IILING ILING ang binata na nasa kabilang silid lamang ng dalaga,kanina niya pa naririnig ang pag tili nito na sa palagay niya ay naliligo gamit ang malamig na tubig sa timba gamit din lang ang tabo. Natatawa siya at nae-emagine niya ang itsura nito ngayon.
'magdusa ka,hanggat dika nagtitino'
ngingiti ngiting aniya sabay hitit- buga sa hawak na sigarilyo.
Nka upo siya sa pasemano ng bintana sa silid na pinili niyang gamitin katabi lang ng kwarto ng dalaga para mabantayan at mabilis itong mapuntahan ano mang oras.
Kahit na may matinong kwarto naman sa bahay na iyon ay pinili niyang ito ang gamitin,parte na rin ng trabaho niyang mapagtino ang nagiisang taga pag mana ng naglalawakang farm,rancho at kung ano ano pa ng matandang si Don Alfonso.
Muli siyang napa iling pag kuway napapa ngiti na lang basta,naiisip niya ang mga kalokohang pinag gagawa sa dalaga. Katulad kanina ng idaan niya ito sa maputik na parte ng gulayan,may malinis at maayos naman na daan papunta sa farm na ito na pwedeng daanan ng sasakyan deretso sa may likud bahay para maka garahe ngunit minabuti niyang pag lakarin ito sa putik.
'arte arte' isip niya pagkuway bahagyang kumawala ang mhinang tawa sa bibig ng maalala ang tsura nito kanina habang halos mag dive na sa putik,maka abante lang.
Ngunit ang mahinang tawa ay lumala ng lumala ng maglaro sa balintataw niya ang mukha nitong may mga putik na rin,lalo na ng mag punas ito ng pawis sa noo gamit ang braso.
Halata sa mukha ng dalaga na hindi ito aware sa hitsura. kaya hinayaan na lang niya,at 100 percent niyang pinigilan ang sariling pagtawan ito kanina,napaka maldita pa naman ng babaeng yon.
Ang halakhak niya ay biglang nabitin sa ere ng mula sa labas ng bintana ay may lumipad na isang pares ng tsinelas,mabilis siyang umilag at walang kahirap hirap na sinalo iyon gamit ang kanang kamay.
Dinungaw niya ang pinagmulan niyon at ganon na lang ang panlalaki ng mata niya ng makitang naroon na si Antoneth sa labas at naka pamaywang pa ito habang salubong ang kilay na naka tanaw sakaniya.
Ganoon na ba siya katagal na nagiisip at di niya namalayan na lumabas na pala ito sa katabing silid.
"you.! I knew it-you're crazy.!!!" sigaw nito na bahagya pa siyang tinuturo.
Napansin niyang naka pambahay na ito dahil sa soot na itim na malaking t-shirts at maiksing shorts na halos di na makita,nakapulupot din ang puting twalya sa ulo nito.
Nalukot ang mukha ng binata at binato niya pabalik ang tsinelas nito dito,sapul ito sa noo.
"ou-how dare you.!!" lalong umusok ang ilong nito. nginisihan niya ito at walang sabi sabing tinalon ang bintana na nasa anim na talampakan ang taas.
Halos lumuwa naman ang mata ng dalaga sa ginawa niya,sakto pa sa harap nito ang landing niya.
Tumayo siya ng tuwid at sinipat ang suot nito. umikot ikot pa siya na ikina lukot ng maganda nitong mukha.
Sinusundan ng tingin ang bawat hakbang niya paikot dito.
"what do you-"
"wala ka bang shorts.?!"
halos panabay na anila,nagtagisan sila ng titig.
"excuse me.?! hindi mo ba nakita to.?"
anito sabay taas ng laylayan ng damit,pinapakita ang shorts na maong na ubod ng iksi.
Nailing siya.
"shorts na ba yan,sayo?its just like a panty for-" nabitin sa ere ang sasabihin niya ng bigla nitong ilapat sa labi niya ang dalawa nitong daliri .
pagkuway sumenyas na tumamik siya.
"lolo...2021 na po ngayon,iba na sa panahong nakagawian niyo,hmm?"
nakangisi nitong sabi sabay tapik ng pisngi niya,pag kuway tumalikod na.
"i'm hungry,may pagkain naba?"
ani panito.
Naiiling na tinanaw niya ito bago nagdesisyong sundan na lamang. nakita niya itong lumingon at hinintay siyang maka lapit,tinaasan niya ito ng kilay.
"ang bagal mo naman.."
anito pag kuway ikinawit sa braso niya ang kamay at saka siya bahagyang hinila.
Nilingon niya ito at kinunutan ng noo pero nag pa cute lang ito sakaniya.
Kinabahan tuloy siya,baka may madumi na naman itong iniisip o bina balak.
"dont gave me that look,young women." babala niya na ikina tawa lang nito.
Tuloy lang sila sa pag lalakad hanggang maka rating sa b****a ng pinto.
"why?akala mo may gagawin ako,noh?"
tumaas baba ang kilay nito,inismiran niya ito.
"gutom lang tlga ako,tara na! san ba ang kitchen here.?" parang bata itong ngumuso nguso habang humi himas sa manipis na tiyan. bahagya niya tuloy nasisilip ang makinis at maliit nitong bewang, napalunok siya at agad nag iwas ng tingin.
"stop doing that,kung ayaw mong ikaw ang kainin ko.,"
aniya sa pahina ng pahinang boses..
"what did you say.?"
"nothing,lets go to the kitchen." aniya at nauna ng maglakad.
Sumunod naman ang dalaga at muling ikinawit ang kamay sa braso niya na akala mo'y close sila.
Hinayaan na lamang niya ito at tahimik nilang tinungo ang kusina...
HINDI malaman ni Antoneth kung ano ang kaniyang magiging reaksiyon ng tumambad sakaniyang harapan ang mga pagkaing naka hain sa malaking lamesa,at hindi lang yon dahil pag dating nila ng kusina ay maingay na doon at mukhang nagkaka sayahan ang mga tao.
Bahagya lang tumahimik ng makita silang papasok ng kusina.
Andito ang mag asawang katiwala at may lima pang hindi pa niya kilala na ganadong kumakain habang nag-kakamay?eihwww!!! Hindi niya namalayang napadiin ang kapit niya sa binata dahilan para lingunin siya nito.
"is there a problem?"
may naglalaro pang ngisi sa labi nito.
"ay sir,señorita...andyan na ho pala kayo,halina kayo at kumain."
banayad ang ngiting yaya sakanila ni.. nanang?tama ba?ahh!what ever.
"sa kwarto-"
hindi niya natapos ang nais sabihin ng bigla na lang siyang hilahin ni Brandon at iupo sa isang bakanteng silya sa harap ng lamesa bago humila rin ng upuan at naupo sakaniyang tabi.
"sabi mo kanina gutom kana diba.? so what are you waiting for?"
Naka ngisi itong tumitig sakaniya bago inginuso ang mga pagkain.
Napalunok siya at inisa-isang pasadahan ng tingin ang mga naka hain.
"ma'am ganda,masarap po itong adobo sa gatang palaka.! tikman niyo po dali.!"
tuwang tuwa pang sumandok doon ang dalagitang may kulot na buhok at kayumangging balat,bago inilagay sa pinggan na nasa tapat niya.
Nanlaki ang mata niya sa narinig.
"ito rin po ma'am,tikman niyo.!"
sabi naman ng binatilyong sa tingin niya ay kamukhang kamukha ng dalagita sa kabilang lamesa.
Mukha itong mga kambal.
Nakita niyang sumandok ito sa isa pang mangkok at nilagay din sa pinggan niya
"w-what's this.?"
sinipat sipat niya iyon gamit ang kutsara.
"dagang bukid ho yan ma'am-"
"what?!!" bigla siyang napatayo at nakaramdam ng pagsusuka. nagtawanan naman ang mga ito maliban sa dalawang matanda.
"naku,kayong mga bata kayo talaga...pati si señorita eh pinaglololoko niyo,hala! lumabas na kayo roon kung kayo ay tapos na."
taboy sa mga ito ng ginang.
" they just joking.." malumanay na sabi ng binata na naka tingala na pala sakaniya.
"are you sure na joke lang yon.?"
nagdududang sinipat niya ito pagkuway sa mga pagkain, tatlong putahe lang ang naroon at malayo sa 7 hangang 10 putahe na inihahain sakaniya sa hacienda.
Nagkibit balikat lang ito at nagumpisa ng sumandok ng kanin.
"let's eat,mag tatrabaho pa tayo."
anito
Umupo siya at pinanuud ito sa ginagawa.
"wala na bang ibang ulam?"
" nako,señorita,ang sabi po kasi ni bos ay iyan daw hong native na manok at hito ang lutuin namin at saka pinag kuha niya rin po kami ng s**o dahil paborito niyo raw ho iyan." mapag kumbabang turan ng matandang lalaki.
Nagsalubong ang kilay niya pag kuway umuusok ang ilong na binalingan ang binata...