Halos alas singko na ng hapon nang ganap na umahon ang mag-aama dahil halos magkulay ube na ang mga labi ni Chloe dahil sa sobrang babad sa may tubig. "Halika na bebe girl, para makaligo ka na at makapagpahinga. Siguradong pagod na pagod ka niyan sa kakalangoy mo," sabi niya rito. "Let's go, ate!" At humawak na ito sa may isang kamay niya. Habang nasa loob sila ng banyo ay hindi niya maiwasang pagmasdan ito. "Why are you looking at me like that po, ate?" takang tanong nito sa kan'ya. "Masaya ka no?" Nakangiting tanong niya rito. "Super po! This is the best day of my life!" masayang sabi nito. "Sana palagi na lamang ganito para palagi naming kasama si daddy," seryosong sabi nito. "Hayaan mo bebe girl, darating din ang araw na iyon. Oh siya, sige na tapusin na natin paliligo mo dahil

