bc

Credence

book_age18+
371
FOLLOW
2.4K
READ
billionaire
possessive
body exchange
playboy
student
heir/heiress
witty
office/work place
school
classmates
like
intro-logo
Blurb

Nang dahil sa takot na makulong, tumakas si Seraphina sa San Andres. Nakilala niya si Doctor Albert na isang plastic surgeon na siyang bumago ng buhay at pagkatao ng dalaga. Para matakasan niya ang batas ay pumayag itong magparetoke at mamuhay bilang si Meghan Elvira Mercedez ngunit sa isang kundisyon... Ito ay ang paibigin at pakasalan niya ang pinsan ni Doctor Albert na si Stefan Miguel Escajeda, ang nag-iisang tagapagmana ng Escajeda multi billion company. Kaya bang panindigan ni Seraphina ang kanyang pakikipag sabwatan kay Doctor Albert kung nahulog na siya ng tuluyan kay Stefan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - Borrowed Face
“Phina!” Sigaw ni nanay. “Kanina ko pa inutos itong order ni Marites. Dalhin mo na ito doon. Ngayon na! Tigilan mo na ang pagbabasa niyang libro mo dahil wala naman kaming balak pag-aralin ka ng kolehiyo.” patuloy niya saka pumasok sa aking kwartong walang pinto. Tanging kurtina lang ang nakaharang dito.   “Opo nay.” sagot ko at niligpit ang aking libro.   Tumayo ako at hinarap ni nanay, “Dalhin mo ito kay Marites at ito naman ay kay Aling Puring.” inabot niya ang dalawang supot ng plastic na may lamang lutong ulam, “Huwag kang aalis ng walang inaabot na bayad ang mga yon, lalo na dyan kay Marites.” Aniya at tinaggap ko ang dalawang supot saka ako lumabas ng aking kwarto.   “Sunduin mo mamayang hapon ang kapatid mo, tapos ay daanan mo iyong bayad sa utang ni Flor. Kung hindi ko pa tinalakan ay hindi magbabayad ang bruhang yon!” Pahabol nitong utos.   Alas dose na ng tanghali at sobrang tirik na ng araw. Hindi pinagamit sa akin ni nanay ang nag-iisang payong sa bahay dahil gagamitin daw niya iyon papunta sa palengke mamaya. Wala akong choice kundi ang maglakad sa initan.    May kalayuan din mula sa amin ang bahay nina Aling Marites at Lola Puring kaya naman ala una y’medya na ng makabalik ako sa bahay. Gutom na ako pero inuna ko muna ang maligo para presko ako habang kumakain mamaya.    Lumabas ako ng banyo ng nakatapis ng bulaklaking tuwalya nang makita ko si tatay na kadarating lang.    “Hoy Seraphina! Ipaghain mo ako ng makakain!” sighal nito sa akin. “Labing siyam na taon na kitang pinapalamon ay wala pa akong mapakinabangan sayo!”    “Opo. Magbibihis lang po ako.”    Pumasok ako ng kwarto at pilit inaalis sa isip ko ang mga sinabi ni tatay. Hindi ko siya tunay na ama kaya mabigat ang dugo nito sa akin. Pilitin ko man ang sarili ko na mahalin niya ako bilang tunay niyang anak ay mukhang malabo pa ito sa sabaw ng pusit.    Malungkot akong kumuha ng damit sa durabox at nang ipapatong ko na ang mga ito sa kama ay nakita kong nakatayo si tatay sa may pinto. Para itong demonyong nakatingin sa buong pagkatao ko. Hayok na hayok niya akong sinunggaban at pilit na inaalis ang nakabalot na tuwalya sa aking katawan.    Umiyak ako at nagmamakaawa kay tatay. Buong lakas akong kumapit sa aking tuwalya upang huwag niya itong maalis. Pero mas malakas siya sa akin, itinulak niya ako sa kama at pumaibabaw sa akin.   “Huwag ka ng magpumiglas! Mabilis lang ito at pagkatapos ay bibigyan pa kita ng pera.” Parang demonyo itong bumulong sa akin.   Patuloy ako sa pagpiglas. Buong lakas ko siyang tinulak at tumakbo palabas ng kwarto pero naabutan niya ako hila hila ang aking buhok. Mabuti nalang at mabilis kong nadampot ang paboritong figurine ni nanay na hugis elepante bago ako madapa. Pumaibabaw na naman siya sa akin habang humarap naman ako sa kanya at buong lakas na ipinukpok sa ulo ni tatay.   “Put@angina ka!” sigaw niya at akma akong sasampalin kaya muli ko itong pinukpok hanggang mawalan na ito ng malay.    Sumirit ang dugo mula sa ulo ni tatay. Tinulak ko siya at nanginginig na umatras paupo. Takot na takot akong tumayo at tumakbo sa kwarto para magbihis. Pinunasan ko ang dugo na sumirit sa aking mukha pati na din ang mga luha kong walang tigil sa pagtulo.    Hindi ko alam ang gagawin ko.    Paano kung napatay ko si Tatay?    Umiiyak akong lumabas ng bahay, sakto naman na kadarating lang ni nanay sakay ng trysikel. Umiiyak akong lumapit sa kanya. Nanginginig ang mga kamay at balisa.   “Phina, tulungan mo ako sa mga pinamili ko,” utos ni nanay ng makaalis ang trysikel. Tumingin ito sa akin at nagulat sa aking itsura, “Ano na naman ang ginawa mo Phina? Hindi ba nagbayad ng utang si Flor, ha?! Dinakdakan ka na naman ba?” inis nitong tanong.   Umiling ako at tumingin sa kanyang mga mata, “Nay, si Tatay… S-Si tatay, n-napatay ko yata siya.” halos mapaos kong sabi.   Nabitawan niya ang mga plastic na bitbit sa lupa at nanlilisik ang mga matang kumapit sa aking braso.   “Anong sinabi mo?!” asik niya.   “G-Gusto po akong pagsamantahalan ni tatay, p-pinagtanggol ko lang po-” malakas niya akong sinampal at tumakbo papasok ng bahay.   Mas lalong binalot ng takot ang buong pagkatao ko ng marinig ko ang iyak at sigaw ni nanay. Umagaw ito ng atensyon sa aming mga kapitbahay kaya sa takot ko ay tumakbo ako palayo.    Palayo at hindi alam kung saan tutungo.   Ayokong makulong.    Wala akong kasalanan! Pinagtanggol ko lang ang sarili ko.    Yakap ko ang aking sarili habang umiiyak at nilalabanan ang lamig dahil sa malakas na buhos ng ulan. Hindi ko alam kung nasaan na ako pero kanina pa akong nakalabas sa bayan ng San Andres.    Gutom. Pagod. Takot at pangamba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nakakita ako ng masisilungan sa kabilang kalsada kaya mabilis ko itong tinahak. Nasa gitna palang ako ng kalsada ay may maliwanag na ilaw ang bumulag sa akin at sa sobrang takot ko ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.   ---   Nagising ako sa isang maliwanag at malinis na kwarto. Mabilis akong bumangon nang mapagtanto na isa itong hospital.   “Dr. Albert, gising na po ang pasyente!” sigaw ng babaeng naka ternong puti at matamis na ngumiti sa akin, “Miss, huwag kang matakot. Hindi kami masamang tao.”    “Nurse, wala po akong pambayad dito sa hospital, pakiusap po, hayaan nyo na akong umalis.” naiiyak kong sabi.   “Huwag kang mag-alala, hija. Libre kitang gagamutin.” Sabat ng isang gwapong lalaki na sa tingin ko ay doktor. “I am Doctor Alberto Escajeda. Muntik na kitang mabundol kanina kaya hayaan mo akong gamutin ka.” pakilala nito.   Doon lang ako kumalma. Binigyan nila ako ng makakain at maiinom. Daig ko pa ang hindi kumain ng isang taon. Natatawa nalang si Dok Albert habang pinapanood ako. Pagkatapos kumain ay chineck-up niya ako, ginamot niya ang mga galos ko at binigyan ako ng mga damit na maari kong suotin sa mga susunod pa na araw.   Kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari kung bakit ako palaboy sa daan ng gabing iyon. Masarap sa pakiramdam na may nakikinig at umuunawa sa akin. Nangako siyang tutulungan ako at lubos akong umaasa na matutulungan nga niya ako.   ---   Ika limang araw ko na dito sa klinika ni Dok Albert. Dito niya ako hinayaang mamalagi at ang kapalit ay ang alagaan at linisin ko ang lugar na ito. Napaka bait niya sa akin, maging vitamins ay sinusupplyan niya ako bukod sa mga pagkain ko sa pang araw-araw kaya naman sobrang sinisipagan ko ang mga gawain na iniaatas nila sa akin.   Bitbit ang hiniling nitong kape ay magiliw akong kumatok sa kanyang opisina bago pumasok. Nakangiti ko itong pinatong sa kanyang mesa at pinagmasdan siya habang inaaral niya ang mukha ng isang babae. Isa nga pala siyang plastic surgeon.   “Ah, Phina. Can I talk to you?” Sabi nito kaya nanatili ako sa gilid ng mesa niya.   “Ano po iyon, Dok Albert?”    “What do you think of this girl? Maganda ba?” tanong niya.   Tumango ako dahil sobrang ganda niya, “Opo. Napakaganda nya po.” sabi ko.   “Gusto mo ba siyang makamukha?”    “Ho?”   Tumawa ito sa naging reaksyon ng mukha ko. Saka inikot ang kanyang upuan paharap sa akin.   “Listen, tungkol doon sa kaso mo. Disedido silang sampahan ka ng kaso. Gusto nilang mabulok ka sa kulungan and I can’t do anything about it. Ayoko din naman na madungisan ang pangalan ko so I am thinking of surrendering you to the authority.”   Binalot ng takot ang puso ko. Halos hindi ako nakakurap at takot na takot na tiningnan si Dok Albert.    Nagsimula na akong umiyak.   “Ayokong makulong Dok Albert. H-Hindi ko naman ginusto ang nangyari.” iyak ko.   “I know. Isa lang ang solusyon na naiisip ko at kung papayag ka ay madali mong matatakasan ang problema mo sa tatay-tatayan mo.”   “Anong solusyon iyon?” Despirada kong tanong. Kahit ano pa iyon ay gagawin ko dahil ayokong makulong dahil pwede nila akong patayin sa loob ng kulungan. Malakas ang kapit ng pamilya ni tatay sa buong San Andres.   “Ang maging ikaw ang babaeng ito.” Itinuro niya ang screen ng kanyang computer. “Kasalukuyang comatose ang babaeng iyan sa DMA Hospital at tanging aparato nalang ang bumubuhay sa kanya. She is brain dead at tanging milagro nalang ang makakapagpabuhay sa kanya. I want you to replace her. Mabubuhay ka bilang si Meghan Elvira Mercedez.” paliwanag nito.   “Paano ko gagawin yon? Paano kung mabuhay talaga siya?” naguguluhan kong tanong.   “Kami na ang bahala sa lahat. All you have to do is to live as Meghan Elvira Mercedez. Sundin mo lang ang mga ipaguutos ko sayo at magiging maayos ang lahat, Phina.”    Dahil desperado ako at takot makulong ay pumayag ako sa gusto ni Dok Albert.    “Gagawin natin ang operasyon sa lalong madaling panahon. Pero tandaan mo Phina, may kapalit ang pagtulong kong ito sayo. Wala ng libre sa panahon ngayon.” seryoso nitong sabi.    Napalunok ako at huminga ng malalim, “A-Anong kapalit?”   “I’ll let you know once everything is settled. Sa ngayon ay ihahanda muna kita sa operasyon mo.”    Lumabas ako ng opisina niyang tulala. Wala sa sarili. Hindi ko alam kung maganda ba itong papasukin ko. Magpapanggap ako bilang ibang tao para lang takasan ang batas.    Ang hindi patas na batas.    Batas na para sa mayayaman lamang.   “Seraphina, tulala ka dyan?” untag sa akin ni Cindy, ang magandang nurse ni Dok Albert.   “Pasensya na. May iuutos ka ba?” Hilaw akong ngumiti sa kanya.   “Oo. Pwede mo ba akong ibili nito sa malapit na mall dyan?” aniya at pinakita ang picture ng skincare na tinutukoy niya, “Dalhin mo na itong cellphone ko para hindi ka magkamali, tapos ang sukli ay ibili mo nalang ng iyong meryenda.”    Tumango ako at tinanggap ang cellphone at pera niya saka ko dinampot ang body bag ko para ilagay ang mga ito sa loob. Malapit lang naman ang mall na sinasabi niya kaya mabilis ko itong narating.    Pinagtanong ko kaagad sa guard kung saan ko matatagpuan ang tindahan ng brand ng skincare na pinapabili ni Cindy. Nasa ikalawang palapag daw ito malapit sa elevator kaya tinungo ko na agad ang pinto ng elevator para sumakay doon.    Ako lang ang tao sa loob ngunit ng magsasara na ito ay may lalaking humabol at hinarang ang kanyang mga kamay sa pinto para huwag itong tuluyang sumara. Pumasok ito sa loob ng hindi ako tinatapunan ng tingin.    Nilabas ko ang cellphone ni Cindy para ihanda ito. Wala namang code kaya mabilis ko itong nabuksan. Nang bumukas ang pinto ay mabilis akong naglakad palabas habang nakatingala sa mga singage ng bawat tindahan.    “Miss. Hey! Miss na nakapalda na green!” Tawag ng baritonong boses kaya agad akong lumingon dahil naka palda ako na green. Siya iyong kasabay ko kanina sa elevator. “Nahulog mo.” Aniya at inabot ang luma at medyo malibag kong coin purse.    “S-Salamat.” nauutal kong sabi dahil ang lakas makapagpabilis ng t***k ng puso ang mga titig niya sa akin lalo na ng dumampi sa palad ko ang kamay niya.    Ngayon lang yata ako nakakita ng ganito ka gwapo sa malapitan. Mukha siyang artista. Ang tangkad pa. Ang perpekto ng panga niya at ang tangos ng ilong nito.    “Stefan, Let’s go. We don’t have time to waste.” Sigaw naman ng lalaking nasa likuran niya.    Walang imik na umalis sa harapan ko ang lalaking nagngangalang Stefan. Maging ang pangalan niya ay tunog mayaman. Nagpatuloy na ako sa paghahanap sa bilihan ng skincare ni Cindy at ng makita ko ay wala na akong sinayang na oras. Gaya ng habilin niya ay ibinili ko ng burger ang sukli.    Kinain ko ito habang naglalakad palabas ng mall nang matigilan ako. Nasa entrada ng mall ang kapatid ng aking tatay-tatayan. Nanginig ang katawan ko ng magtama ang mga mata namin kaya naman naalarma ako at tumakbo ng mabilis dahil alam kong hahabulin nya ako.   Kung saan-saan na ako sumuot matakasan lang si Tiyo Lucio. Hingal na hingal kong binagtas ang kahabaan ng pasilyo at saka bumaba sa escalator. Nakita kong mabilis itong sumusunod sa akin kasama na niya ngayon ang anak niyang lalaki na saksakan ng manyak. Minsan na din ako nitong hinipuan sa dibdib.    Tumakbo ako patungo sa parking lot at may nakitang motor kaya hinarang ko ito.    “Are you crazy? Do you want to die?!” Bulyaw nito sa akin.   “Tulungan mo ako. May humahabol sa akin. Dalawang lalaking manyakis. Please, tulungan mo ako.” Pagmamakaawa ko sa lalaking nakamotor.   Nataranta ako ng makita ko ang mag-ama na papalapit sa akin. Sinulyapan din ito ng lalaking nakamotor na may helmet na kulay itim.  Nag head gesture ito sabay sabing, “Hop in.” at agad ko itong sinunod.   Umangkas ako sa kanya at mahigpit na kumapit sa kanyang baywang pero nang patakbuhin niya ito ay halos yakapin ko na sya sa sobrang takot. Daig ko pa ang nahiwalayan ng kaluluwa.    Nakahinga lang ako ng maluwag ng makalayo na kami sa mall. Itinigil niya ang motor sa gilid ng daan at hinubad ang helmet. Mabilis naman akong bumaba.   “Are you okay?” tanong nito. Laking gulat ko nalang nang makita ko ang mukha niya.    Si Stefan. Iyong kasabay ko kanina sa elevator.    Pawisan siya dahil sa init ng araw. Kinuha ko ang panyo ko sa bag at inabot sa kanya.   “Maraming salamat.” Sabi ko. Tinitigan lang niya ang panyo ko at pagkalaon ay tinanggap na din niya.   “Ang mga babaeng kagaya mo na mahihina ang lapitin nang masasamang loob.” Sabi nito at sinuot ang helmet, “Next time na may mangbastos sayo, lumaban ka. You have to be brave enough to protect yourself.” dagdag pa niya saka pinaharurot ang motor palayo.   Tama siya. Mahina ako kaya inaabuso nila ang kahinaan ko.   Pero anong gagawin ko kung ganito talaga ako. Duwag, Mahina at palaging inuunahan ng takot.   Maaari ba akong humiram ng lakas sa ibang tao?   Pwede ba yon?   ---   Dumating ang araw ng operasyon ko sa mukha. Kinakabahan ako at natatakot. Gusto ko na ngang umurong, pero nandito na ako kaya wala ng atrasan to'.   Tinurukan nila ako ng pampatulog at nang magising ako ay puro gasa na ang halos buong katawan ko. Napapaiyak nalang ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Bawat parte ng katawan ko ay masakit. Sa mukha, dibdib at likod.    Hindi biro itong pinagdadaanan ko dahil ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding sakit sa buong buhay ko. Habang nagpapagaling ay binibigyan ako nina Dok Albert ng mga papel na dapat kong kabisaduhin dahil mga importanteng impormasyon ito sa pagkatao ni Meghan. Ang taong aagawan ko ng pagkatao.   Anak siya nina Susan at Elmiro Mercedez. Mula sa mayamang pamilya si Meghan at nag-iisang anak kaya laki ito sa layaw. Bratinelya at maldita. Nasa 4th year college na ito sa kursong Business Management. Sikat ito sa social media dahil isa siya sa mga fashion icon ng mga kabataan. Nagmomodeling din ito pero hinding hindi sumabak sa pag-aartista.    Sumasakit ang ulo ko habang binabasa ko ang profile niya. Kaya ko kayang gampanan ang pagkatao ni Meghan? Napakalayo nito sa pagkatao ko. Hindi ko yata kayang maging maldita ng isang araw.   Habang lumilipas ang araw at buwan ay unti-unting naghihilom ang mga sugat ko. Kasabay noon ang patuloy kong pag-aaral bilang isang Meghan Elvira Mercedez.    Tinatanggal ni Dok.Albert ang gasa sa aking mukha habang hawak ko ang salamin. Excited ako na kinakabahan at nang tuluyan na itong matanggal ay minulat ko na ang aking mga mata. Tumingin ako sa salamin at hinawakan ang aking bagong mukha.   Kamukha ko na si Meghan. Mas perpektong bersyon nito. May perpektong mukha at katawan, pero napakalayo ng aming mga ugali.Ngumiti ako kay Dok Albert ng sulyapan ko sya.   “You’re so perfect, Phina… I mean Meghan.” Masaya nitong sabi.   Muli kong tiningnan ang mukha ko sa salamin.    Maguumpisa ng magbago ang buhay ko at hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng pagpapanggap kong ito.   ---   Sumailalim ako ng ilang treatment para alisin ang mga peklat sa aking mukha at katawan. Kailangan daw maalis ito para hindi magmukhang halata. Mabuti nalang at halos magkapareho kami ng laki ng dibdib ni Meghan mas malaki nga lng ng kaunti ang sa akin dahil sigurado akong pati ito ay babaguhin din niya.    “Bukas ng gabi ay ididispatya na namin ang bangkay ni Meghan at ikaw na ang ipapalit namin doon. You have to be ready, Phina.” Paalala ni Dok Albert.   “Saan ninyo dadalhin ang katawan nya?” tanong ko.    Nagi-guilty ako. Sorry, Meghan.   “Susunugin namin at palalabasin na ikaw iyon Seraphina. Kapag nabalitaan ng nanay mo na patay ka na ay matitigil na ang paghahanap nila sayo.”   Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Parang napakalupit naman ng mangyayari sa kawawang si Meghan. Sumakit ang puso ko sa awa.   “You don’t have to be sorry for her, Phina. She’s already dead.” Aniya at hinagod ang aking likod, “And about our deal…” May inabot itong envelope sa akin at agad kong kinuha ang laman nito.   “Ang gusto kong kapalit ng pagtulong ko sayo ay ang paibigin mo ang aking pinsan. Kailangang mapaikot mo siya sa iyong mga kamay ng sa gayon ay madali kong maililipat lahat ng yaman ng pamilya niya sa akin. You have to marry him, Phina.”    “Ano?!” Bulalas ko, “B-Bakit kailangan ko pang magpakasal? Akitin na nga lang siya ay baka mahirapan na ako.”    “Madali na sa iyo ang akitin siya Phina, use your beauty and body. Tutulungan kitang makapasok sa pamilyang Escajeda.”    Gagamitin ko din ang aking katawan?   Gag0 pala to! Never been touch, never been kiss pa nga ako tapos ay isasabak na niya agad ako sa makamundong gawain?   Parang ayoko na!   Binasa ko ang pangalan na nakasulat sa papel.   Stefan Miguel Escajeda Heir of Escajeda Power Corporation.   Ito yung lalaking kasabay ko sa elevator at iyong umangkas sa akin sa motor noong habulin ako nina Tiyo Lucio.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

My Cousins' Obsession

read
189.2K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
149.1K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
51.9K
bc

Daddy Granpa

read
278.7K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
79.2K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
66.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook