Chapter 2

791 Words
Hindi kagaya kanina ay iba na ang itsura nya ngayon, hindi na sya mukhang apologetic but instead, he's back on himself again. I mean, nararamdaman ko na handa na ulit sya para mang- asar. "Ang sungit naman, Tams," sabi nya na kunwari ay nasaktan sa pangsi- singhal ko sa kanya. "Ano na naman ba ang kailangan mo? Oo na, ikaw na ang highest sa Taxation, masaya ka na?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay, pero ang lalaki, nakangitin lang saken at nakangiti ng nakakaloko. Seryoso? May saltik ba 'to? Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang bulsa at bumuntong hininga bago nagsalita. "Actually, I'm not really happy with my result unless you accept my offer," Sinasabi nito? Tinaasan ko ulit sya ng kilay. "Let's have lunch, together. My treat," sabi nya na walang halong biro Napa- awang ang aking bibig sa kanyang sinabi. Gusto ko na sanang pumayag dahil malaking tipid kung makaka- libre ako ng tanghalian pero bakit parang hindi ata maganda ang pakiramdam ko sa gusto nya, o dahil mortal ko lang syang kaaway? "Wala ka na bang ibang babae na mapag- diskitahan kaya ako naman ang nilalapitan mo?" Mataray kong tanong sa kanya at ang kumag, humawak pa sa kanyang dibdib na kunwari ay nasaktan sa sinabi ko. "Ouch! Grabe ka naman Tams, I never thought that you'll judge me like that," may pa- pikit pikit pang nalalaman ang loko. "Ewan ko sayo," Inirapan ko sya at akma ng aalis pero mabilis nyang nahawakan ang aking kamay. "Hey, hey, hey," Pilit kong inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak nya pero ayaw nya itong bitawan, "Ano ba Santos?!" naiinis kong sabi habang pilit na nagpupumiglas sa hawak nya pero mahigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. "Tams, please," malumanay niyang sabi dahilan para mapatigil ako at mapatingin sa kanyang mga mata na sa tingin ko ay isang wrong move dahil pakiramdam ko ay na- hypnotize ako ng mga ito. His hazel brown eyes are slowly enthralling me.  Ni hindi ko magawang tumutol nang hapitin nya ako sa bewang para magdikit ang aming katawan at ilagay nya ang aking kamay sa kanyang labi upang halikan ito. "Please? I just want to treat you, para naman makabawi ako sa mga pang- aasar ko sayo," sabi niya na may sinseridad sa kanyang mga mata at muling hinalikan ang aking kamay sa pangalawang pagkataon. Anong nakain nito ni Santos at gusto nyang makabawi saken? Ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon habang mataman syang nakatitig sa aking mga mata. I saw him licked and bit his lower lip in a very sexy way and his gaze went down to my lips. Is he going to... Bigla akong sinampal ng realidad at agad ko syang itinulak, "Fine," sagot ko sabay iwas ng tingin para hindi nya mahalata kung gaano ako naapektuhan sa ginawa nya. My arms are crossed against my chest because I feel like my heart is going to jump out o fit. "Yes!" He said almost like a whisper yet enough for me to hear it. Napatingin ako sa kanya at pakiramdam ko ay nakulong ako sa paraan ng pagtitig nya sa akin. He's staring at my face intently as his lips curve a sweet smile. Damn. His hazel brown eyes, thick brows, tall nose, red lips, and jawline. I can't help myself but admire his features. No wonder why girls are so attracted to him. His manly visage is so alluring. Narining ko na tumikhim si Santos. "Are you... fantasizing... me?" He's hesitant but I can see how he smiled sheepishly when he caught me fanta-- no, admiring his looks.  Napailing ako sa sinabi nya. Shit. That's so embarrassing, Isabel. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at tinaasan ko sya ng kilay just to divert his speculations na pinapag- pantasyahan ko sya. Excuse me, hindi. I'm just... amazed.  Fantasizing. Amazed. They're different. "Of course not!" Tanggi ko, sabay iwas ulit ng tingin. Hindi ko kayang tagalan ang mga titig nya ngayon. I feel like, he's putting me into some spell when I look straight into his eyes. I heard him chuckled lowly before speaking, "Okay, sabi mo eh," he sounded like he didn't want to start an argument. Wow Santos, ikaw ba yan? He checked his watch, "It's 10:30 am and our next class is 1 pm, so I guess we need to go before the restaurant becomes crowded," sabi nya sabay dere- deretsong umalis patungo sa direksyon ng parking lot. That snatched my attention. I watched him walk away from me while I asked myself if I heard him right or not. Restaurant? Ini- expect ko sa canteen lang kami kakain. But then, I just shrugged since he said that he's going to pay for it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD