MISSION: 50

1687 Words

THE FAILED MISSION EPISODE 50 “I’M SORRY for making you do this, Lady Aya.” Kanina pa nagsasalita si Peter dito sa aking tabi, pero kanina pa ako tahimik. Ayokong magsalita. Gusto ko muna ng katahimikan. Hindi ko siya kayang kausapin ngayon. Gusto kong matapos na ‘tong kalbaryo ko. Kung ano man ang mangyayari ngayon sa gagawin namin, bahala na… hindi ko na alam ang gagawin. “Lady Aya—” Tinignan ko si Peter kaya natigil siya sa kanyang pagsasalita. Bumuntong-hininga siya at umiwas ng tingin sa akin. Buti naman at naintindihan na niya na ayaw ko muna ng kausap ngayon… na ayoko muna siyang makausap. Ngayon ay bumabyahe kami papunta sa Coleman Mansion. Kanina pa malakas ang kabog ng aking dibdib sa kaba na aking nararamdaman. Pinadarasal ko pa rin na sana ay walang masaktan sa gagawin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD