NA MAMANGHA ang dalaga habang inililibot ang paningin sa paligid ng farm,napaka lawak nito na hindi maabot ng tanaw ang pinaka dulo. Marami ring ibat ibang hayop na makikita kung saan saan,at may nadaanan din silang malawak na mga fish pond sa bandang ibaba.
Ibat ibang kulay ng kabayo na halatang malulusog at alagang alaga,nasa bandang kanan ang mga kwadra nito.
Karamihan sa mga hayop na naroon ay hindi pamilyar sakaniya.
Nakatayo siya ngayon sa harap ng malaking bahay na halatang may kalumaan na,gawa ito sa purong kahoy at wala ni kunting pintura. Napangiwi siya.
"tatayo kana lang ba dyan.?" si Brandon habang papaakyat ng hagdan patungong main door. naka dungaw ito sakaniya at namaywang pa matapos ibaba ang mga bitbit na bag.
"wala bang gosh,here.?" nahihintakutang aniya,nginisihan lang siya ng binata bago nagsalita.
"dont worry,walang multo dito-gwapo meron." pilyo itong kumindat.
Napa irap tuloy siya.'hangin!'
"what ever..!" aniya saka umakyat ng baitang at sumunod sa binatang pumasok na ng main door.
Sinalubong sila ng dalawang matanda na sa tingin niya ay mag asawa..
"ayy sir,andito na pala kayo..." masayang bati ng ginang. Hello? ako kaya ang amo dito.
"excuse me manang...dont call him sir,bodygourd ko lang yan.." pagtataray niya.
Nagkatinginan naman ang mga ito at hindi naka lusot sa matalas niyang paningin ang senyasang naganap. nagpigil pang mangiti ang matandang ginang.
Nairita tuloy siya.
"what's funny.?!"namaywang siya sa mga ito.
"wala po señorita,pasensiya na po kayo.."magalang na yumuko pa ang ginang habang sinasabi iyon.
"tss..natutuwa lang sila at sa wakas ay nakita na nila ang taga pag mana nitong farm." agap naman ni Brandon
Nagulat pa siya ng bigla siya nitong akbayan . Ibang klaseng bodygourd ito,ah..lakas ng loob umakbay sa amo.?
"tara na sa kwarto at ng makaligo ka na.." pang aasar pa nito saka pinindot ang sariling ilong na akala mo ay bahong baho sakaniya.
Siniko niya ito sa tagiliran.
"excuse me.?! fresh ako kahit walang ligo.!" yabang niya na bahagya itong tiningala. goshh...abot hanggang dibdib lang siya nito,ngmukha tuloy siyang unano.
"really,hmm?" anito na bahagyang naka yuko sa kaniya. inirapan niya ito at tinulak ng bahagya.
"lumayo ka nga sa akin-! nana-nan'tsing kana eh.!"
Tumawa lang ito at hindi na kumontra pa,akbay akbay parin siya nito habang tina tahak nila ang malawak na pasilyo hanggang marating nila ang naka saradong pinto.
Pagbukas ay bumungad sakaniya ang isang simpleng desenyo ng loob,may katamtamang laki ng kama may lamesita sa bandang gilid niyon at dalawang upuan.may malaking bintana rin na may puting kurtina katerno ng kubre kama at mga punda.
May maliit na pinto sa bandang paanan na tantsa niya ay banyo. wala man lang pintura o kaya ay painting..
'so cheap naman ng kwartong to..' reklamo niya sa isip.
"are you sure na ito ang kwarto ko.?!"
nagdududang baling niya sa lalaking nasa likud niya habang naka pamulsa at pinag mamasdan ang reaksyon niya.
"why.?ayaw mo.?" kibit baliktat nito
"its'nt obvious.?!"
"kung ayaw mo dito,share tayo sa room ko.."
ano daw.?!
"are you out of you're mind.?!" nanlalaki ang matang bulalas niya,tumaas ang sulok ng labi nito at nagkibit balikat.
"malay ko ba kung gusto mo.."
"crazy.!" irap niya at nagdadabog na tinungo ang pintong sa tingin niya ay banyo.
Nalaglag ang panga niya ng bumungad sakaniya ang loob niyon na walang ka laman laman maliban sa bowl,tabo at timba. walang shower at bathtub.!for god sake.
"ito na yon.?!" aniya sabay baling sa binata. lumapit ito at naki silip.
"may ilog sa malapit lang..pwede dun kung ayaw mo dito. "
"nananadya ka ba?!" binulyawan niya ito dahil napupuno na siya. pinaglololoko na ata siya ng lalaking ito.
Dumilim naman ang mukha ng binata at mabagal siyang binalingan,kinabahan siya at wala sa loob na napaatras.
"w-why are y-ou looking at me l-ike that.?" nauutal niyang tanong dahil muka itong toro ngayon.
"how many times I need to tell you na wag mo kong sigaw sigawan,huh?!" mahina ngunit may diin nitong sabi sabay hakbang palapit sakaniya,napaatras siya ulit ngunit sukdol na pala siya dahil nasa maliit na banyo lang sila.
"a-nd who are you para pagsabihan ako ng dapat at hindi ko dapat gawin,huh.?!"
Kahit natatakot ay nagtapang tapangan siya,ngunit sa gulat niya ay bigla na lang siyang sinaklit nito sa bewang gamit ang malalaki nitong kamay.
Natuod siya at pigil hiningang nakipagtitigan sa mabagsik nitong mata.
Tila nagbago ang pagkatao nito at biglang naging toro...nakakatakot.
'hindi kaya nagpapanggap lang itong mabait .?' Nagtayuan ang balahibo niya sa batok ng bigla itong ngumisi ng mala demonyo.
"don't you dare cut my long....long patient or else-"
"or else what.?!" kontrolado ang boses na sabat niya,ayaw pasindak.
"try me,young women...try me..." maawtoridad na anito saka siya marahas na binitiwan.
Nagdere deretso itong lumabas ng kaniyang silid at pabalibag na sinara iyon.
Napaigtad siya sa gulat.
Padausdus siyang napaupo sa sahig ng banyo na bukod tangi atang semento sa bahay na iyon. Nanginig ang tuhod niya dahil unang beses na may gumawa sakaniya ng ganito,at sa hamak na bodygourd pa niya.? 'what the f**k!' kapal ng face .!
Ilang minuto siyang nasa ganoong posisyon ng mapag pasyahang tumayo upang maligo,lumabas siya at hinalungkat ang bag at nilabas lahat ng laman sa ibabaw ng kama na akala niyang malambot.
Nanakit pa puwet niya ng pabagsak siyang maupo doon,manipis na foam lang pala ang naka latag sa ibabaw ng katre. pambihira.! hindi niya akaling ganito ang dadatnan niyang bahay for god sake.!
Buti na lang at lagi siyang may dalang liquid bath soap at mamahaling shampoo pati toothbrush at toothpaste ay lagi siyang mayroon sa bag,ewan ba niya pero gawi niya na talaga iyon sa tuwing aalis sa bahay ng higit isang araw.
At sa lagay na ito ngayon ay hindi niya alam kung hanggang kaylan sila dito. Two weeks pa lang ng siya'y maka graduate tapos ito na agad,hindi man lang siya pinag bakasyon ng mahaba haba ng ama niya. Ang huling liwaliw niya kasama ng mga kaibigan ay noong 19th birthday niya last month,trip to Parish ang regalo ng papa niya sakaniya kasama ang lahat niyang close friends.
Isang linggo iyon at sobrang nag enjoy siya pero ng maka uwe sila at maghiwa hiwalay ay dina iyon naulit,until she graduate...
NAPA BUNTONG hininga ang dalaga bago muling pumasok ng banyo at maligo.
Naiiling pa siya dahil mukhang ultimo sa pagligo ay pahihirapan siya ng binata. hinubad niya lahat ng saplot at nag umpisa ng tumabo ng tubig mula sa timba,napapa ngiwi pa siya at sinipat sipat ang tubig doon kung malinis ba o ano.
Nang makitang malinis naman at walang kaka ibang amoy ay bigla niya iyong binuhus sa ulo-'s**t!'
"ang lamiiiggg!!!" tili niya dahil mukha iyong may yelo.
Mangiyak ngiyak siya pero no choice kaya pinagpatuloy niya na lang ang pag ligo habang panay ang kaniyang pag tili,ngayon pa lang ay nami-mis niya na ang banyo sa kaniyang silid sa hacienda.
Samantala...