"SIGURADO KA ba talagang 'yon ang gusto mo?" Taas kilay na tanong ni Sharina kay Noah habang kumakain sila. He promised to treat her dinner kapag nagtagumpay ito sa kaso sa mga illegal settlers na hawak nito. It was a tough case dahil maraming pamilyang involve. Mabuti na lang at nakipagtulungan ang gobyerno upang mabigyan nang panibabagong lugar ang mga illegal settlers. "Oo, matagal ko na ring ipinagpaliban ang plano ko." "I'm sure nagwawala ngayon si Morris. You so mean Noah." Naiiling pang saad nito. Sharina had no idea about why he wanted to take down Morris. Hindi na niya kailangang ipaalam dito ang dahilan niya. "But I was wondering? Bakit walang gustong mag-invest kay Morris? He was such a good businessman." Lihim siyang napangiti. Malamang walang maglalakas loob na mag-invest

