3 months later... “Nasentasyahan na ng habang buhay na pagkakulong si Albert Escajeda sa patong patong na kaso at kabilang na dito ang-” Pinatay na ni Emilio ang TV dahil dumating na sina Meghan dala ang kanilang tatlong buwan nilang anak ni Tristan. “Hi Lolo. Where is lola?” ani Meghan hawak ang kamay ng anak para ikaway kay Elimio. “Hello apo ko. Nasa kusina si Lola mo. Pahiram muna sa apo ko.” masigla nitong sagot saka hinalikan ang apo. Maingat niya itong binuhat saka dinala sa kusina. “Si Phina Dad?” habol nitong tanong. “She’s ready.” Si Stefan ang sumagot habang pababa siya ng hagdan. Tinapik niya ang balikat ni Tristan saka siya nakipag beso kay Meghan, “Huwag nyong tatakasan ang mga bodyguard nyo.” biro ni Stefan sakto naman na pababa na si Phina. “Sorry, Ate Meg. Did I m

