chapter 12..

1209 Words
NANG MATAPOS ang maganang pagkain na hindi lubos akalain ng dalaga na magugustuhan niya sa kabila ng ilang abirya ay malakas pa siyang napa dighay na ikina hiya niya kahit wala namang nakakarinig,hindi niya kasi gawain iyon.Naka tayo siya sa labas ng trangkahan ng mga kwadra dahil iniwan siya doon ng binata at sinabing hintayin daw ito at may pupuntahan daw sila. Ewan niya kung saan,busog pa naman siya kaya minabuti niyang mag lakad lakad muna habang wala pa ito. Sariwa ang hanging nalalanghap niya sa paligid, tila kay sarap sa dibdib. Kay ganda rin ng mga punong nagtatayugan sa bandang itaas ng farm at maging ang berdeng berdeng damo na kanyang nilalakaran ay masarap sa paningin. Nakarating na siya sa may bandang likud ng malaking bahay ay wala pa rin ang binata,nasa bandang kanan kasi ang mga kwadra na ilang kilometro rin ang layo mula sa bahay na ito kaya naman nakaramdam na siya ng pagod. Minabuti niyang umupo sa damuhan sa lilim ng isang puno na medyo may kalakinan na rin. Nilibot niya ang tanaw sa paligid. Nang may mapansing bagay na tila pamilyar sakaniya sa may likud bahay.Mabilis pa sa alas kwatrong napatayo siya at dali daling tinakbo ang kulay itim na sasakyan na sa pag kaka alam niya ay siyang sinakyan nila patungo rito. Sasakyan ni Brandon na prenteng naka garahe doon na muka pang bagong linis dahil kumikintab kintab pa ito. Nanlalaki ang matang pinaka titigan niya ito at kinapa kapa pa habang humu hugis 'o' ang bibig. Inikut ikutan niya ang sasakyan. 'Ang lalaking yon.?!' nagtagis ang kaniyang bagang at nagngitngit ang kaniyang kalooban sa isiping pinaglaruan siya ng binata at pinag langoy sa putik 'e meron naman palang kasada deretso dito. 'how dare you!' naningkit ang mga mata niya at napa kuyom ng mga kamao sa realisasyong tumanbad sakaniya ngayon. "Antoneth?!!" tawag iyon mula sa di kalayuan kasabay ng mga yabag ng-kabayo? Napalingon siya. Si Brandon nga na kasalukuyang naka sakay sa kulay itim at malaking kabayo. Mabagal iyong tumatakbo palapit sa kinaroroonan niya at ewan ba niya kung bakit dahil parang biglang naging slow-motion ang paglapit nito sakay ng makisig na kabayo. Tila kay gwapo nitong lalo sa gesture nitong iyon. Naka Suot ito ng puting sando na may malaking wakwak sa magkabilang gilid ng kili-kili at naka itim na pantalon naman ito na may butas sa bandang tuhod. ewan niya kung kaylan pa nagbago ang taste niya sa lalaki,pero itong lalaking ito ay iba ang dating sakaniya. Nakatitig ito sakaniya habang mahigpit ang hawak sa renda ng kabayo at nagpuputukan ang mga muscles sa tuwing hinihigit iyon.Maaliwas ang napaka gwapo nitong mukha na unti-unting kumukunot. "hey'?!"tawag nito sa atensyon niya na ikina gulat niya pa ng bahagya. Naka nganga na pala siya habang tinatanaw ang pag lapit nito at di niya namalayang nasa harap niya na pala ang kabayong sinasakyan nito. Tumikhim siya para ibalik ang matinong hormones na naglayas ata pagkakita sa binata. "lets go.?" anito na ikina tingala niya bigla,nakayuko ito sakanya at nakalahad ang palad. Kakabayo ako- este- Mangangabayo sila? Nakaramdam siya ng excitement,ngunit bigla ring nawala ng maalalang hindi pa siya nakasubok niyon. Napa atras tuloy siya bigla. Tumalon naman ito mula sa kabayo at hinarap siya. Nagiwas siya ng tingin ng biglang may maalala. "ikaw?!" dinuro niya ito sa mukha na ikinaduling nito. ang Cute pa rin. Akma nitong kakagatin ang hintuturo niya kaya mabilis niya iyung ibinaba. "whats this,huh?" turo niya sa sasakyan nito sakaniyang gilid. "its my... car.?" nakaka loko naman nitong sagot. Napa hilamos siya sa mukha. Siningkitan niya ito ng mata at hinintay na may sabihin ito ngunit bigo siya. Pinitik lang nito ang tungki ng kaniyang ilong at pinag sa walang bahala ang tinutukoy niya. "lets go,gagabihin na tayo pag di pa tayo umalis.."sabi pa nito bago siya akmang tatalikuran. Hinila niya ang damit nito . "bakit moko pinag lakad sa putikan eh may maayos naman palang kalsada,huh?! gusto mo pa talaga-" Nabitin sa ere ang sasabihin niya ng bigla siya nitong buhatin at isampa sa kabayo. Nagmukha lang siyang sako ng cotton na walang hirap nitong naisampa sa likud ng makisig na kabayo. "napaka ingay mo." anito pagkuway ito nman ang sumampa sa likud ng kabayo sa kaniyang likuran . Napa lapat tuloy ng di oras ang likud niya sa matitipuno nitong dibdib at ang mga braso nito ay nasa magkabila niyang gilid.Naka hawak ito sa renda at maging ang hininga nito ay tumatama na sa may likud ng batok niya na nag bibigay kilabot sa buo niyang katawan. Bigla siyang nanigas sa pagkaka upo at pati ata paghinga niya ay biglang naging abnormal. Nalunok niya din ang sariling dila kasama ng inis kani-kanina lang. "hyah!" nagulat pa siya ng bigla nitong hilahin ang renda kasabay ng pag takbo ng kabayong sinasakyan nila. Wala sa loob na napakapit siya sa matitigas nitong braso. "ahhh!!!stop the horse now! I'm gonna fall'!!" nagtitili siya ngunit wala itong paki alam. mas binilisan pa ang pag patakbo sa kabayo. "don't worry,kung mahuhulog ka man-sisiguruhin kong hindi sa kabayo ko." Makahulugan nitong turan na talagang sumiksik pa sa kaniyang batok at bahagyang itinapat ang labi sa kaliwang tenga niya para doon mag salita at marahang kinagat iyun pag katapos. Nagtayuan ata lahat ng balahibo sa buo niyang katawan dahil sa ginawa nito. Nag init ang buo niyang mukha pababa sa kniyang hintuturo sa paa,bagay na hindi niya maipaliwag. Kakaibang kiliti ang dulot niyon sa kaniya na ayaw man niyang aminin ay nagbigay excitement sa kaniyang murang pagkatao. "want more,hmm?" narinig niyang muli nitong turan. Namilog ang mata niya. "h-ha?" aniya na ikina tawa nito bigla. "dirty mind,huh."pilyo pa itong ngumiti na kahit hindi niya kita ay sigurado siyang mapang asar iyon."I ask you, kung gusto mong mas bilisan natin'?" Dagdag nito. ahhh yun pala yon..naman kasi eh.kala niya tuloy kung ano na. "n-no baka malaglag ako,ayoko pang mamatay.!"mahina niyang sabi dito dahil nahihiya pa rin siya sa insal nito kanina. Ramdam pa niya ang kaka ibang init na dala non sakaniya. "oh 'come on,I know you will gonna like it.." pag ka sabi non ay bigla nitong hinila ang renda at bahagya pang pinalo ang kabayo dahilan para tumakbo iyun ng sobrang bilis. Humigpit ang kapit niya sa mga braso ng binata at ayaw man niya ay mas lalo lang napasubsub sa katawan nito ang katawan niya. Napa pikit siya ng mariin at nag titili. "ahhhh.!!!!!! dont do this to me,please.!!!! I'm gonna die!!!" ngunit tinawanan lang siya nito. "I wont let that happen,sweetheart." Pang aasar pa nito sakaniya,na nagbigay na naman ng panibagong kilig at kilabot sa kanyang katawan. Natahimik tuloy siya at pilit bina balik balikan sa isip ang sinabi ng binata. 'sweetheart....uhggh, f**k shit.! bat ang sarap sa feeling.?' napakagat labi pa siya pagkuway mas isinuksuk ang sarili sa katawan nito. 'ughh gooshh,heaven..' Dahan dahan niyang minulat ang mata at pilit enenjoy ang horse back riding kasama ang bodygourd na hindi ata normal ang kinikilos at tinuturuan pa siya kung paano maging baliw...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD