Chapter 3
“Pasensiya na, Miss kung pinagmadali kita. Kailangan na kasing umihi ng anak ko, dahil kung hindi ay baka bigla na lang itong maihi,” wika ng ginang.
Isang ngiti ang kumurba sa kaniyang labi. “Wala pong problema,”sagot niya. Binigyan niya ng daan ang ginang pati na ang anak nitong lalaki bago siya naglakad pabalik sa kanilang lamesa.
Sa daan, nakita niya ang kaparehong lalaki kanina na lumabas sa counter, may hawak itong na tray na puno ng pagkain. Sandali siyang napatigil at pinaraan ang lalaki na ikinakindat nito sa kaniya.
“Thank you, Miss.”
Blangko siyang napatingin dito. Nagulat siya sa bigla nitong ginawa ngunit mabilis naman siyang nakahuma. Nakatulong na walang emosyon na nakabalandra sa kaniyang mukha nang nangyari iyon, kahit pa sa loob-loob niya ay nabigla siya.
Nalunok niya ang kaniyang laway nang naagaw ang atensiyon niya sa mga pagkain na dala nito. Ibig bang sabihin na ganoon din ang kaniyang gagawin kapag dito na siya nagtrabaho? Bigla siyang nagdalawang isip kung magpapatuloy pa siya sa planong pag-a-apply para sa trabaho o hindi na.
Nang nakarating siya sa mismong lamesa, sinigurado niya na hindi niya titingnan ang tatlong babae kanina. Masyado nang nakahihiya na nakinig siya sa usapan ng mga ito.
“May good news ako,” biglang untag ni Oddette.
“Good news?” Napasimangot siya. Limang minuto pa lang noong umalis siya at inilagay ang sarili niya sa gulo, pagkatapos ngayon may magandang balita ito?
She sat on her seat and bit her pizza before staring at her friend full of excitement on her face. She motioned to let her speak.
“Tanggap na tayo!” masaya nitong pahayag. Nang tuluyang makakagat sa kaniyang pizza, umangat ang kilay ni Emmie habang nginunguya ang kaniyang pagkain at sumimsim sa kaniyang iced tea.
“Hindi ko maintindihan.” Ipinilig niya ang ulo. “Ano’ng ibig mong sabihin sa tanggap na? Saan?” tanong niya. Masyado na siyang nakararamdam ng gutom dahil sa kalalakad na ginawa nila para maghanap ng trabaho.
“Oo, narinig mo naman `di ba? Tanggap na tayo.” Pilya itong ngumiti. Naging dahilan iyon para mapaisip siya kung paano iyon naging posible dahil kanina ay nasa restroom siya. “Magsisimula tayong magtrabaho rito bukas—” Hindi pa tapos sa pagsasalita si Oddette nang napaubo siya. Masyado naman yatang mabilis. Tinulungan siya ng kaibigan na lunukin ang kinakain bago tinapik nang marahan ang kaniyang ulo. “Ayos ka lang?” tanong ni Oddette nang may pag-aalala.
Paano iyon naging posible?
Nagpatuloy ang pagkaskas ng pagkain sa kaniyang lalamunan na halos ikakati na niya habang iniuubo ang mga ito. Nang nakahuma ay kinuha niya ang iced tea at nagmadali iyong ininom.
Nang naging maayos ay muli siyang tumingin sa kaibigan nang hindi makapaniwala at may pagtataka na nakaguhit sa mukha niya.
“Paano `yon nangyari?” tanong niya.
“Nang umalis ka para pumunta ng washroom, tinanong sa `kin ni Zoren ang pangalan mo. Pagkatapos napansin niya iyong mga envelope sa lamesa natin kaya sinabi ko na sa kaniya ang lahat.” Muling napainom si Emmie sa kaniyang inumin.
Pagkakunot ng noo ang bumalot sa kaniya, naiinis sa biglaang ibinalita ng kaniyang kaibigan. Bakit naman tatanungin ng lalaking nagngangalang Zoren ang pangalan niya?
“At alam mo ba?” pabitin nito.
Emmie raised one of her eyebrows. “Ano?”
“Dahil tinanggap niya tayo, sinabi niyang p’wede na tayong magsimula bukas!” masayang dagdag pa ni Oddette, kasalungat ng kaniyang nararamdaman.
Sa hitsura niyang hindi nasisiyahan, napansin ng kaibigan ang simangot sa kaniyang mukha. Huminto ito sa pagngiti at napalitan ng pagkunot ng noo. “May problema ba?”
Nagparte ang mga labi ni Emmie. “Pasensiya na. Iniisip ko lang kung kaya ko bang gawin ito," untag niya, bago siya nagbaba ng tingin. She lacked the confidence to do her job, added that she is afraid of failure.
“Bakit? Ano bang problema? Puwede mo bang sabihin sa `kin kung ano’ng rason?” tanong nito sa mababang boses. Nahihinuha naman niya na hindi galit si Oddette; nag-aalala lang ang kaibigan base sa tono nito.
Nag-angat siya ng ulo at tiningnan ang kaibigan sa mata. “Iniisip ko kung kaya ko bang gawin `yong trabaho. Parang hindi madaling maghain ng mga orders,” sagot niya sa garalgal na boses.
“At sino’ng nagsabi sa `yo na kukuha ka ng order at ang maghahain n’yon?” ani ng isang baritonong boses. Nanlaki ang mata niya sa gulat; hindi niya inaasahan na susulpot a
ng lalaki mula sa kung saan.