Mabilis naman niyang tinitigan ang pintuan na nilabasan ni Dok Calvin. Anong ibig nitong sabihin? Naputol ang pag-iisip niya nang may biglang kumatok at pumasok at kita niya ang isang nurse na kinukuhanan ng dugo ang alaga niya. "Ate, dahan-dahan lang ah. Baka kasi maubos mo ang dugo ng baby girl ko," seryosong sabi niya rito. "Ma'am, konti lang po ito. Titignan ko lamang po ang sugar level ni Chloe." Ngiti nito sa kan'ya. "Ah ganoon ba, sorry." At napangiti siya rito. "Parang familiar po kayo sa akin, ma'am? Pero mukhang ngayon lang po kayo nakasama ni Chloe?" takang tanong nito. "Teka, palagi ba rito si Chloe?" "Ay opo ma'am, kung hindi po bumaba ang sugar niya e tumataas naman, nakakaawa nga ho ang anak ni Dok Yago." "Huwag kang mag-alala miss, ako ng bahala kay Chloe. Tutal,

