bc

Winning Her Back

book_age18+
99
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dare to love and hate
CEO
drama
bxg
campus
city
enimies to lovers
first love
crime
like
intro-logo
Blurb

"I'm here to win you back,"

Napa- ismid si Isabel sa sinabi ni Yohan, ang kanyang first love at first heart break.

Nagpapatawa ba ito? Tingin nya ba ay muli nya itong tatanggapin sa kanyang buhay matapos nitong iwanan lang sya sa ere na halos gumuho ang kanyang mundo?

Malamang at alam niya sa sarili na hindi na, ngunit pursigido ang lalaki sa panunuyo sa kanya. Muli nitong pinaparamdam ang dati niyang naramdaman noong unang nahulog ang puso nya para dito.

Ngunit nang handa nya na muling tanggapin ito, ay saka naman nalagay sa bingit ng kamatayan ang kanyang buhay.

Magkakasama pa kaya sila ng lalaking minsan nyang minahal? Paano kung ang lumabas na suspek sa tangkang pagpatay sa kanya, ay ang mismong ina ni Yohan? Handa pa din ba syang makipag- balikan sa binata?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hoy Tamayo, patingin nga ako ng score mo sa Taxation," saád ng lalaking katabi ko. Ngayong araw kasi inilabas ni Prof. Nuevo ang resulta ng aming preliminary exam, at itong kutong lupa na katabi ko ay kanina pang pagpasok sa umaga nya sinasabi saken na mas mataas ang score na makukuha nya sa Taxation kumpara sa akin. Inirapan ko lamang sya bilang tugon pero pilit nyang sinisilip ang test paper na nasa kamay ko na kanina ko pang tinatago. Bakit kasi sa lahat ng kaklase kong lalaki, dito pa ako sa kutong lupa na ito napatabi? Ahh... kasi, alphabetical order ang gusto ng propesor namin na seating arrangement. Hindi ko maipagkakailang magaling na professor si Prof. Nuevo, nagagawa nyang i- explain nang madali ang mga lessons namin pero isa lang talaga ang kinaiinisan ko, gusto nya ay alphabetical order ang seating arrangement. Dahilan para maging katabi ko ang kumag na feeling matalino na 'to. Napairap ako sa sinabi ko. Fine! This annoying classmate of mine, Yohan Santos, well, he's pretty smart. Napabuntong hininga ako. Okay, fine! He's a genius. University's Scholar, running for Cumlaude. Fine! But it's not like I'm dumb or what, for the record, I'm also running for Cumlaude so maybe he's just doing this because he wants to intimidate me or... annoy me. Nanlaki ang mga mata ko ng mahila nya sa kamay ko ang test paper, at bago ko pa ito maagaw pabalik ay huli na ang lahat. "Aha! Sabi ko na nga ba, I'm better than you," he narrowed his eyes on me and my blood started to boil. "Akin na nga yan!" Sabi ko sabay hablot pabalik ng test paper "Lamang ako ng three points," My jaw dropped. This guy is probably crazy. Hindi ko alam kung grade conscious ba talaga sya o nambu- bwesit lang 'to saken.  Imagine? Ultimo 3 points, ipagmamalaki pa nya saken at sasabihing I'm better than you. What a competitive twit. "Whatever, weirdo," sabi ko sabay irap sa kanya, narining ko namang tumawa sya nang mahina. Seriously?! He's such a weirdo. Sagad na sagad ang pagiging big deal nya sa mga grades ko at school performance ko. There were times na magre- report ako sa unahan at naubos na ang oras namin sa kakatanong nya about sa report.  Well, it's not like, I don't want him or anyone to ask about my report pero kapag itong si Santos ang nagtanong, may mga question sya na kaya kong sagutin agad at may mga question sya na mapapa- I'll get back to you ka nalang kasi kailangan ko pang magbasa ng ibang reference hanggang umabot ako ng dalawang araw sa pagre- report dahil sa kakatanong nya.  Of course, hindi ako papatalo sa kanya kaya sinasabi ko na I'll get back to you kapag hindi ko alam ang isasagot sa kanya and I don't really like when my prof helped me to answer his question kasi for sure lalapitan nya ako pagkatapos at sasabihin saken na, "Next time, study your topic very well." For Pete's sake! He's only doing this to me! Kapag ibang kaklase ko ang nagre- report, he never really bothered himself to ask even a silly question! Kahit na binabasa lang yung report sa powerpoint. My eyes rolled as I remembered those times, nakaka- bwesit talaga. Minsan gusto kong isipin na may gusto saken 'tong si Santos at gusto lang nya na mapansin ko sya pero sa tuwing nakikita ko na napakaraming babae ang nagkakandarapa sa kanya-- mayayaman, magaganda, mga sikat, parang napaka- labo mangyari na magka- gusto saken 'tong lalaki na 'to.  Like hello? Who am I again? Isabel Tamayo, who was granted a scholarship program to have the privilege to enroll in this prestigious university. While my schoolmates are sons and daughters of politicians, actors, and businessmen. I heaved a heavy sigh. I looked at Yohan Santos who's now in the front row, sitting on the armrest of the chair, boasting his score to our girl classmates, he's the highest, by the way. May ilan din naman akong mga kaklaseng lalaki na nagko- congrats sa kanya. On his right arm is Fiona Williams. Madalas na marinig ko sa mga kaklase ko na mag- boyfriend girlfriend sila, madalas ko din silang makita na kumain nang sabay sa canteen o sa isang café malapit dito sa school. So maybe--just maybe, it's enough reason for others to conclude that they're dating, but the thing that makes their relationship questionable is... may mga times din na nakikita ko na iba't ibang babae ang kasama ni Santos-- ibang babae ang kasama nya last week and most probably, ibang babae na naman ang makakasama nya next week.  I wonder if Fiona is really his girlfriend, or fling lang ba nya si Fiona? At bakit naman hahayaan ng babae na 'to na maging fling lang sya? I shook my head, sobrang dami ko ng iniisip, dumagdag pa 'tong pagka- playboy ni Santos. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na hinalikan sya ni Fiona sa labi. Seryoso mga kapatid?! Nasa eskwelahan po tayo, napaka- PDA ng dalawang 'to! At ngayon, gusto kong murahin ang sarili ko kung bakit ba ako nakatingin sa kanila dahil si Yohan Santos ay nakakatitig na akin ngayon. Napakunot ang aking noo and I gave him a confused look. Nag- iilusyon ba ako? Dahil sa paraan na nakikita kong nakatitig sa akin si Santos, it's seems like his eyes are apologizing to what I just witnessed awhile ago. I shut my eyes forcefully and let out a deep breath. Okay, Isabel, you're imagining things you shouldn't imagine. Dali- dali akong tumayo at lumabas ng classroom. Tutal naman kanina pa kaming na- dismissed ni Prof. Nuevo, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Canteen? Tss... ang mahal naman kasi ng pagkain sa canteen dito. Nagugutom na ako pero kaya ko pa namang tiisin. Library? Yup, definitely. Much better.  Gugugulin ko nalang ang oras ko sa pag- aaral kesa makita ang mga kalokohang ginagawa ni Santos. "Tamayo!" Napatigil ako nang bahagya sa paglalakad at napapikit nang mariin. It's the annoying guy again. Pero imbes na lumingon ay nagpatuloy ako sa paglalakad at mas binilisan ko pa ito. "Tamayo!" Oh God, kelan ba ako titigilan ng lalaki na 'to? Mas binilisan ko pa ang paglalakad dahil nararamdaman ko na malapit na nya akong maabutan. There's no way in hell that I will talk to this guy right now, wala ako sa mood. He'll just brag his score to me and tease me. Bilisan mo pa Isabel para hindi ka nya maabutan. "Tams!" And just like that, I stopped. Tams. Yeah, yan ang tawag nya saken, kung hindi buong last name ko, Tams naman, short for Tamayo. Never nya akong tinawag by my first name. "What?!" Marahas akong lumingon sa kanya at tinapunan sya ng nakakamatay na tingin. Pero sa halip na matakot ang kutong lupa, he just gave me a smirk. Seryoso? Bakit iba ang epekto sa akin ng ngisi nya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
40.8K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
487.3K
bc

Unwanted

read
534.6K
bc

Worth The Wait

read
203.0K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
117.3K
bc

Wandering One

read
23.9K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
793.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook