chapter 13..

1228 Words
ILANG kilometro na yata ang tinatakbo ng kabayong sinasakyan nila ni Brandon pero wala pa rin siyang natatanaw na kahit na ano maliban sa nagtatayugang puno at mangilan ngilang mga baka at kabayo at kung ano ano pa. May natanaw siyang mga tao sa kung saan na busy sa kanya kanyang ginagawa na basta makita sila ay agad na sumasaludo o kaya naman ay yumuyukod na animo'y koreano. "where we going ba? nangangawit na ata ang pwetan ko.!" reaklamo niya sa binatang nasa kanyang likud. kanina pa ito tahimik at seryoso sa pag patakbo ng kabayo. "wala pa nga tayong ginagawa nangangawit na yan.?" anito sa hangin pero umabot sa pan dinig niya. Siniko niya ito na ikina tawa lang nito. "isusumbong kita ka'y papa.!" pa irap niyang turan. "oh,come'on! you're not a kid anymore pero kung gusto mo talaga,gusto mo samahan pa kita .?" Pang aasar pa nito na ikina irap niya sa hangin. "where here.." maya maya'y anito. Nilibot niya ang tingin at napansin niyang papunta sila sa dereksyon ng malaking bahay ngunit wala naman itong dingding,bubong lang at mga rehas na mababa at ng unti-unti na silang mkalapit ay natanaw niya na ng malinaw ang mga nasa loob niyon. Mga BABOY.?! Bumuka ang bibig niya at nais mgtanong ngunit wala namang lumabas doon,nanatili siyang naka nganga. Naramdaman niyang unti unti silang bumagal hanggang sa tuluyan ng huminto ang kabayo. May sumalubong sakanilang isang lalaki ngunit nanatili siyang naka tunganga. "come'here.!" nabalik siya sa hwisyo ng marinig ang baritonong tinig na iyon ng binata. Nilingon niya ito. Naka baba na pala ito ng hindi niya namamalayan,nakatingala ito sakaniya at nakalahad ang magkabilang kamay. Atubili pa siya kung tatanggapin iyon ngunit sa huli ay nagpasya siyang tanggapin na lang din.'Mahirap ng mahulog noh?' Akma niyang aabutin ang kamay nito ng bigla siya nitong hawakan sa magkabilang bewang pag kuway ini alsa ng walang kahirap hirap pababa sa matangkad na kabayo. Automatic naman siyang napakapit sa magkabilang balikat nito. Pigil pa niya ang hininga dahil sa lapit nila sa isat-isa. "good girl." anito matapos siyang ibaba sa lupa,napaismid tuloy siya. Ginawa pa siyang bata! "ako ng bahala kay Trimo,boss.!" turan naman ng lalaking sumalubong sakanila kanina. Tinignan niya ito at sakto namang napatingin din ito sakaniya. 'teka-bat parang may kamukha siya?' napaisip siya. "magandang araw sayo,binibini.!" bati nito sakaniya sabay ngiti ng pagka presko presko.'gwapo rin ito ah?' isip niya. "she's Antoneth,not binibini' ashole!" Binato ito ni Brandon ng tali ng kabayo na nasalo naman nito sabay tawa. "alright'Antoneth? my name is Luke-at you're service." Nilahad nito ang kamay sakaniya ngunit tinaasan niya lang ito ng kilay. Hindi ba siya nito kilala? malamang hindi. " he's my cousin.dont worry,gago lang yan'but still mabait pa rin naman." An naman ni Brandon na lalong nagpataas sa kilay ng dalaga. "so...magkadugo pala kayo? kaya pala..." 'kaya pala pareho kayong antipatiko at hindi marunong kumilala ng amo' dagdag niya pa sa isip. "what do you mean-" luke. "kaya pala'what-"Brandon. Panabay pang wika ng mga ito sakanya. Nagkibit balikat siya at napa ngisi. "wala,pareho lang kayong....gwapo." tukso niya na iki ngiti ng malawak ng binatang si luke,ngunit hindi ni Brandon. "tss'! " anito sabay irap sakaniya. Abat bakla ata to ah,marunong din umirap? 'amazing!' "sige na luke'! dalhin mo si Trimo sa sabsaban." pagtataboy pa nito sa pinsang tatawa tawa pa rin. "ok boss'! areglado." lumingon ito sakanya pagkuway kumindat pa. Napa iling tuloy siya. Magpinsan talaga.! "bye' Antoneth,see you around.!" ani pa nito bago tuluyang umalis hila ang kabayong 'Trimo' pala ang pangalan. "so..?" baling sakanya ng binata. " so what.?" aniya,pinagkrus ang dalawang braso. "lets start?" pagka sabi niyon ay tinalikuran siya nito,pumasok ito sa babuyan. Nag ingay naman ang mga baboy roon. "start what'?" "sa isang taga pag mana ng farm na katulad mo,kaylangan mong matuto kung papano mag alaga ng mga hayop." anito na dinampot ang mga walis at daspan pagkuway isinukbit ang host sa balikat bago muling lumapit saknya at iniabot ang hawak na isang walis. "marami kaming tauhan?hind ko kaylangan gawin to-" Pilit nitong ipinapahawak sakaniya ang walis ngunit tina tanggihan niya. "hindi lahat ng oras ay nandyan sila para gawin ang mga bagay nayan.dapat marunong ka rin at obligasyon mo yan bilang amo at may are nitong farm.!" anito. "no.-kadiri kaya yan.?" hindi mapigilang aniya. "mas kadiri yan kung hindi mo lilinisin.!" "why'me.?nasaan ba-" idinukdok sakaniya ng binata ang walis kaya naman napilitan siyang kunin iyon. "tama ng kaka tanong at baka dito tayo matulog kung di pa tayo mag uumpisa.!" anito sabay bira ng pasok sa kulungan ng mga baboy. "my goosshh.!! i-i really need to do this ba talaga.?"naghihisteryang reklamo niya. "kung gusto mong mapunta sa iba ang mga pinaghirapan ng papa mo."nagkibit balikat muna ito."I don't think so." dagdag nito na ikina laki ng mata niya. "what do you mean-" "pwede ba.?!" nauubos ang pasensyang bulyaw nito sabay bato ng walis sa kung saan at marahas siyang binalingan."stop talking at sumunod ka'na lang.?!" ani pa nito.Napaatras tuloy siya at bahagyang napayuko,hindi siya umimik. Takot niya lang na magtransform na naman ito sa 'Halimaw' look nito. "o-okay,b-but i-i dont know how t-to.." Kanda bulol-bulol na aniya na nanatiling naka iwas ng tingin sa binata. "come here.'ill teach you.!" anito pagkatapos magpakawala ng buntong hininga. Dahan-dahan naman siyang lumapit at habang ginagawa niya iyon ay nalalanghap niya na pa unti ang mabahong amoy na nagmumula sa baboyan,although hindi iyon ganun kabaho at kadumi dahil mukha namang alaga sa linis,ngunit para sa isang Antoneth Fuentebella ay wala ng mas lalala pa sa amoy niyon. Diring diri siya lalo na ng makapasok,pinindot pa niya ang ilong para walang maamoy . Lalo namang nagsi ingay ang mga baboy pagkuway kanya kanyang takbuhan. "panoorin mo ang gagawin ko,okay'? kasi iiwan kita dito at lilipat ako sa kabilang kural para mas mabilis tayong matapos." anito bago nag umpisang magwalis,inipon nito lahat ng dumi ng baboy sa daspan bago ihinulog sa butas na naka laan talaga para daanan niyon kapag lilinisin ang kural. Nakaramdam siya ng pagsusuka dahil sa pina panood niyang pagdadaspan nito ng mga dumi ng baboy ngunit pinilit niyang ikalma ang sarili. "kaylangan matanggal muna lahat ng dumi bago mo hugasan ang sahig gamit itong host,okay?" tinignan siya nito na agad niyang ikinatango kahit hindi niya naiintihan."kahit itong mga bakal sa gilid ay kaylangang malinisan,then pagkatapos ay saka mo paliliguan ang mga yan at pag katapos ay pakainin." ani pa nito at inginuso ang mga baboy. "what?paliliguan k-ko sila.?"hindi talaga siya maka paniwala. anong nangyayare sa earth.? "yeah'ofcourse? alangan naman ako ang paliguan mo.?" marahas siyang napa tingala dito pagkarinig sa sinabi nito. naka ngisi lang ito ng bahagya at tumaas baba pa ang dalawang kilay. Inirapan niya ito. "pervert.!" pabulong ngunit narinig parin nito. "what now.?kaya mo naman diba.?" Nagdududang anito sakaniya. "y-yeah.! I can manage,you can go now." taboy niya rito na bahagya niya pang tinulak tulak palabas ng kural. Kung magttrabaho siya doon ay mas gugustuhin niyang magtrabaho mag isa ng walang nakaka kita,mahirap ng pagtawanan pa siya noh...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD