NAGISING SI Maggie dahil sa tunog nang kung ano. Nakadama siya nang bigat sa paa niya. Hindi niya mapigilang mapangiti nang titigan niya ang mukha ng himbing pa ring si Noah. Kapwa pa rin sila walang saplot sa ilalim nang kumot. Maingat na inalis nya ang braso nito na nakayapos pa sa kanya. Pagkatapos ay ang paa nito. Kumilos ito pero hindi naman nagising. Nasapo pa niya ang ulo niya dala nang biglang pagkirot noon. Late na kasi. Alas nuwebe na ayos sa wall clock na naroon. Nagtungo siya sa banyo upang maglinis nang katawan. Nang makontento ay saka lumabas covering herself with the towel nang muling tumunog ang phone ni Noah. Kaya't nilapitan niya 'yon. Then she saw a message from Sharina. Hindi niya maiwasang mapakunot noo ang mabasa nang mensahe. "Magkita tayo later. I'll wait don't

