(AFTER ONE YEAR) ARAW ng pasko ngayon at abala ang lahat sa hacienda Fuentebella. Paroot'parito ang mga katulong at kaniya kaniya ng ginagawa. Bawat isa ay aligaga.Pagod pero hindi alintana. Ngunit may isang taong malalalim ang buntong hininga at kanina pa malayo ang tanaw habang nasa veranda. Naka tukod sa hamba ang dalawang siko at may ipit na sigarilyo sa daliri habang mayat maya ang hithit at walang ganang ibubuga. 'i miss him...I really 'miss him..damn'!' Napa singhot ang dalaga at saka niya namalayang nabasa na pala ang makabilang pisngi niya. Tanda na umiiyak na pala siya. Na naman.! Marahas niyang pinahid ang luha gamit ang likud ng palad at saka dinukdok ang upos ng sigarilyo sa katabing ashtray. "come back please...I'm not a spoiled brat kid anymore.." garalgal ang bos

