Chapter 2
“I’m sorry, ano `yon?" she asked, trying to hide her embarrassment. She scanned the menu she was holding, distracting her embarrassing stature.
“Pagkatapos nating kumain, magtanong tayo tungkol sa bakante bilang service crew. Ano sa tingin mo?” tanong ni Oddette.
Nag-angat siya ng ulo at tumingin sa kaibigan. “Sige, kaya dapat um-order na tayo dahil naririnig ko nang tumutunog ang tiyan ko,” saad niya habang natatawa.
“Sige,” sagot ng kaibigan.
Lumingon si Emmie para maghanap ng waiter, nang tumayo sa gilid ni Oddette ang lalaking nakasuot ng putting Lacoste t-shirt.
Ngayon mas nakikita niya nang malapitan ang anggulo ng lalaki.
His appearance seemed so alluring with his round black eyes blinking and pinkish lips moving. Not to mention that his t-shirt perfectly fits his sturdy chest that shows his firm muscles. Nakikita rin ang mga ugat sa kamay nito nang hinawakan nito ang kapirasong papel at panulat.
“Emmie, Em….” Again she felt the hands of Oddette which brought her back to reality. Nakaramdam siya ng hiya sa harapan ng kaibigan at sa lalaking nakatayo sa kanilang unahan. Hiniling niya na sana ang lupa ay bumukas at siya’y lamunin na lamang.
“I'm sorry,” paghingi niya ng paumanhin bago napayuko.
“Ayos lang. Hindi ito ang unang boses na may babaeng nahumaling sa hitsura ko,” may pagkamataas na wika ng lalaki.
Napasimangot siya at naitaas na lamang ang isang kilay. Tunay ngang nabihag siya sa angkin nitong kagwapuhan at humingi pa ng paumanhin, gayunpaman, nakikita niyang masyado mataas ang tingin nito sa sarili
Kaagad niyang ibinigay ang kaniyang order na solo margarita pizza at isang baso ng tsaa, habang si Oddette naman ay um-order ng seafood pizza at soda.
Ilang segundo siyang tinitigan ng lalaki bago ito umalis, ipinapaalam na kalahating oras pa bago darating ang kanilang pagkain na mauunang lutuin.
Hindi naisip ni Emmie na waiter ito ng shop, kumukuha ng orders at sasalubong para batiin ang mga costumer. Hindi nga ito nakasuot ng uniform, isa pa ay nasaan na ang isang lalaking kausap nito kanina?
She roamed her eyes to look at the same table, it was now occupied by three women; no signs of the other man.
“So, kamusta naman iyong rent advertisement mo?” Oddette asked.
“Hindi ko pa naip-post. Matutulungan mo ba ako ?”
“Oo naman, pagkatapos natin maghanap ng trabaho,” humahagikgik na wika ng kaibigan.
Sa totoo lang, kung sakali man na hindi makahanap ng trabaho ang kaibigan niya, hindi iyon sa kaniya magiging problema. Her parents own a small convenience store in front of their house, while her older brother is a seaman. Limang taon ang tanda ng kapatid nito sa kaniyang kaibigan, idadag pa na pinapadalahan ito nito ng pera buwan-buwan
Ang tanging rason lang naman ni Oddette kung bakit ito naghahanap ng trabaho ay para lang sa may kasama siya.
Nakita niya ang lalaki na nagtungo sa table kung saan may tatlong babaeng nakaupo. Nakita niya ang pagliliwang ng mga mukha nito, ninanamnam ang presensiya ng isa’t isa. Kung paano humagikgik ang mga ito at ngitian ang isa’t isa ay nagbigay sa kaniya ng iritasyon sa ibang kadahilanan. Mukhang natutuwa ang lalaki na inaakit ito ng mga babae na iyon na nagpabaliktad sa kaniyang sikmura.
“Em…Emmie, ayos ka lang?” She shifted her gaze back to her best friend. Nakita niyang nakatingin si Oddette sa kaniyang kamay kaya napatingin siya roon; wala siyang kaalam-alam na nalukot niya na pala ang menu.
“Oh geez,” bulong niya sa sarilli at ibinabalik sa dating ayos ang menu.
“It's okay, Miss. Iwanan mo na lang diyan. Puwede namang ayusin na lang bago magsara.” Tila musika sa kaniyang pandinig ang baritono nitong boses. Napakurap siya nang ilang beses, hindi alam ang gagawin.
“Excuse me, nasa’n ang washroom n’yo?” naitanong na lang niya bago siya tumayo sa kinauupuan. Paraan niya iyon para itago ang pagkapahiya.
“Diretsuhin mo lang `yong counter, kumaliwa ka pagkatapos,” sagot ng lalaki. She immediately motioned towards the place he pointed as he put down their food on the table.
Habang patungo sa washroom, naraanan niya ang tatlong babae. Naririnig niya ang mga boses nito na nagtatawanan at nagbubulungan.
“He's so hot.”
“Yes, you're right.”
“Hoy, h’wag nga kayong mga ambisyosa; alam n’yong dinala ko kayo rito dahil mas una ko siyang nakilala sa inyo. Bear in mind that he's mine. I will rip alive whoever takes him from me.”
Napatigil siya nang ilang segundo matapos marinig ang mga salita na iyon. Lumingon siya para sumilip sa mga ito nang napaatras siya matapos makita ang isang babae na nakatingin sa kaniya.
Nagmadali si Emmie na tumungo sa washroom, at nang nakarating sa tapat ng salamin ay napabuntonghininga na lamang siya.
Wala pa sigurong kalahating minuto na nananatili siya sa loob. Nakarinig siya ng katok mula sa pinto kung saan bumakas ang takot sa kaniyang mga mata.
Naisip niya na napasok siya sa gulo nang lumingon siya at pinakinggan ang pinag-uusapan ng tatlong babae kanina. Kumabog nang malakas ang kaniyang puso, naging mabilis ang kaniyang paghinga. Nang lumingon siya para buksan ang pintuan, na
nlaki sandali ang kaniyang mga mata.