Alas dose ng gabi kami nagtungo sa DMA Hospital. Kasabwat ni Dok Albert ang mga doktor ni Meghan kaya madali niyang naisakatuparan ang kanyang mga plano. Naiiyak akong pinagmasdan ang walang buhay na katawan ni Meghan habang inililipat sa wheelchair.
Iba talaga ang nagagawa ng pera. Kapag sobra mong sinamba ito ay nagiging iba ang dulot nito sa isang tao. Masasabi kong sakim si Dok Albert sa pera at kapangyarihan dahil handa siyang gawin ang lahat para dito… At heto ako, isa sa mga instrumento niya para maisakatuparan ang masama niyang hangarin.
Humiga ako sa kama at tiniis ang sakit ng mga karayom na itinusok nila sa akin. Inayos nila ang higaan ko at pati na rin ang mga aparato na nasa gilid at ulunan ng kama.
“Good job, Phina. Anytime ay darating na ang mga magulang ni Meghan kapag nalaman nilang may heartbeat kana. You have to do your best. Palalabasin namin na may amnesia ka at totally washout ang lahat ng memories mo. Just act and enjoy the luxurious life of Meghan Elvira Mercedez.” Imporma nito at hinawi ang mga buhok sa aking mukha.
“Don’t mess up, Seraphina. Alam mo kung saan ka pupulutin kung may gagawin kang hindi ko magugustuhan.” Lumunok ako at kinakabahan na tumango sa kanya. “Tuturukan ka namin ng pampatulog, tatagal ito ng ilang oras at sa oras na magising ka ay nandito na ang mga magulang mo, Meghan.” Tumango lang ako bilang sagot.
Lumapit ang isa pang doktor sa kama at tinurukan ang daluyan ng dextrose ko ng pampatulog hanggang sa unti-unti ng bumigat ang aking mga mata.
---
Nagising ako sa iyak ng isang babae na sa tingin ko ay nasa edad kwarenta na. Mas lalo itong umiyak ng tumingin ako sa kanya at ngumiti. Sa kaliwa ko ay isang lalaki na nasa ganoong edad din.
Sila na siguro ang magiging bago kong magulang.
Ang magulang ni Meghan na inagaw ko.
Mahigpit nila akong niyakap habang paulit ulit na nagpapasalamat sa diyos sa milagrong ibinigay nila. Sa pangalawang buhay ng kanilang anak.
Umiyak ako dahil nasasaktan ako para sa kanila. Kung alam lang nila ang totoo.
Ang mas nagpabigat sa dibdib ko ay ang mga salitang lumalabas sa kanialang bibig na hindi ko kailanman narinig kay nanay at tatay. Ang sarap pakinggan, sana ay para talaga sa akin ang mga iyon.
Ngunit hindi.
May kasabwat din na physical therapist si Dok Albert. Kunwari ay tinuturuan ako magsalita, magsulat at maglakad pero kapag wala ang mag-asawang Mercedez ay ang wastong paglalakad na para akong sasali sa isang beauty contest ang tinuturo niya sa akin, maging ang wastong pagkain sa hapagkainan ay tinuro niya. Tinuruan din ako ng Ingles. Marunong at nakakaintindi ako kahit highschool lang ang natapos ko ngunit hindi ako komportable na gamitin ito bilang lingwahe ko dahil hindi ko naman ito nakasanayan, pero ngayon ay kailangan ko ng masanay.
Mabilis lumipas ang panahon. Ito ang unang araw na uuwi ako sa magiging bago kong tahanan. Magiliw kaming sinalubong ng mga limang kasambahay. Umakyat kami sa aking magiging kwarto, ang kwarto ni Meghan. Labis akong namangha sa ganda ng bahay pero mas lalo akong namangha sa lawak at ganda ng kwarto ni Meghan. Para itong kwarto ng isang prinsesa na tanging sa TV ko lang napapanood.
Kulay pink, white at gold ang tema ng kanyang kwarto. Queensize ang kama at may sariling salas dito sa loob. Pwede ka ng hindi lumabas. Malaki pa ito sa bahay namin sa San Andres. Ang banyo ay limang beses ang laki sa aking kwarto noon, may bathtub ito at napakaraming pampaganda. Bukod sa pinto ng banyo ay may dalawa pang pinto dito sa kwarto kaya agad ko din itong tinungo.
Nanlaki ang mga mata ko sa damitan ni Meghan. Para akong nasa mall dahil sa dami ng mga damit dito. Color coding siya pero mas nangingibabaw ang pink na kulay ngunit sa totoo lang, ayoko ng pink. Nakapatas naman sa isang cabinet ang mga sapatos at sandals nito, mga bag, alahas, pabango at kung ano-ano pa.
Sa kabilang pinto naman ay ang study room niya. Maraming libro dito, computer table at kumpleto ang mga school supplies. Iba talaga pag anak mayaman, kahit hindi mo kailangan ay bibilhin mo mapuno lamang ng display ang bawat sulok ng iyong kwarto.
“Ma’am Meghan.” untag sa akin ng isa sa kasambaya na nakasuot ng ternong damit. “Pasensya na po, kanina ko pa po kasi kayo tinatawag pero hindi kayo sumasagot kaya pinasok ko na kayo dito.” aniya at bakas sa tinig nito ang takot sa akin.
“Okay lang. May kailangan ka ba?” magalang kong sagot na ikinagulat niya kaya naman hindi agad ito nakasagot.
“Ah… Kakainin na po kasi ng hapunan. Sasabay po ba kayo o iaakyat ko na lang dito?”
“Sasabay ako. Salamat… Ano po pala ang pangalan ninyo?” nakangiti kong tanong at bakas pa din dito ang pagkalito.
“Ako po si Sanya. Ang inyong personal na katulong.” pakilala nito.
Ang tanda na ni Meghan ngunit may sarili pa itong Yaya. Napailing nalang ako habang binabagtas namin ang hagdan pababa. Si Sanya ay kasing tanda lang ni Meghan at anak ito ng mayordoma sa bahay. Sa ugali ni Meghan, sa tingin ko ay malupit ito sa mga kasambahay kaya labis nalang ang takot ni Sanya sa tuwing titignan ko ito.
----
“Mommy, pwede po ba tayong mag-celebrate sa 2nd life ko? I want to invite all of our close families and friends.” basag ko sa katahimikan.
Ito ang unang pinapagawa sa akin ni Dok Albert. Sya na daw ang bahalang magbigay ng imbitasyon sa mga Escajeda.
“Sure, anak. Kailan mo ba gusto?” malambing nitong sagot at hinawakan ang mga kamay ko.
“Bukas po.” nahihiya kong sagot.
“Oo naman, anak. I’ll call Chichi to organize it.” Aniya at tumingin kay Mr. Mercedez, “Honey, cancel all your appointments tomorrow. This will be a big celebration for our daughter’s second life.”
---
“Ma’am Meghan, handa na po ba kayo?” tanong ni Sanya. Kinakabahan akong tumingin sa kanya suot ang napakasikip kong gown. Hindi ako sanay sa cleavage kong nakadungaw.
“Marami na bang bisita?” tanong ko.
“Opo, Ma’am. Kayo nalang po ang hinihintay sa baba.” sagot nito.
“Okay. Nandyan na ba ang mga Escajeda?” tanong ko ulit.
“Yes Ma’am.”
Huminga ako ng malalim bago bumaba sa hagdan. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Kailangan kong ngumiti sa kanila kahit ni isa sa kanila ay hindi ko naman mga kilala. Nagsimula na ang party, nag share ang mga magulang ko ng istorya tungkol sa nangyari kay Meghan. Naging emosyonal ang lahat nang dahil doon. Pagkatapos noon ay agad ko ng hinanap si Stefan.
“Hi Meghan. Mas lalo kang gumanda ngayon.” bati ng isang babae na sa tingin ko ay kaibigan ni Meghan. Nagpasalamat lang ako at muling hinanap si Stefan.
“Phina.” bulong ni Dok Albert, “Nasa pool area si Stefan.” aniya. Tumango ako at nagtungo na doon.
Walang tao sa pool area kundi si Stefan na tahimik na nakatingin sa pool habang umiinom ng champagne. Lumapit ako sa kanya, kabado.
“Hi Stefan.” malambing kong bati.
Nakangiti itong humarap sa akin at ng makita ako ay napawi din ang ngiti niya. Sumeryoso ang mukha nito at muli akong tinalikuran. Tumabi ako sa kanya at nanatiling nakangiti.
“Hello, Stefan.” ulit ko.
“What do you want?” Wala nitong ganang sagot.
“Wala naman, gusto ko lang-”
“Wala naman pala, then get out of my sight. I don’t have time for your bullsh*t, Meghan.”
Hindi ako nakakurap sa kagaspangan ng ugali ni Stefan. Napaka antipatiko naman pala ng lalaking ito, tapos ito ang gusto ipakasal sa akin ni Dok Albert?
Hindi ko yata kaya!
“Ano pang ginagawa mo dyan?” Dugtong nito at masamang nakatingin sa akin.
“Stefan, anak, nandito ka pala.” tawag ng babae na sa tingin ko ay ina ni Stefan.
Humarap sya sa kanyang ina, mabilis ko namang inangkla ang mga kamay ko sa braso ni Stefan ng magtama ang mga mata namin ni Dok. Albert na nakamasid mula sa malayo. Nakita ko ang gulat na reaksyon ni Stefan kaya pilit akong ngumiti dito tapos ay sa kanyang ina.
“Hello, Tita. Salamat po sa pagdalo ninyo sa thanksgiving party ko. I am glad to see you here, especially, Stefan.”
Ngumiti si Ginang Escadeja na halatang pilit ang ngiti nito ng tumingin sa anak niya.
“Well, I am glad seeing you two getting along… again.” Aniya. Napilitan pa yatang idugtong ang again.
So, ibig sabihin ang close sila ni Meghan at Stefan noon?
Mapanuyang bumaling sa akin si Stefan tapos ay sa kamay ko na nasa braso niya na para bang diring diri dito.
“Maiwan ko na muna kayong dalawa. Enjoy each other guys.” sabi ng ina ni Stefan saka umalis.
Ako naman ay ngumiti at kunwari ay sumangayon na mag eenjoy akong kasama si Stefan. Winagayway ko pa ang kamay ko at mahinhin na tumawa. Nang wala na sa aming paningin ang kanyang ina ay mabilis hinawi ni Stefan ang kamay niya sa akin sanhi ng pagkawala ng balanse ko. Ang taas pa naman nitong heels ko kaya hindi agad ako nakabawi kaya tumilapon ako sa malamig at malalim na swimming pool.
Lumubog ako sa tubig hanggang sa tumama ang paa ko sa sahig kaya malakas akong sumipa para umangat muli. Hindi ako marunong lumangoy pero sinusubukan ko ngayon dahil nauubusan ako ng hininga. Saglit umahon ang ulo ko pero kaunti lang ang hangin na nalanghap ko. Kitang kita ko si Stefan na nakatayo at pinapanood lang akong malunod.
“C’mon, Meghan. Stop playing dumb. You are a great swimmer since we were in grade school. Umahon kana dyan!” walang gana nitong sabi.
Muli akong umahon, “T-Tulong… Tu-” muli akong lumubog, mas kinabahan ako ng makita ko ang likod ni Stefan na papalayo.
Marami na akong naiinom na tubig. Ito na yata ang ikamamatay ko. Unti-unti ng naubos ang aking lakas hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.
Nagising akong may bumobomba sa dibdib ko at pagkatapos ay may mainit na labi ang dumampi sa akin. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Stefan, pumikit ako at muling nagmulat at ang tatay-tatayan ko na ang nakita ko na mala demonyong nakatingin sa akin.
“Huwag po. Parang awa nyo na! Huwag!” hagulgol kong iyak at nagpumiglas sa mga kamay niya.
Niyakap ko ang sarili ko at patuloy sa pagpiglas habang umiiyak sa takot.
“Meghan! What is wrong with you?!” untag sa akin ni Stefan.
Doon lang ako natauhan. Takot na takot akong tumingin sa paligid at nang hindi ko nakita ang aking tatay ay gumapang ako palapit kay Stefan para yumakap. Nanginginig ang buong katawan ko.
Bakit hanggang dito ay minumulto ako ng kasalanan ko? Ayoko ng ganito. Natatakot ako.
“What happen?” rinig ko ang boses ni Mrs. Mercedez, “Anong nagyari sayo Meghan, anak?”
Sinubukan kong tumayo pero wala pa akong lakas kaya naman bumagsak ang katawan ko kay Stefan. Inalalayan naman niya ako hawak ang aking braso. Niyakap ako ni Mrs. Mercedez at umiiyak na tumitig sa akin.
“I’m okay, Mommy. Nalaglag po ako sa pool at hindi ako marunong lumangoy.” paliwanag ko. Muli niya akong niyakap tapos ay tumingin kay Stefan.
“Salamat hijo sa pagligtas sa anak ko.”
Hindi sumagot si Stefan. Natural dahil kasalanan naman talaga niya ang nangyari. Hinubad niya ang kanyang itim na coat at ibinalot sa basa at nanlalamig kong katawan. Maglalakad na ako palapit kay mommy ng muli akong matapilok sa suot kong sandals.
“Can you walk, Hija?” Alalang tanong ni Mommy, “Huwag mong pilitin kung hindi mo kaya, tatawagin ko si Mang Ramon para ipabuhat ka.”
“Ako na po Tita Susan.” Alok ni Stefan na agad sinang-ayunan ng aking bagong ina.
Kinabig nito ang baywang ko tapos ay sa hita saka ako umangat. Umangkla naman ako sa kanyang batok para hindi ako malaglag. Para akong papel na binuhat ni Stefan, napakalakas niya at ramdam ko ang matitigas niyang bisig. Hindi ko mawari kung ano itong nararamdaman ko pero bumibilis ang t***k ng puso ko habang nakatitig ako sa gwapong mukha ni Stefan. Ang kinis ng mukha nito at ang puti. Napaka tangos ng ilong.
Dumako ang mga mata ko sa labi niya na kanina ay nasa aking labi, bigla nalang nag-init ang mukha ko kaya umiwas na ako ng tingin.
“Dito tayo sa likod dumaan, hijo. Para na din hindi agaw atensyon sa mga bisita.” sabi ni Mrs. Mercedez.
Walang imik na sumunod si Stefan sa sinabi ni Mrs. Mercedez. Tinuro ni Mrs. Mercedez ang guest room malapit sa kusina para hindi na kami makita ng ibang bisita.
“Mrs. Mercedez, Can I talk to you about important matters?” Bigla nalang lumabas sa kung saan si Dok Albert at hinarang si Mrs. Mercedez.
“Pwede bang mamaya nalang, Dr. Albert?” sagot niya.
Makahulugang tumingin sa akin si Dok Albert kaya naalarma ako.
“Sige na mommy. Kausapin mo na sya. Okay lang ako.” sabi ko.
Tumango nalang si Mrs. Mercedez at sumama kay Dok Albert. Pinasok naman ako ni Stefan sa guest room at parang papel na inihagis sa kama.
Hayop!
Masama akong tumingin sa kanya.
“Bakit mo ako hinagis?!” galit kong tanong.
Niluwagan nito ang kanyang necktie at mapanuyang ngumisi sa akin.
“Okay ka na diba?”
“Oo. Pero dapat mo ba akong ihagis?”
“Why not? Ano ka chiks?” mapang-asar nitong sagot at nagtungo sa banyo para kumuha ng tuwalya.
Isa-isa niyang kinakalas ang botones ng polo niya hanggang hubad niyang likod na lang ang natatanaw ko mula sa paanan ng kama. Nagtago ako sa ilalim ng kumot at niyakap ang unan habang pinapanood siyang magpunas ng basang katawan.
“Anong ginagawa mo?! Sisigaw ako!” Kinakabahan kong sabi.
Humarap ito sa akin at mapanuyang tumawa. Tumingin ako sa mala-pandesal niyang abs paakyat sa kanyang makisig na dibdib. Lumapit ito sa akin at gumapang sa paanan ng kama palapit sa akin.
“Huwag kang lalapit! Sisipain talaga kita!” banta ko sa kanya. Muli itong ngumisi.
“Your voice sounds different.” sabi niya, mas inilapit pa ang kanyang mukha sa akin habang tinititigan ang aking mukha na parang sinusuring mabuti.
Mas bumilis ang t***k ng puso ko lalo na ng dumako ang mata ko sa mapupula niyang labi. Diyos ko! Mag hunus-dili ka Seraphina!
Ilayo nyo po ako sa tukso, mahabaging diyos!
Malakas na tumawa si Stefan at saka nilisan ang kama. Binato nito sa mukha ko ang tuwalyang hawak saka muling isinuot ang polo niyang bagong piga sa banyo.
“Nalimot mo din pala ang kagaspangan ng ugali mo? I thought it’s just your memories.” pang-uuyam nito saka tuluyang lumabas ng kwarto.