga sya, “I’ll go ahead, Isabel. I’m sorry for bothering you,” Tumango ako bilang tugon pero hindi ko pa din sya tinitingnan. Naramdaman ko na iniimis na nya ang kanyang mga gamit at saka walang imik na umalis. Bigla naman akong nakahinga nang maluwag ng tuluyan syang nakalayo. ~~~ Kagaya ng sinabi ni Santos, pagkatapos na pagkatapos nga ng klase ay may sumundo sa akin na isang lalaki para dalhin ako sa airport. Tinawagan ko nalang sina Nanay at Tatay kasi hindi na ako makakapunta ng palengke para makapag- paalam kasi mali- late ako sa flight ko. Nakatulog na din ako sa byahe pag- take off ng eroplano at nagising lang ako nang mag- landing na ito. Abot hanggang tenga ang aking ngiti nang makita ko si Santos na naghihintay sa akin. Sa likod niya ay isang itim na Mercedes Benz na sa tingin ko ay sasakyan mula sa hotel. Ilang malalaking hakbang ang ginawa nya para mabilis na makalapit sa akin at ganoon din ang aking ginawa. Mabilis nyang pinulupot sa aking bewang ang kanyang braso at niyakap ko naman sya sa kanyang leeg. I buried my face on his neck while he turned me around while hugging, and only God knows how much I miss this guy. Hindi ko maiwasan na amuyin ang leeg nya at bigyan ito ng isang halik. Fudge, I miss his smell. Nang maibaba nya ako mula sa pagkaka- ikot ay ilang segundo pa kaming nanatiling magkayakap at mas hinigpitan ko pa ito, “I miss you,” I whispered against his skin. Matangkad sya kaya nakatingkayad ako, maabot ko lang ang leeg nya. “I miss you too, Babe,” sagot niya at hinigpitan din ang pagkakayakap, I kiss his neck again and I giggle because he stiffened when he felt my kiss. "God, I want to kiss you," he pulled away to greet me with a deep and flaming kiss. He cupped my jaw with his left hand while his right hand is on my back, he kisses me in every angle he can. He bit my lower lip and I moaned in pleasure. Nanlaki ang mga mata ko dahil bigla kong naalala na wala nga pala kami sa tamang lugar para mag- make out. I broke the kiss at nakita ko kung paano sya nabitin. He groaned in frustration, "Babe, this is not the right place to do this," natatawa kong sabi sa kanya dahil mukhang masama ang loob nya, He rolled his eyes, "I don't care," he's about to lean again but I covered his lips with my hand. I laughed when he sneered at me like a child. He just shook his head and sigh "Fine," kinuha nya ang aking kamay at pinagsiklop ang aming mga daliri. "How's your flight?" Tanong niya habang kinukuha ang sukbit kong bag. Walang din naman itong ibang laman kundi gamit ko sa school. "Good," nakangiti kong sagot. Naglakad kami sa direksyon ng Mercedes Benz at pinagbuksan kami ng pinto ng isang lalaking naka-uniporme, “Thank you,” I joyfully said when we both get in the car. Ito ang unang pagkakataon na makalabas ako ng bansa at masaya ako dahil ang taong mahal ko ang kasama ko. Akala ko magagamit ko lang ang passport ko as Valid ID. Sinilip ko mula sa bintana ng sasakyan ang kagandahan ng syudad. Napakalinis at napaka- gara ng paligid. Inabala ko ang aking sarili sa pagsa- sight seeing. Maya't- maya din akong napapa- ngiti at napapanganga sa magagandang gusali. "Babe," Isang mainit na hiniga ang tumama sa balat ng aking leeg. Santos hugged me from the back and he rested his chin on my shoulder. Umusog ako nang kaunti para mas dumikit sa dibdib ni Santos at gaeing komportable ang sarili, "Did you sleep on the plane?" "Yup," "Good. Actually, we're going to attend a party tonight kaya kita pinapunta dito," I moved my head a little to glance at him, "Party?" "Yup, you're my date. Don't ask about your gown, I already prepared for it, as well as your makeup artist," hinawi nya ang aking buhok at inilagay sa kabilang balikat, "Wow, kaya pala sobrang busy mo at hindi ka makapag- chat kanina," I pouted. He smirked as he tightened his arms around my waist, "Still sulking about it?" I gasped when he kissed me on my neck that abruptly sent chills on my spine. Sh1t, I miss him... inside me. Fck. "I'm sorry but don’t worry my time will be all yours tonight, I promise," I shook my head. I may be sound sulking but I know in my heart that I fully understand his job. Magtatampo pa ba ako eh ginawan nya na nga ng paraan na magkasama kami ngayon, isiningit nya pa sa schedule nya ang paghahanda ng mga susuotin ko. In fact, mas naa- appreciate ko sya kesa magtampo sa kanya. Pinisil ko ang mga braso nya na nakayakap sa akin, "Not really, Babe. Alam ko namang busy ka at sa totoo lang masaya ako na pinapunta mo ako dito para makasama ka,” hinawakan ko ang mukha nya gamit ang aking kanang kamay. Muli nya akong hinalikan sa leeg na para bang kinu- kuryente ako sa epekto nito, "Thank you so much, babe." ~~~ Matapos ang halos kalahating oras na byahe, nakarating kami ni Santos ng hotel. Deretso kami sa suite nya at halos magulantang ako nang bumungad sa akin ang make- up artist na inarkila ni Santos. Naka- set up na sa sala ang vanity mirror at ang mga make- up na gagamitin. I shyly bow to greet her and she also did the same but with confidence. "Eat first," ani Santos, Hinawakan niya ang aking kamay at iginiya ako sa kitchen. Nakita ko sa counter ang mga Chinese food na naka- take out box. "Kumain na ba sya?" Tanong ko kay Santos na ang tinutukoy ay yung make- up artist "Yeah," matipid nyang sagot. Mabilis kong inubos ang aking pagkain dahil ayoko na maghintay nang matagal yung babae. Mabilisan din akong nag- shower bago umupo sa harap ng vanity mirror. Si Santos ay nagbibihis na dahil kanina pa syang tapos ayusan. Pagkatapos ng ilang minuto, napa- ngiti ako sa ayos ko, My hair is fixed in updo and my makeup is just right. Pumasok ako sa loob ng kwarto dahil sabi ng makeup artist nandoon yung gown na susuotin ko. Santos is busy talking with someone over the phone so I didn't try to bother him. Nakita ko sa tabi ng kama ang isang mannequin. I pressed my lips together and touched the dress. It's a heavily sequined champagne v- neck dress with a high slit. Nasa kama naman ang isang beige stiletto. I am in awe when I look at the dress. Infairness, magaling pumili si Santos. Hindi ko na tinawag yung makeup artist para tulungan ako since hindi naman sya mahirap isuot. I look in the whole body mirror. It perfectly fits me. Ang galing naman ni Santos at nahulaan nya ang size ko. I did a half turn in front of the mirror to check my back at nang makita ko na okay na ay saka ako lumabas ng kwarto. Santos is sitting on the couch. Kahit nakayuko sya dahil busy sa paglalaro sa phone ay napaka- gwapo nya pa ding tingnan sa kanyang black tuxedo. Lumapit ako sa kanay at nang maramdaman nyang nasa harapan ako ay agad syang nag- angat ng tingin sa akin. He swallowed when we both stared at each other. I pressed my lips together before smiling at him. Natulala pa syang saglit bago napakurap ng ilang beses para makabalik sa kanyang sarili. "Wow, you're so gorgeous, Babe," nanlalaki ang kanyang mga mata at nakaawang ang kanyang bibig. He is so amused, at hindi ko mapigilan ang sarili ko na mas lumapad ang ngiti dahil sa komentong ibinigay nya sa akin. "Thank you, Babe," I bit my lower lip because the smile couldn’t just go away. I love the way he looks at me. His eyes are all twinkling at kulang nalang ay maghugis puso ito. He looks so astounded, "God, I'm so lucky to have you," he said almost voiceless. Hinawakan nyang parehas ang aking mga kamay at mataman akong tinitigan. Manghang- mangha pa din sya, “Baka naman matunaw ako nyan, Babe,” pang- aasar ko sa kanya. Tumawa sya at kinagat ang kanyang ibabang labi. Wala pa syang balak na alisin ang kanyang mga titig kung hindi lang may bigla syang naalala at saka may dinukot sa kanyang bulsa. Inilabas nya mula roon ang isang itim na kahon. Kumunot ang aking noo na nagtatanong sa kanya kung ano na naman ang ibibigay nya sa akin. Hindi nya ako pinansin at sa halip ay binuksan ang kahon. Ibinitin niya sa ere ang isang ginto kwintas na may hugis pusong pendant at dyamante sa gitna. Hindi ko maiwasan na mapaawang ang aking bibig, "This is for you," nakangiti niyang sabi at saka sinapo ang pendant nito. Hinawakan niya ang aking siko para igiya ako na tumalikod sa kanya kasi hindi ako kumikibo at nakatulala lang ako, "Thank you for coming into my life, Babe,” he said as he placed the necklace around my neck. Hinawakan ko ang pendant nito at saka pinisil. “Thank you for allowing me to love you,” sabi nya sa pinaka- malambing na boses. Agad namang nagsi- tugon ang mga paru- paro sa aking tiyan at bumilis na naman ang t***k ng aking puso. “Having you as my girlfriend is one of the best things that ever happened to my life," his voice cracked and my heart feels warmed when I heard the sincerity in his voice. Nang maramdaman ko na naikabit nya na ang kwintas ay humarap ako sa kanya. Halos mapahikbi ako nang makita ko ang namumula niyang mga mata. My man is about to cry because of happiness and just like him, I couldn’t be more thankful that he came into my life. I cupped his face and made him look at me. He caressed my right hand and kissed its palm. "Mahal na mahal kita," he said in a very soft voice, "I will never get tired of loving you every single day, Isabel" kinagat niya ang kanyang ibabang labi para pigilan ang nagbabadyang mga luha, pero pakiramdam ko, ako naman ata ang bibigay. Napabuga ako ng hininga dahil hindi ko na kayang pigilan ang luha ko. Bigla naman syang nataranta at hindi nya alam kung paano ako hahawakan, "Oh s**t, don't cry. You'll ruin your makeup," dali- dali nyang hinagilap ang kanyang panyo at pinunas ito sa aking mata, Natawa ako sa reaksyon nya at hinampas nang mahina ang kanyang dibdib, "Santos!" natatawa kong sabi, He chuckled before wrapping his right arms around my waist and cupping my jaw with his left hand, "I told you to stop calling me Santos," he said in his usual authoritative voice but he sounds more sweet than intimidating. He leaned to kiss me. "Sorry, Babe," pagtatama ko sa pagtawag sa kanya, "Or maybe I can just change your last name into Santos," he winked at me. I gave him a meaningful gaze, "Maybe I can consider that,” I said without bluffing. Muli na naman syang natigilan at saka kuminang ang mga mata na para bang may sinagot akong malaking question mark na nakapatong sa kanyang ulo. Ngumiti sya nang napaka- lapad, "Yeah?" Kinagat niya ang kanyang labi para pigilan ang hindi mawala- walang ngiti pero bigo siya. Kinuha nya ang aking kamay at hinalikan ang likod nito, "The pleasure will be all mine, Babe," he said before pulling me closer for another deep kiss. ~~~ We entered the ball room and all of the people here are dressed in full elegance and luxury. I can hear them murmuring about business and future plans. May mga nilapitan si Santos na mga tao at kinausap tungkol sa negosyo. Some of them are Filipinos, some are foreigners. We settled in a four-seated table pero kaming dalawa lang ang tao dito. Inikot ko ang aking tingin sa paligid habang si Santos ay abala sa pag- skim ng mga calling cards na nakuha nya sa mga nakausap kanina. He said, he's fishing for possible business partners. Napatigil ang aking paningin sa dalawang pamilyar na tao sa hindi kalayuan. Tinitigan ko silang mabuti at nang ma- kumpira ko kung sino sila ay agad kong kinalabit si Santos, "Babe," tawag ko sa kanya, "Yes?" tanong nya. Lumingon sya sa akin pero hindi nakapako ang paningin ko sa dalawang tao na iyon, "Look at them," tinuro ko sa kanya ang direksyon ng aking tinutukoy, Nagkatinginan kaming dalawa, "What about them?" nakakunot ang noo niyang tanong sa akin. "They're Mr. And Mrs. Santiago, they're the ones who gave me the scholarship program," nakangiti kong sabi sa kanya. "Really? Do you want to greet them?" I pressed my lips together and nodded. Nakapag pasalamat na ako sa kanila noon pero gusto ko pa din silang makausap. Minsan ko lang din naman silang makita at nakakatuwa dahil sa ganitong event pa kami magkaka- daupang palad. Naglakad kami papunta sa kanilang direksyon at hinintay muna namin na makaalis ang kanilang kausap bago kami lumapit. Binati ko silang dalawa ngunit ang babae lamang ang ngumiti sa akin, ang asawa niyang lalaki ay nakatingin naman kay Santos, "Isabel, right?" Tanong ni Mrs. Santiago, Tumango ako, "Yes mam," Napatingin si Mr. Santiago sa kanyang asawa, marahil ay nagtataka kung bakit kilala ako ng kanyang asawa, Bumaling sya kay Mr. Santiago, "She's one of our scholars, Daddy. I heard she's doing good and we can expect her to graduate with Latin Honors," pagmamayabang niya sa asawa. Hindi ko naman maiwasan na mamula ang pisngi sa sinabi ni Mrs. Santiago. She looks like a proud mother. Marahil ay masaya din sya dahil nakikita nya ang bunga ng kanilang kabutihan sa ibang tao. Bukod sa nagpapasalamat ako dahil tinulungan nila ako sa pag- aaral, nagpapasalamat din ako sa kanila dahil sila ang naging susi para makilala ko si Santos. "Wow, that's great!” komento naman ni Mr. Santiago na lumiwanag ang mukha sa narinig, “I’m sorry hindi kita nakilala, I’m not really familiar with our scholars because my wife is the one who is more focused with charity,” dagdag niya. I just gave him a polite smile. Well, he’s telling the truth. Pagkatapos noon ay bumaling na ulit sya sa kanina nya pang tinitingnan, “Kung hindi ako nagkakamali he's Yohan Santos, right? One of the youngests CEO in our country," tumingin sya sa kanyang asawa at bumalik ulit kay Santos. I look at Santos, his self- esteem boosted when Mr. Santiago recognize him, "Yes sir," he gladly said, "I'm glad to see you here iho, matunog na matunog ang pangalan mo ngayon,” papuri naman ni Mr. Santiago. Tumingin ulit ako kay Santos na kumikislap ang mga mata ngayon. Hindi ko din naman maiwasan ang mapangiti, I’m proud of him Nakikilala na sya sa industriyang pinasok nya. It seems like his hard work is slowly paying off. “You're just like your Dad when it comes to running your business, very smart and a good strategist,” Ngumisi si Santos at napayuko, nang bumalik ang tingin nya sa kausap ay may baon- baon na syang sasabihin, "Thank you, sir. I can say that I am overwhelmed by your compliment,” he said, taking all the merit that Mr. Santiago had told him. Pero biglang sumeryoso ang mukha nya, “But with all due respect, I don't like being compared with my Dad," he said matter-of-factly. Pare- parehas kaming natigilang tatlo sa sinabi ni Santos. I am fully aware na galit sya sa daddy nya pero hindi ko aakalain na magiging tahasan sya sa pagsabi nito,maging sino man ang kanyang kausap. Nagkatinginan ang mag- asawa. Tumango- tango si Mr. Santiago, "Of course, I understand that iho. I know where you're coming from.” Hindi sila nagtanong kung bakit ganoon ang reaksyon ni Santos, so it means, alam din nila ang nangyari sa kanyang pamilya. Tumingin ako sa kanya at pinisil ang kanyang braso kung saan ako nakahawak. He caressed my hand and gave me a reassuring smile. I pressed my lips together and gave him a small nod. "We will be glad to meet you again, Mr. Santos, and hopefully discuss business with you. Please take my calling card," may iniabot si Mr. Santiago na maliit na papel kay Santos at malugod nya naman itong tinanggap. "Thank you, Mr. Santiago. I’m looking forward to doing business with you,” he said as he handshake with the old man. Nakangiti naman ang matanda nang may bigla syang maalala, "Or Maybe you can consider our daughter as well to be your business partner. She's also running her own business. One of the youngests, same as you," suhestiyon naman ni Mr. Santiago. Hindi na nya hinintay na makasagot si Santos at bumaling na agad sa kanyang likod upang tawagin ang isang babaeng nakatalikod sa amin. "KC, anak, come here," Humarap ang babaeng balingkinitan. Napaka- maalindog niya sa kanyang black plunge gown. Mukha syang isang model, I wonder if she also do modelling while running her business. I sternly look at Santos, I would like to see his reaction. Hindi ko pinagdududahan ang pagmamahal nya saken pero kahit na sino kayang akitin ng babaeng kaharap namin. Pero bigo ako, wala manlang gumuhit na kahit anong reaksyon sa mukha nya. Loyal ka na nyan, babe? "Yes, Dad?" tanong niya sa kanyang ama, "I would like you to meet, Mr. Yohan Santos," pagpapakilala ng kanyang ama. Tumingin sya sa kay Santos at agad na lumiwanag ang kanyang mukha nang mapag- sino ang kaharap, "Wow, it's you! I heard a lot from you, Sir," nag- ningning ang kanyang mga mata at mabilis na lumapit kay Santos para makipag- kamay. "Just call me Yohan,” inabot niya naman ang kamay nung babae, “I’m KC,” pagpapakilala niya sa sarili. Abot tenga ang kanyang ngiti. Hindi ko maiwasan ang mapa- nguso at sikretong umirap. Ayokong mag- conclude agad na may gusto sya kay Santos pero the way she looked at him is really different. Or baka nga OA lang ako masyado? Gusto ko nalang murahin ang sarili ko dahil sa selos na nararamdaman ko. Okay, Isabel. You have to be objective. She’s a potential business partner of your boyfriend. Tigilan mo ang pagiging selosa mo. Kastigo ko sa aking sarili. "And Ms. Isabel Tamayo, one of our scholars," si Mrs. Santiago naman ang nagpakilala sa akin. Binigyan ko naman ng isang ngiti ang kanilang anak--pilit na ngiti. Okay, Isabel. One more thing, cut your attitude. Muling kastigo ko sa sarili, "Hi, Isabel. It's my first time meeting a scholar of my parents and I never expected that I would meet you here," hindi makapaniwala niyang sabi. So, anong ibig mong sabihin? Na hindi ako nababagay sa ganitong lugar dahil event ‘to para sa mga mayayaman? I want to tell her but I stop myself to blurt it out. Seriously, I need to calm my ass kung ayaw kong matanggalan ng scholarship. “Yeah, I’m with Yohan,” sa halip ay sagot ko sa kanya, Napataas ang kilay nya na nagtatanong kung bakit nga ba kami magkasama ni Santos, "May I ask how are you related to each other?" usisa niya, salitan naman ang mga mata nyang tumingin sa aming dalawa ni Santos. Sabi ko na nga ba at itatanong nya yan. Sino nga bang hindi magtataka kung bakit magkasama ang isang mahirap at isang mayaman sa ganitong klase ng event. Tumingin ako kay Santos pero nakapako lang ang paningin nya sa kausap. Diretso syang nakatingin sa mata ng babae pero walang kahit anong emosyon ang nakaguhit dito. Aaminin ba nyang girlfriend nya ako? "She's my fiancée," deretsahan niyang sabi, Nanlaki naman ang mga mata ko sa aking narinig. Hindi ko akalain na ipapakilala nya ako ng higit pa sa girlfriend! Kahit kelan talaga ang lalaking ‘to! Tila napawi naman noon ang nararamdaman kong selos. Hay, Santos, hindi na talaga ako maghahanap ng iba. "Oh, I see," saad ng aming kausap na may halong pagkadismaya sa boses. Taas noo kong ibinabalik ang aking tingin sa kanya. Nasa akin pa din ang huling halakhak. And it’s confirm may gusto nga sya sa boyfriend ko kasi bigla nya akong inirapan. Pinanliitan ko sya ng mata, kahit lumuwa pa ang mata dahil sa kakairap mo, wala na akong pakialam dahil nasupalpal ka na ng ‘fiancé’ ko ng harap- harapan. Hindi ko pa din maiwasan na hindi mapangiti sa sinabi ni Santos. “Shall we go, Babe?” yaya ni Santos na malaki ang ngiti na akala mo’y nanalo sa lotto. Don’t tell me… Hindi ako nakapagsalita, sa halip ay para akong isang timang na napakurap lamang sa harap ni Santos. “Maybe we can discuss this with some other day, when we’re all back in our country?” hinawakan ni Santos ang aking kamay na nasa kanyang braso, “My fiancée is tired from her flight. I don’t want to be rude but I think we should go back to our suite. Nice meeting you all and please excuse us,” bahagyang iniyuko ni Santos ang kanyang ulo at iginiya na ako paalis sa mag- anak na Santiago. Binigyan ko naman sila ng ngiti bago kami tuluyang makatalikod at makalayo sa kanila. ~~~ “Don’t be jealous again, Babe. I already told you how much I love you and you will always be a lot better than any other girls in this world for me,” sabi nya sa akin habang naghihintay na bumukas ang elevator. “Kahit hindi mo sabihin, ramdam na ramdam ko ang pagseselos mo and I will do my best to take it away,” bumukas ang elevator at iginiya nya ako papasok sa loob. Magkahawak ang aming mga kamay at bahagya ko iyong pinisil. “I love you,” malambing kong sabi nang mapatingin sya sa akin. Agad nya akong hinapit sa bewang at iniangat ang aking babà, “I love you more, Isabel,” malambing din niyang sagot bago ako isiniil ng isang malalim na halik, kasabay nang pagsara ng pinto ng elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD