Nalalapit na ang pasukan. Kasama kong namili ng mga gamit si Sanya. Iyong mga pinapangarap kong mga gamit noon ay abot kamay ko na. Masaya akong umuwi sa bahay. Inarrage ko ang mga ito sa napili kong bag mula sa walkin closet.
“Meghan, Hija?” Tawag ni Mrs. Mercedez sa akin. Agad akong tumakbo palabas ng study room.
“I bought you a new bag. New collection ng LV.” Inabot niya sa akin ang malaking paperbag na kulay orange.
“Napakarami ko na pong bag sa closet, Mommy. Hindi na sana kayo bumili pa.” sabi ko habang nilalabas ang bag na naka kahon pa.
“It’s okay. I know how you love to collect bags kaya iyang limited edition ang kinuha ko. Did you like it? ”
"Of course, I love it." Masaya kong tugon saka ngumiti.
Maganda ang bag. Cute na backpack, mukhang kaunti lang ang mailalaman ko dito. Ngumiti ulit ako kay Mrs. Mercedez ay niyakap ito bilang pasasalamat.
Sobrang bait sa akin ng magulang ni Meghan, nasasaktan ako kapag sobra sobra ang natatanggap kong pagmamahal mula sa kanila. Pakiramdam ko hindi ko ito deserve dahil inagaw ko lamang ang katauhang ito.
Kaya naman pinapangako ko sa sarili ko at sa totoong Meghan Elvira Mercedez na mamahalin ko ng buong puso ang kanyang mga magulang. Gagawin ko ang lahat para protektahan sila at sinisiguro ko na susuklian ko ang pagmamahal nila sa akin.
---
Ito ang literal na unang araw ko sa kolehiyo. Kinakabahan pero excited din naman. Marami kayang kaibigan si Meghan dito?
Namiss ko tuloy ang mga kaibigan ko sa San Andres. Sigurado akong iniiyakan na ako ni bakla at ni poknat.
“Meghaaan!”
Tawag ng tatlong babae, noong una ay hindi ko pinansin dahil hindi pa ako sanay na tawaging Meghan. Hinabol nila ako at inakbayan.
“Wow! You look much prettier now than before.” puna ng babaeng maikli ang buhok. Ang cute niya.
“Is that the new LV bag collection?” tanong ng babaeng kulot ang buhok at ang ganda niya. Maikli nga lang masyado ang palda nito.
“Ang ganda!” sabi ng nasa kaliwa kong kulay brown ang buhok.
“Bili ni mommy.” Nahihiya kong sagot. Hindi ko sila kilala pero sigurado akong kaibigan sila ni Meghan.
“I'll buy that collection too, iyong mas mahal dyan.” Sabi ni Shandra, ang babaeng kulot ang buhok. Nakita ko ang pangalan niya sa pin na nakakabit sa kanyang uniform.
“Talaga?” manghang reaksyon naman ni Flora.
“Ikaw na girl!.” segunda naman ni Mia.
Patuloy ang mga ito sa pakikipagkwentuhan, tumatawa lang ako kahit hindi ako maka relate. Binabagtas namin ang patungo sa building ng aming silid aralan. Nakita ko ang pamilyar na motor ni Stefan na dumaan sa gilid namin kaya naman nagpaalam muna ako sa mga kasama ko.
“Wait lang ha?” sabi ko at tumakbo kung saan nag park si Stefan.
“Hi Stefan. Good Morning!” Bati ko nang tanggalin niya ang kanyang helmet.
Inayos nito ang magulong buhok bago sumulyap sa akin. Shet! Ang gwapo! Ngumiti ako sa kanya.
“Can you please do my eyes a favor? Ang sakit mo sa mata!” Irita nitong sabi saka ipinatong ang helmet sa motor.
Ang aga-aga, napaka antipatiko na. Siya na nga itong binati ng magandang umaga. Kung pwede ko lang huwag gawin ang iniuutos ni Dok Albert ay hindi ko talaga gagawin! Never!
Pero kailangan eh! Kaunting tyaga pa Seraphina.
“Masyado ba akong maganda para pagsaktan ka ng mata?”
Mapang-uyam itong tumawa, “Leave.” nag head gesture ito at sumeryoso ang mukha, “Habang hindi mo pa nasisira ang araw ko at huwag na huwag mo na akong lalapitan!”
Natigilan ako sa sinabi niya. Sobrang seryoso nito dahilan para makaramdam ako ng takot. Umatras ako at unti-unting tumalikod. Naglakad na ako pabalik sa mga kasamahan ko kanina.
“Why are you talking to him?” curious na tanong ni Mia.
“Oo nga. Magagalit ang boyfriend mo kapag nalaman nyang lumalapit ka kay Stefan.” Segunda ni Shandra.
Wait! May boyfriend ako?!
“May boyfriend ako?” Sabi ko at hindi makapaniwala.
Tumango naman sila at nagkatinginan dahil sa kakaiba kong reaksyon.
“Oo nga pala, may amnesia ka.” malungkot na sabi ni Flora saka ito kumapit sa braso ko.
----
Nasa loob na sila ng kanilang classroom. Magulo at maingay sa loob. May kani kanilang umpukan sila gaya ko. Busy sina Mia at Shandra sa pag memake-up ng pumasok si Stefan sa classroom.
Kaklase ko din pala sya?
“Hi Stefan!” bati ko at dahil doon ay natigilan ang iba naming kaklase.
May nagsabi ng ‘whoa’ dahil hindi makapaniwalang binati ko si Stefan at nakangiti ako sa kanya ngayon. Maging ang mga kaibigan ko ay ganun din ang naging reaksyon.
Mortal enemy ba si Meghan at Stefan?
Lumampas lang sa kinauupan ko si Stefan at naupo sa dulong hanay ng mga upuan. Sunod naman na pumasok ang isang matangkad na lalaki. Mukha itong chickboy na sakit sa ulo ng eskwelahan.
“Hi Babe.” Bati nito. Lumingon ako sa likod ko pero walang tao kaya naman itinuro ko ang sarili ko. “Yes. No other than my beautiful, sexy princess.” aniya at lumapit sa akin.
Nakit ko ang nametag niyang nakapin sa uniporme, Rufus Astor. Ang boyfriend ni Meghan. Hilaw akong ngumiti sa kanya. Lumapit ito sa akin ng tuluyan at akma akong hahalikan kaya mabilis ko siyang nasampal.
Ikinagulat ito ng lahat. Ito rin ang nagpatahimik sa buong klase. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha ni Rufus. Gigil itong humarap sa akin at ramdam ko na pinipigilan niya ang galit dahil sa ginawa ko.
“I-I’m sorry. H-Hindi kita kilala.” naiiyak kong sabi.
“She have an amnesia, Rufus.” paalala ni Mia.
“But you shouldn’t slap him, Meghan.” irap ni Shandra sa akin.
“Fine. I’m Rufus Astor, your 3 years boyfriend, Meghan.” sabi niya saka muling inilapit ang mukha sa akin, “Can I have my kiss now?”
Mariin akong umiling. Gwapo si Rufu pero hindi ko kayang sikmurain ang makipaghalikan sa kung sino nalang. Oo, boyfriend siya ni Meghan pero hindi ako si Meghan. Hindi ko kaya!
Pasensya na Meghan.
“Okay. Maybe later. Nabigla yata kita.” sabi nito at naupo sa katabi kong arm chair. “And I’m sorry if I didn’t went to your party last week. Nasa America pa kasi ako noon.” dugtong pa nito.
“It’s okay.” tipid kong sagot.
“Namiss mo ba ang gwapo kong mukha?” tanong nito at saka nilapit ang bibig sa tenga ko, “O mas namiss mo ang katawan ko? Because I miss yours.” bulong niya.
Literal na nagtayuan ang mga balahibo ko at hindi makapaniwala na tumingin sa kanya. Kung pwede ko lang ulit siyang sampalin ay nagawa ko na. Mas antipatiko pa ang isang ito kay Stefan. Nakakainit ng ulo.
“Can you please do my eyes a favor? Ang sakit mo sa mata!” Bulyaw ko sa kanya.
Oo. Ginaya ko ang linya ni Stefan kanina. Ang lakas maka insulto ng linyang ito kaya hindi ako papayag na hindi ko masabi ito kay Rufus.
Nagtawanan ang buong klase. Pinagtatawanan nila si Rufus at dahil pikon siya ay binato niya ang hawak na libro ng lalaking naka salamin na dumaan lang naman sa amin sa kaklase naming tumatawa.
Lumingon ako at nakita ko naman si Stefan na nakangisi habang pinagmamasdan ako. Umiwas din ito agad ng tingin at kinausap ang katabi niya.
---
Lunchbreak.
Kasama ko ang tatlo kong kaibigan patungo sa canteen at syempre ang boyfriend ko daw. Gusto akong akbayan kanina pero hindi ako pumayag.
Bitbit ang tray namin laman ang mga pagkain ay naghanap kami ng mauupuan. Agad kong nakita si Stefan at ang katabi niya kanina sa classroom. Nauna na akong maglakad sa mga kasamahan ko at naupo sa tabi ni Stefan.
Hindi naman makapaniwalang sinulyap ako ng kaibigan ni Stefan na nasa kabilang side ng table. Muntik pa itong mabilaukan.
“Hi, Stefan.” Bati ko.
Pabagsak na nilapag ni Stefan ang kutsara at tinidor niya saka masamang tumingin sa akin.
“Do you want a problem?!”
“Makikiupo lang ako.” sagot ko.
Hinampas ni Stefan ang mesa at saka tumayo para umalis pero hinarangan siya ni Rufus.
“Pinagdadabugan mo ba ang girlfriend ko?!” mayabang nitong tanong at sinadyang tapunan ng juice ang uniform ni Stefan.
“What the f*ck?!” bulyaw ni Stefan at malakas na tinulak si Rufus.
Gumanti naman si Rufus at tinulak din si Stefan. Magkakapit na sila at parehong nagaamba ng suntok sa isa’t-isa.
“Look what you’ve done. Bakit kasi panay ang lapit mo dyan kay Stefan? May I remind you that you hate him to death.” sabi ni Shandra at umirap pa sa akin.
“Rufus tama na.” awat ko sa kanila. “Wala namang ginagawa sayo si Stefan. Bitawan mo na sya!”
Pumaling sa akin si Rufus at masama itong tumingin.
“Why are you siding with this assh0le?!” Asik ni Rufus at malakas na tinulak si Stefan saka ako hinarap.
Nanlilisik ang mga mata nito sa akin kaya napaatras ako ng lapitan niya ako. Hinila niya ang braso ko at mariin itong hinawakan.
“Masakit, Rufus!”
“Bakit mo kinakampihan si Stefan ngayon? Naikama kana ba niya? Huh! Hindi porket wala kang maalala ay mapapalampas ko na ang mga ginagawa mo!” Singhal niya sa akin. Namumula ang mga mata nito sa galit at mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa braso ko.
“Nasasaktan ako. Ano ba!” iyak ko.
May tumalsik na mga kanin at ulam sa gilid ni Rufus at dahil ito kay Stefan. Tinulak ako ni Rufus sanhi ng pagkakaupo ko sa sahig.
“That’s for ruining my lunch and for this.” sabi ni Stefan at pinagpagan ang basang polo saka naglakad palayo.
Tinulungan naman akong itayo ni Mia at Flora habang si Shandra ay si Rufus ang tinulungan.
---
Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Kailangan magkaroon ng progreso ang misyon ko. Kahit 5% man lamang. Nakatayo ako sa kung saan madalas mag park ng motor si Stefan. Ilang minuto akong naghintay ng dumating siya. Nakangiti akong sumalubong sa kanya.
Hindi niya ako pinapansin. Para akong hangin na hindi niya nakikita kahit todo na ang ngiti ko at pag he-hello sa kanya. Sinabayan ko siya sa paglalakad sa pasilyo. Hanggang makarating kami sa classroom ay hindi ako nito tinapunan ng pansin.
Dumaretso ito sa upuan niya at ako naman ay sa akin. Lima palang ang laman ng classroom.
“Stefan.” tawag sa kanya ni William, kaibigan ni Stefan at seatmate. Tumingin muna ito sa akin bago kay Stefan.
Inilapag ko ang bag ko saka ko lang naalala itong bitbit kong sandwich at yogurt milk na binili ko para kay Stefan. Lumapit ako sa desk niya at inilapag ito sa kanyang desk. Natigilan tuloy si William sa pagkukwento.
Si William lang ang nakatingin sa akin habang si Stefan ay sa mesa niya.
“Late na pero, salamat sa pagligtas sa akin sa pool ng malunod ako at sorry kahapon.”
Ngumisi si William at hindi makapaniwala sa narinig, “Nalunod ka? Pati ba skills nakakalimutan kapag may amnesia?” pang-uuyam nito.
“I told you.” sabi naman ni Stefan kay William saka sila tumawa.
“So… What are you up to, Meghan?” tanong ni William.
“I am apologizing and-”
“No. I mean why all of a sudden you are hitting Stefan?” Duda niyang sabi.
Natameme naman ako.
“I… I just want us to be friends.” nauutal kong sagot.
“You know that’s impossible.” si Stefan na ang sumagot.
“Bakit naman imposible? Wala naman sigurong masamang makipagkaibigan sayo. Pati na din sayo William.” sabi ko. Dinamay ko na si William dahil baka maging tulay siya.
Ngumisi lang ang dalawa sa akin, “Sabihin mo nalang ulit yan sa akin kapag bumalik na ang alaala mo.” sabi ni William.
“I doubt that.” sabi ni Stefan.
“Paano kung hindi na bumalik ang memory ko, do we have a chance?” determinado kong sabi.
Masamang tumingin sa akin si Stefan, “Can you stop this nonsense?!” saway niya sa akin at saka nag walk out. Sumunod naman si William dito.
Iniwan niya yung alay kong sandwich at yogurt milk.
Pwes! Hindi ako magpapatalo sayo Stefan!
Inilagay ko ang mga ito sa bag niya saka umupo sa aking upuan na may ngiting tagumpay.
---
Araw araw kong sinusubukan na mapalapit kay Stefan dahil iyon ang aking misyon. Kahit mag mukha na akong tanga ay sige pa din ako. Madalas itong pagsimulan ng away namin ni Rufus at ng mga itinuturing kong mga kaibigan pero si Rufus ang kinakampihan nila sa huli. Hindi ko nga alam kung paanong naging kaibigan sila ni Meghan. Hindi ba ang magkakaibigan ang nagkakampihan?
Dumadating din ang times na gusto ko ng sukuan si Stefan dahil sa mga nakakainsulto nitong sinasabi sa akin. Kung paano niya ako tratuhin ay parang may malalim siyang galit sa akin. Minsan nga nagiging asungot nalang ako sa buhay niya.
“OMG! Ang lakas ng ulan.” maktol ni Mia.
Sabay sabay namin na kinuha ang payong namin sa aming bag habang naglalakad kami sa pasilyo. Biglang umakbay sa akin si Rufus at kasunod nito ang mga galamay niya. Kaklase namin ang dalawa sa galamay niya at ang dalawa pa ay mula sa ibang department.
“Pasukob, Babe. Ihahatid na din kita.” sabi nito.
Mabilis pa sa mabilis ang pagtanggal ko sa mabigat niyang kamay sa aking balikat at inis itong binalingan.
“Hindi ako sasabay sayo, Rufus. Kung gusto mo ay kay Shandra ka nalang makisukob.” sabi ko at hinila si Shandra, mapang-akit pa itong ngumiti kay Rufus habang siya ay masama akong tiningnan.
“Seriously? I’m your boyfriend. Bakit ba paulit ulit mo akong pinagtatabuyan?!”
“D-Dahil… Dahil ayoko na sayo!” lakas loob kong sagot.
“What?!” sabay na sabi ng tatlo kong kaibigan.
“Nice one, Meghan.” Sabat ng isa sa kaklase namin na si Avery bago niya kami lampasan saka nilagay sa ulo niya ang hood ng kanyang jacket at tumakbo sa kalakasan ng ulan.
“You’re kidding, right?” seryosong sabi ni Rufus.
“Mukha ba akong nagbibiro?”
“Tangin@ naman, Meg!” Bulyaw nito sa akin. Natakot ako at napaatras.
Tumitiklop lagi ako kapag sinisigawan ako. Napakalaking duwag ko talaga. Ikaw ba naman ang lumaki ng araw-araw na sinisigawan at minumura ng magulang mo.
Yumuko ako at pinipigilan na umiyak at pilit binabalewala ang mga pinagsasabi ni Rufus.
“Hindi tayo maghihiwalay hanggat hindi bumabalik ang alaala mo, Meghan. Tandaan mo yan!” pinal niyang sabi saka ito naglakad palayo. Sinundan naman siya ni Shandra para payungan.
“Are you serious, Meg? Why are you breaking up with him? I thought you were madly in love with him and you wanted to marry him?” sabi ni Mia.
“Oo nga, Meg. Don’t make any decision that you might regret after. Wala ka lang maalaala kaya mo inayawan si Rufus.” pangungonsensya ni Flora.
Sana man lang tinanong nila kung okay ba ako? Bakit palaging si Rufus ang mas inaalala nila?
Ano ba kasing nagustuhan mo sa Rufus na iyon Meghan? Saksakan naman ng sama ng ugali, mayabang at manyakis! Gwapo lang sya Meghan! Sarap mong kurutin sa singit!
Sabagay, the same feather flocks together.
Iniwan na ako ni Mia at Flora saka humabol kay Shandra. Nasa harapan na ako ng building namin at pinagmamasdan ang malakas na ulan.
Bakit ngayon pa umulan? Kung kailan hindi ako nagpasundo kay Manong Jun dahil gusto ko sanang mamasyal mag-isa sa mall. Iyong ordinaryong estudyante na malayang nakakaalis kasama ang mga kaibigan na walang bumubuntot.
Humugot ako ng malalim na hininga at yumuko.
May malakas na umubo sa gilid ko. Nilingon ko ito… Si Giana. Kaklase ko din ito. Maputla siya at nanginginig kaya mabilis akong lumapit sa kanya.
“Okay ka lang ba?” alala kong tanong at akmang hihipuin ang noo pero umiwas ito na tila ba takot sa akin, “Don’t worry, hindi kita kakagatin.” biro ko saka lang ito pumayag na hipuin ko ang noo niya.
“Ang taas ng lagnat mo, Gianna. Gusto mo bang samahan kita sa clinic?”
Umubo muna ito bago nagsalita, “I’m okay. Magpapatila lang ako ng ulan.” paos niyang sagot.
Naalala ko na may mga gamot ako sa bag. Binigay sa akin ni Mommy ang medicine kit last week noong umuwi akong masakit ang ulo. Kinuha ko ito sa aking bag at inabot sa kanya.
“Inumin mo itong gamot.” Inabot ko sa kanya ang gamot at ang mineral water ko.
Tinitigan niya lang ang mga ito saka seryosong tumingin sa mukha ko.
“Bakit mo ako tinutulungan? Nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sa akin noon? I’m a fat loser and no one wants to be my friend.” naiiyak niyang sabi saka muling umubo.
“Sinabi ko yon?” hindi ko makapaniwalang tanong. "Fat loser? Hindi ka naman mataba ah?"
Maldita ka talaga Meghan!
Tumango siya ng dahan-dahan. “Kaya nga hanggang ngayon ay wala akong kaibigan ng dahil sayo.” Bakas sa boses nito ang pagkairita.
“I’m really sorry, Gianna. Hindi ko dapat ginawa yon sayo. Don’t worry, I will make things right this time… At hayaan mo akong mag-umpisa sa pamamagitan nito.” Sabi ko at hinila ang kamay niya para ilagay sa palad niya ang gamot sunod ay ang tubig. “Sige na, inumin mo na yan, please?”
Matagal itong tumitig sa akin na para bang binabasa ang mukha ko kung seryoso at totoo ang mga pinagsasabi ko. Pagkalaon ay ininom na din niya. Umubo pa ito pagkatapos, kaya hinagod ko ang likod niya tapos ay hinubad ko ang suot kong cardigan saka binalot sa kanya.
Nagulat ulit siya sa ginawa ko.
“S-Salamat.” nahihiya niyang sabi.
“Simula ngayon, magkaibigan na tayo ha? Bawal tumanggi kung ayaw mong tubuan ng pigsa sa ilong.” biro ko sa kanya. Pareho kaming natawa sa korny kong joke.
“I can’t believe I am talking to Meghan Elvira Mercedez.”
Marahan ko itong siniko at tumawa, “Ano ka ba. Ako lang ito. Alam mo bang cute na cute ako sayo?” Pag amin ko. Noong unang pasukan ay nacu-cutan na talaga ako kay Gianna, pero ilag siya sa akin kaya hindi ko din siya nakakausap. Ngayon ay alam ko na kung bakit.
Inabot ko ang payong ko kay Gianna, “Dalhin mo na ito para makauwi ka na. Kailangan mong makapag pahinga.” alok ko. Mariin naman na umiling si Gianna kaya pilit ko itong nilagay sa kanyang kamay, “Sige na. Ako nalang ang magpapatila.”
“Sigurado ka?”
“Oo naman. Sige na. Baka abutin ka pa ng gabi.”
Ngumiti siya sa akin at tumango, “Thank you, Meghan.” Aniya saka umalis gamit ang aking payong. Pinanood ko siyang naglalakad at ng lumingon muli siya ay kumaway pa ako sa kanya.
Masaya akong nakatulong sa mga ginawan ng masama ni Meghan noon.
I will make things right.
“Hoy ulan! Chill ka lang. Huwag kang kukulog at kikidlat, sisikmuraan talaga kita!” maktol ko na parang tanga habang dinuduro ang langit.
Inilahad ko ang kamay ko sa patak ng ulan. Okay lang naman sa akin na maghintay na tumila ang ulan, huwag lang talagang kukulog at kikidlat. Ibang usapan na yon. Bata palang ako may phobia na ako sa kulog at kidlat. Hindi ko maalala kung bakit, basta napapaihi ako sa takot noon lalo na kung mag-isa lang ako at madilim.
“Bakit nandito ka pa?”
Boses iyon ni William. Hindi ko siya nilingon, hindi ko din sinagot. Rest day ko muna sa paghahabol kay Stefan dahil kailangan kong asikasuhin ang birthday bukas ni Jayjay.
“Suplada.” tawa nitong sabi, “Stefan, kanina ka pa ba dito? Hinihintay mo ako?”
Agad akong lumingon sa likuran ko, nakatayo si Stefan sa gilid ng sliding door. Namilog pa ang mga mata ko dahil sa malagkit nitong tingin sa akin.
“Kanina ka pa dyan?” kinakabahan kong tanong kay Stefan. Tumingin naman sa akin si William tapos ay kay Stefan.
“Oo. Mukha ka ngang tanga kanina eh.” panunuya nito. Si William lang talaga yung tumawa. Bwiset!
Inirapan ko lang sila at muling tinuon ang aking atensyon sa ulan.
Bahala kayo dyan! Basta day off ko simula ngayon.
“Let’s go? Kotse dala mo diba?” tanong ni William.
Hindi na umimik si Stefan. Sinugod na nila ang malakas na ulan patungo sa parking area na katapat lang naman ng building.
Mahigit isang oras na akong naghihintay na tumila ang ulan ngunit ang humina man lang ito ay hindi nangyari kaya sumugod na din ako sa ulanan. Tumakbo ako hanggang sa labas ng gate para pumara ng taxi pero wala akong makita. Wala ding jeep na dumadaan dito o traysikel dahil exclusive ang lugar na ito. Kung hindi ko naman lalakarin ang patungo sa kanto ay hindi ako makakauwi.
Basang basa ako sa ulan habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Ang tagal ko na ding hindi nakakaligo sa ulan. Medyo maginaw nga lang ngayon at yakap ko ang bag ko dahil baka mabasa ang gamit ko sa loob.
May dumaang itim na kotse at kamalasan ay sumaboy sa akin ang tubig na dinaanan ng pesteng kotse na iyon. Masama ko iyong sinundan ng tingin habang tumutulo sa mukha ko ang tubig kanal.
“Gag0!” sigaw ko saka pinunasan ang nasilam kong mata.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng may tumigil na sasakyan sa gilid ko. Iyon yung sasakyan na dumaan kanina. Nagbaba ito ng salamin at tumambad sa akin ang mapang-asar na ngisi ni Stefan.
“Anong mas masarap, tubig ulan o tubig kanal?” Mapang-uyam nitong tanong.
Naningkit ang mga mata kong tumingin sa kanya. Ang sarap sakalin!
“Hindi ko ba nasabi sayo na ang gag0 mo, since birth ba yan?” irita ko namang bawi sa mapang-asar niyang tawa ngunit mas lalo itong tumawa.
“Actually, you always do.”
“Ewan ko sayo! Wala akong oras sa gag0ng katulad mo.” irap ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. Pinatakbo naman niya ang kotse niya at sinusubukan na sabayan ang paglalakad ko.
“Really? I thought you always have time to annoy me. Narealize mo na bang hindi mo ako kayang bilugin?” Natatawa nitong sabi.
“Bilugin mo ang kulangot mo! Tigilan mo ako kung aasarin mo lang ako!,” Sagot ko na parang batang pikon, Malakas itong tumawa. Sumilip ako sa loob ng kotse niya at mag-isa lang ito, “Himala at hindi mo kasama ang dakila mong alalay?”
“Hindi mo din kasama ang tatlo mong-”
Tinakpan ko ang tenga ko, “Wala akong naririnig. Umalis kana dahil hindi ka- Ahhh!!!”
Lumusot ang isa kong paa sa drainage na walang takip. Sumalampak ang pwet ko sa basang semento habang mahigpit ko pa ding yakap ang bag ko. Pumikit ako at huminga ng malalim.
Ang sakit! Mas nasaktan ang pwet ko kaysa sa paa ko.
“Are you okay?” Tanong ni Stefan at ngayon ay nasa harapan ko na.
Minulat ko ang mga mata ko at masamang tumunghay sa kanya, “Mukha bang okay ang mukhang to?!” sigaw ko sa kanya. Tumawa ito at saka ako tinulungan na tumayo.
“Sabi ko nga. Masakit ba?”
“Sobra.” naiiyak kong sabi sapo ang aking pwetan.
“Good to know.” tawa niyang sabi. Masama akong tumingin sa kanya at hinampas dito ang aking bag.
“Alam mo, kasalanan mo ito eh! Umalis kana nga! Bwiset ka! Gag0!”
Iika-ika akong naglakad palayo sa kanya pero pinigilan niya ako at hinila pabalik ng kanyang kotse. Kung makahila parang kadena lang ng aso ang hawak. Binuksan niya ang pinto saka niya tinuro ang kamay niya sa loob.
“Ihahatid na kita. Mamaya nyan ay may mangyari pa sayo tapos makikita nila sa CCTV na ako ang huli mong kasama.” sabi nito at tinulak ako papasok ng kanyang kotse, sumubsob tuloy ang mukha ko sa upuan ng passenger seat.
Mabilis itong sumakay sa driver seat ng maisara niya ang pinto ng kanyang kotse. Mabuti na lang nasa likod niya ako dahil malaya kong nasabunutan ang kanyang buhok.
Gago ka Stefan! Anong palagay mo sa akin bag na basta na lang inihagis sa loob ng sasakyan.
“Aray! Ano bang ginagawa mo!” reklamo nito.
“Sinasabunutan ka, hindi ba obvious ha? Salamat sa pagmamagandang loob ha?” sagot ko.
Hinawakan niya ang kamay ko para tigilan ko siya. Ang lambot at init ng kamay niya. Tila ba may kuryenteng dumaloy mula sa kanya at dumaloy ito sa buong sistema ko.
Tangin@! Ano yon?
Saka ko lang siya binitawan.
“Don’t you dare touch my hair again!” banta nito.
“Hindi na talaga. Ang baho ng buhok mo!” asar ko sa kanya kahit hindi naman.
“What?!” asik nito sabay kinuskos ang ulo gamit ang palad saka inamoy, “Sira ba yang pang-amoy mo o yang utak mo?”
Hindi na ako sumagot at nag tulog-tulugan yakap ang aking bag. Nakakapagod makipag-bangayan sa lokong ito, hindi nagpapatalo. Kailangan ko pang planuhin ang birthday ni Jayjay bukas. Namomroblema pa nga ako sa mga decoration na dapat ay bibilhin ko ngayon sa mall pero mukhang malabo na dahil sa ulan na ito.
Bahala na bukas!
“You’re impossible!” Bulyaw nito ng siguro ay nakita akong tulog na.