BAGO PA tuluyang mawala sa sarili si Noah, ay tinapos na niya ang mainit na halik niya kay Maggie. Saka siya umalis. Kung siya lang ang masusunod. Hindi lang halik ang gusto niya. Kaya napa-ungol pa siya dala ng paghigpit nang pantalon niya. Ang bilis magreact nang alaga niya kapag si Maggie ang kaharap niya. Pabalik na siya sa katabing unit nang matangap niya ang tawag ni Morris. "Bakit?" "Is Maggie with you?" Bakas ang panic sa tinig nito. "Nasa apartment niya." "I think Brent found her! May mga pinadalang larawan dito, someone was watching my daughters." "Ano?" Mabilis niyang pinatay ang tawag nito saka niya kinatok ang pinto ni Maggie pero ilang ulit na siyang kumakatok ay wala siyang natangap mula dito. He took out his spare key saka 'yon binuksan. "Maggie!" Tawag niya dito

