Chapter 4

877 Words
Chapter 4 Hindi niya napansin ang lalaking nakatayo na pala sa kaniyang harapan. “Kung hindi kami kukuha ng order at maghahain, ano’ng gagawin namin?” tanong niya, nagsasalubong ang dalawang kilay. “Maghuhugas ng mga pinagkainan,” sagot nito sa nanunudyong tono. Kumurba ang labi nito sa nakaaakit na ngiti kasabay nang pagkakita niya sa mga ngipin nito; pantay-pantay at mapuputi. Tila isa itong modelo ng pansipilyo sa patalastas sa TV. Mayroon itong manipis at makamkam na mga labi. Nagptuloy ang pagkurap ng mata ng dalaga, sinusubukang alisin ang tumatakbo sa kaniyang isip. Lalong-lalo na nang naisip niya ang kagustuhan ng kaniyang labi na lumapat dito. “Natakot ba kita? H’wag kang mag-alala, nagbibiro lang ako. Sa counter lang kayo, ako na ang bahala sa mga costumers.” Ramdam niya na tila musika ang boses nito sa kaniyang pandinig. Nagpatuloy siya sa pagtango. “Okay,” mahinang ani niya, itinatago ang nararamdamang hiya dala kanina. “Ano, ayos ka na?” Nagpabalik sa kaniya sa ulirat ang boses ni Oddette. “Oo. Pasensiya na, akala ko gagawin natin `yong mabibigat na trabaho,” sagot niya at tulirong natawa na lang sa sarili. “Ibig kong sabihin, naiisip ko pa lang na bitbit ko iyong mga pagkain at inumin, natatakot na ako na baka masyadong mabigat hanggang sa baka dumulas iyon at mabasag,” paliwanag niya. “Don't worry, my Señorita. Hindi kita pagtatrabahuhin nang mabigat, magtiwala ka.” Kumindat ito sa kaniya bago tuluyang umalis. Tinawag pa siya nitong Señorita; isang palayaw na wala ibang tumatawag sa kaniya simula pa noon. Alam niya na mukha na siyang hinog na kamatis dahil sa kahihiyan. Nagmadali siyang yumuko upang itago ang mukha sa kaniyang kaibigan, ngunit sa huli alam naman niya na hindi niya maitatago na nahumaling siya sa lalaking iyon. She's still grateful the man left after he winked at her. She's now wondering if she will work with this man. Makaliligtas ba siya? Mapapanghawakan niya kaya ang sitwasyon kung siya’y nasa tabi lamang nito? Maaaring nagugustuhan niya na nga ito, at hindi siya sigurado kung magagawa niya nang maayos ang kaniyang trabaho. Habang tinatapos ang kanilang pagkain, bumalik sa kanilang lamesa ang lalaking nagngangalang Zoren, may kasama itong lalaki. Nakilala niya ito nang una niyang pasok sa shop. “Ladies, siya si Ben,” pakilala nito sa lalaki. “Bagong pasok siya rito," wika pa nito. Naghila ito ng bangko at umupo sa tabi ng dalaga habang iminuwestra nito ang kamay sa upuan para maupuan ni Ben. “Magkakaroon tayo ng dalawang grupo, Oddette, Ben at Charlie—na makikilala n’yo bukas. Kayong tatlo ang unang grupo,” bulalas nito habang nakatingin sa dalawang taong nasa harapan. Nakikita naman ng dalaga na masigasig sina Oddette at Ben. “And you my dear Señorita, sa grupo kita kasama si Max,” saad pa nito sa may nakaaakit na ngiti. Napalunok si Emmie sa sarili. Damn. H’wag mo akong bigyan nang ganiyang ngiti, baka mahulog ako. After a few seconds of lagging, she nodded her head in response. "Y-Yes," she said, stammering. “Sa cashier mananatili ang mga babae, habang ang mga lalaki ay sa mga mabibigat na trabaho.” Lahat sila ay napatango sa sinabi nito. “Bagaman para sa mga babae, kailangan namin ng tulong n’yo sa pagsasara at pagbubukas para mapagaan ang trabaho,” paliwanag ni Zoren. “Ano’ng oras kami magsisimula?” tanong ni Oddette. “Tungkol d’yan...” huminto sandali si Zoren, dumako ang paningin nito sa dalaga. “Magsisimula ang unang grupo nang eksaktong ala syete nang umaga hanggang alas tres ng hapon, kung saan ang grupo Oddette,” sagot nito. Nang napagtanto na magkahiwalay ang dalawa, tumingin si Emmie sa kanilang boss nang may pangamba sa mukha. Napansin niya na tumingin ito sa kaniya pabalik bago umawang ang bibig nito. “U-huh, ang grupo natin ay mula alas tres hanggang alas onse ng gabi,” dagdag nito na kaniyang ikinaurong. “Pa…paano ako makauuwi?” she asked, twisting her tongue. “Wala ng mga tricycle nang ganoong oras. Nagsasarado ang terminal nang alas dyes ng gabi,” paliwanag niya. “Hindi mo kailangang mag-alala. Ihahatid kita pauwi,” paninigurado nito sa kaniya. “Sabihin mo na lang sa `kin ang address mo, kagaya ng ginawa ni Max. I will not let my subordinates go home late at night without any service,” dagdag pa nito. “Kung may pakialam ako kay Max, paano pa kaya sa `yo? Masyadong delikado para sa `yo kung maglalakad kang mag-isa sa gabi.” Nakaramdam siya ng pagkamangha sa sinabi nito. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. “Thank you.” “You're most welcome,” he answered back, but before she could see his captivating smile she averted her gaze towards Oddette. Nahuli niya ang kaibigan na nakatitig kay Ben na nakatingin naman kay Zoren. Pasimple niya itong sinipa sa ilalim ng lamesa para makuha nang atensiyon nito. Sa kabutihang palad, natamaan niya ito na ikinalingon ng kaibigan sa kaniya at binigyan siya nang matalim na tingin. “Now give me your documents. H’wag n’yong kalilimutan na maglagay ng ID pictures, passport size, at ako na ang kukuha ng kontrata,” nagambala sila sa boses ni Zoren. Kaagad itong tumay o at nagtungo sa counter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD