Chapter 35

1187 Words

Kita naman niya ang panlalaki ng mga mata ng babae dahil sa sinabi niya. "Po? B-Bakit?" Bigla niyang pinalungkot ang mukha niya at nagkunwaring maiiyak. "Gusto ko lang pagselosin ang asawa ko para aminin niya na mahal niya ako at hindi na siya umalis. Pupunta na kasi siya ng Amerika." At kunwari pang suminghot-singhot para magmukha siyang umiiyak. "Sigurado ho ba kayo riyan, ate?" tila naawa naman ito sa kan'ya. "Oo naman, miss. Ano? Tutulungan mo ba ako?" pagpapaawa pa rin niya at kunwaring nagpapahid ng mga luha. "Sige po." Pigil ang mga ngisi niya nang marinig ang sinabi nito. Ilang sandali pa ay nasipsip na rin nito ang leeg niya at gusto niyang napapalakpak nang matapos. Mabilis niya pang hinawakan ang magkabilang mga kamay nito. "Nako! Maraming-maraming salamat ah?" "Opo,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD