chapter 14..

1131 Words
HINDI malaman ng dalaga kung papaano uumpisahan ang trabahong ibinigay sakaniya ng kanyang bodygourd-baliktad diba? Paikot ikot siya sa loob ng kural at nagiisip ng mubuti kung ano ang uunahin. Nagpasya siyang itali muna ang may kahabaang buhok na abot hanggang sa kaniyang bewang,mabuti na lang at lagi siyang may panyo sa bulsa.Iyon ang ginamit niyang panali sa buhok para walang sagabal sa gagawing pakiki pag buno-este paglilinis pala. Huminga muna siya ng malamin bago dinampot ang walis tingting kasama ng daspan sa pinaglagyan niya kanina. Pikit mata niyang inumpisahang imisin ang mga kalat ng baboy doon,bahala na kung anong mangyare. Ilang minuto na siya sa ganoong ginagawa ng mapansing wala siyang natatapos.Lalo lamang iyong kumakalat na kamuntik ng ibaliktad ng kanyang sikmura. "god'damn'it.! bakit kaylangang gawin ko'to.?bullshit'!" naiiyak na nagpapadyak siya sabay bato ng walis at daspan. Mag wa-walk out na sana siya ng biglang may maalala. 'kung gusto mong mapunta sa iba lahat ng pinaghirapan ng papa mo,I dont think so.' sabi iyon ng binata sakaniya. Napa isip siya. 'anong pinagsasabi non'? hindi iyon maari'!'hindi siya hangal para hayaang makuha ng iba ang pagaari nila ng ama. Dugo't pawis ang pinuhunan dito ng kanyang papa kaya hindi siya makaka payag. "no'way.!" sigaw niya sa kawalan sabay dampot muli ng walis at daspan. Buong tapang na pinuno ang dibdib ng hangin na pinag sisihan niya din kapag kuwan dahil ambaho pala doon. s**t. Kinulukot niya sa magkabilang braso ang malaking mangas ng t-shirt at itinali ang laylayan sa bandang gilid ng bewang niya bago nag umpisang mag walis. This time,seryoso na siya. Kahit hirap sa una ay pinilit niyang damahin ang ginagawa ng sa ganon ay magawa niya iyon ng maayos. Nag walis na siya at inipon lahat ng dumi bago dinaspan at itinapon sa butas na binuksan kanina ng binata,nakaka pagtakang walang lumalabas na mabahong amoy doon.siguro dahil sa filter. Ng matapos ay saka niya inabot ang host at inumpisahang hugasan ang buong sahig,sinasabayan nya ng walis ang tubig para siguradong malinis. Ganito kasi ang ginawa ni Brandon kanina kaya ginagaya niya lang. Madali lang naman pala. winalis niya hangang dingding habang sinusumpit ng tubig mula sa host na hawak niya . Nang matapos ay ang mga baboy naman ang sinunod niyang paliguan. Pinag susumpit niya ito ng host kaya nagtakbuhan ang mga iyon at nag si ingay. Kaniya kaniya itong pulasan hangang sa magsumuksok ang iba sa kinaroroonan niya. Nang bigla siyang ma out balance. Plakda ang pwetan niya sa simento,na ikina igik niya. "oh-shit.!" daing niya sabay himas sa balakang,nabalian ata siya. "what happen.?" napalingon siya sa binatang humahangos na napasugod sa kural kung saan siya naroroon. Pinasadahan siya nito ng tingin at pag kuway napa iling-iling. "are you out of you're mind.?hindi ito swimming pool." anito saka muling tumalikod. Umamba siya ng suntok sa hangin pagkuway napa irap sa likud nito. 'antipatiko!' kumibot ang bibig niya. "faster,marami pang kulungan ang kaylangan nating linisin." pahabol pa nitong sabi. Kaya naman wala siyang magawa kundi ang tapusin ang naudlot na trabaho. Nahirapan siya sa pag ligo ng mga baboy dahil kaylangan pa atang kuskusin ang mga ito para maalis ang mga duming naka dikit sa balat ng mga iyon. "wala bang scrub'here.?" sigaw niya sa binatang nasa kabilang side ng babuyan. hindi niya ito makita pero alam niyang maririnig siya nito. "anong gagawin mo sa scrub?" ganting sigaw ni Brandon. "duh'?! anu pa ba e'di pang scrub sa mga piggy na'to'!" maarte niyang turan na napapa irap pa . "no need to scrub,use you're hands.!" "what?" "you heard what I've said." anito at dina muling nagsalita. 'here we go again,bathing a pig using my hand.?holly's**t!' At yon nga ang ginawa niya,isa isa niyang pinaliguan ang mga baboy habang hinihimas ang malalaking katawan nito... "Yes'!!!!" waging waging tili ni Antoneth matapos nilang malinis ang buong kural. napaliguan at napakain rin nila lahat at masayang masaya siya at hindi maka paniwalang naka linis siya ng tatlong kural habang sampo naman sa binata. Atlis naka tatlo siya diba? malalaki ang bawat kulungan kaya hindi iyon biro. "not bad'para sa isang Antoneth Fuentebella." wika ng binata na hindi niya malaman kung compliment ba o pang iinsulto. Nag flip siya ng buhok kahit nakapusod naman iyon . "ako pa ba.?" aniya. Tumaas ang sulok ng labi nito bago nagsalita. "sabi mo eh,bukas sa kwadra naman tayo." Napatingin siya dito at inaasahang babawiin ang sinabi at sasabihing 'joke'lang pero seryoso ito. Nalaglag ang panga niya. "are you kidding,right?" "no'pe..lets go? "walang paki alam na anito bago siya inakbayan at iginiya palabas ng kulungang iyon. "we're go home na'?" nilingon niya ang binatang diretso lang ang tingin sa unahan. "we need to take a bath'first."saka siya nito yinuko. "take a bath? where.?" nanlalaki ang matang tanong niya. "there.!" may inginuso ito. Napasunod siya ng tingin. "dyan?!" Isang poso ang tinuturo nito sakaniya. "yup,kaylangan nating mag banlaw dahil ayaw ni Trimo sa mabaho." Si Brandon sabay singhot sa kanya. kinurot niya ito sa tagiliran. "kapal naman ng face mo.!" Tumawa lang ito at dina nagsalita pa. Lumapit sila sa poso na may mga timba at tabo. Mukha iyong kubo na walang dingding at tanging kalahating bubong lang ang meron,simentdo ang baba na kinatatayuan ng bakal na poso. Nag umpisa ng bumomba ang binata at hinugasan ang timbang malinis naman sa tingin niya. Pinuno nito iyon at saka siya binalingan. "come here,sabay na tayo." yaya nito sakaniya at muling isinahod ang isa pang timba at pag kuway binombahan din. Atubili naman siyang lumapit kaya hinintay muna niyang matapos ito sa ginagawa. Nang matapos ito ay muli siya nitong binalingan. "what?gusto mo bang paliguan pa kita.?" anito pag kuway napa ngisi. "madali akong kausap-" "you're so maniac talaga.!" nagdadabog na lumapit siya at inagaw ang tabo sa kamay nito at dere deretsong sumalok ng tubig at walang pag alinlangang isinaboy sa binata. Nagulat naman ito at hindi agad nakahuma. "yan,para mahimasmasan ka.!masyado ka ng berde.!" aniya at akmang tatabo ulit para muling ibuhos dito pero naunahan siya nito. Walang hirap nitong binuhat ang isang timbang punong puno ng tubig at ibinuhos sa kaniya lahat ng laman niyon.Kamuntik na siyang malunod. Ito naman ang humalakhak. Papayag ba naman ang isang Antoneth Fuentella na mag pa talo.? ofcouse not! Muli siyang tumabo at isinaboy agad dito at ganon din ang ginawa nito sakaniya. Nagmukha silang mga bata. Kaya naman napuno ng tili at halakhak ang buong paligid na hindi naka ligtas sa mga taong naroroon lang sa malapit. Napapahinto pa ang mga iyon sa ginagawa at puno ng kyuryusidad na tinatanaw sila. Ngunit hindi nila iyon alintana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD