"MAGGIE, alam kong galit ka sa nagawa ko. And I'm really sorry. Hindi ko gustong masaktan kita. Mahal kita at wala nang dahilan para---" "I'm sorry din! Salamat sa almusal. Hindi na lang ako lalabas ngayon." Iyon lang at tumayo na siya saka ito iniwan doon. She went to her room. Saka inilock ang pinto. Napa-iyak na lang siya dala nang paninikip pang dibdib niya. Masaya sanang balita ang katotohanang 'yon. Pero hindi tamang tangapin pa niya si Noah. Hindi na rin naman niya ito mabibigyan nang isang boung pamilya. She lost her child dahil pabaya siya. "Nakitaan namin nang bukol ang matris mo, after we did the ultrasound. Siguro kaya rin nalaglag ang bata sa sinapupunan mo dahil nahina ang kapit niya. And the problem is baka hindi ka na ulit magkaroon nang anak Ms. Del Castillo. Hindi pa

