THE FAILED MISSION EPISODE 53 ALESSANDRO NIKLAUS’ POINT OF VIEW. “HOW’S Tita Naime, Niklaus? Nagising na ba siya?” tanong sa akin ni Gracelyn ng mapatawag siya sa akin. Alam na nila ang nangyari kay Mom. Ayaw man naming ipaalam ang nangyaring ambush sa mansion, may mga balita pa rin talaga na nakarating sa ibang mga tao. Lalo na kay Grandma at Grandpa na nasa Switzerland ngayon nakatira. Pauwi na sila ngayon ng Pilipinas upang puntahan si Mommy. Ayaw sana namin na umuwi sila dahil delikado pa… baka maulit na naman ang nangyaring barilan sa mansion. Pero ngayon ay mas triple na ang seguridad namin para hindi na maulit ang mga nangyari. “She’s still in the ICU, Grace. But her condition is getting better. Sana nga ay maging maayos na talaga si Mom at makaalis na siya sa ICU,” sabi ko

