NAUWI sa hagulhol ang kaninang tahimik niyang pag iyak. Nag sisisi siya sa lahat ng pinag gagawa niya sa binata sa loob ng dalawang buwan bago ito umalis. Tatlong buwan na mula ngayon. At noong unang buwan ay hindi alam ng dalaga kung paano muling mag uumpisa. Siyam na buwan siyang nasanay na lagi itong kasama. At bigla na lang siyang gigising isang umaga na wala na siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya. Nariyan ang papa niya pero palagi itong busy at halos walang oras sa kaniya. Lalo na ng pinili niyang bumalik sa dating pag uugali. Lagi siyang nag kukulong sa sariling silid na sa tuwing may kakatok ay agad niyang tinatakbo upang pagbuksan. Sa pag aakalang si Brandon iyon. Ngunit lumipas ang isang buwan na ganon palagi pero walang Brandon na bumalik. Hanggang sa namalayan n

