"Ate, lets go and change our clothes," yaya sa kan'ya ni Chloe habang hawak na nito ang damit nito pampaligo. "Eh ano kasi, sige na papalitan ko na ang damit mo." Mabilis niya itong hinila sa may banyo at pinalitan ito ng isang cute na unicorn one piece suit. "Ang cute-cute mo naman, bebe girl!" nakangiting sabi niya rito. "Thank you Ate, how about you? Hindi ka pa ba mag-change ng clothes mo?" takang tanong nito sa kan'ya. "Uhm ano kasi bebe girl, meron kasi akong red tide ngayon," palusot na sabi niya. "What is red tide?" naguguluhang tanong nito. "May regla ako, hayaan mo, kapag lumaki ka na ay magkakaroon ka rin ng ganoon. Hindi ako pwedeng mag-swimming dahil magkukulay pula iyang tubig," paliwanag niya rito. "Ganoon po ba? Sayang naman ate," seryoso pa rin na sabi nito. "Hu

