CHAPTER 4 - Horror Ride

3510 Words
Dahil kunwari lang naman akong tulog ay aware pa din ako sa kaganapan sa paligid. Alam ko din na nandito na kami sa labas ng bahay pero nanatili ako sa pagtutulog-tulugan. Ramdam kong bumukas ang pinto sa gilid ko. Hindi ito nagsasalita o kumikibo. Nainip ako kaya pasimple kong sinilip si Stefan na seryosong nakatitig sa akin. Biglang nag init ang mukha ko tapos ay bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Parang may karera sa loob.  Kalma Seraphina! Bigla kong minulat ang mga mata ko. Nagulat din naman siya kaya mabilis itong umatras. “Ang… Ang ganda ko no?” tangi kong nasabi saka lumabas ng kotse.  Buti naman at tila na ang ulan. “Baliw ka ba?” sabi nito at may epekto pa din sa pagkakagulat kanina. “Minsan. Thanks for the ride, Stefan.” Sabi ko at tinapik ang balikat niya, “Okay lang yan, hindi lang naman ikaw ang nagagandahan sa akin. Huwag mo sana akong mapanaginipan mamayang gabi dahil baka maihi ka sa kilig.”  Hinawi niya ang kamay ko at umaktong kinilabutan. “Bangungot ang tawag don! Baliw!” aniya saka nagmamadaling pumasok sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito ng mabilis. Natawa nalang ako sa sarili kong kalokohan. Biruin mo iyon, nataranta si Stefan.  Pagkatapos ng birthday ni Jayjay ay balik asungot na naman ako nito. Asungot na baliw na baliw kuno kay Stefan. Bumuntong hininga ako saka pumasok sa gate ng aming bahay. Alalang sinalubong ako ni Sanya bitbit ang puting roba. Binalot niya ito sa katawan ko. “Ma’am Meghan, dapat tumawag po kayo para magpasundo. Baka magkasakit po kayo nito.” “Okay lang ako. Hindi naman ako sakitin. Salamat.” Inagaw niya ang bitbit kong bag, “Ihahanda ko ang hot bath nyo ma’am.” sabi nito saka tarantang tumakbo paakyat ng aking kwarto. Sumunod naman ako. Pumasok agad ako ng closet para hubarin ang uniform ko saka nagtungo sa banyo, naabutan ko si Sanya na nilalagyan ng bubble soap ang bathtub. “Sanya, Pwedeng humingi ng pabor?” tanong ko at naubo sa gilid ng bath tub habang pinapanood siya. “Oo naman po, ano po ba yon?” “May ibibigay ako sayong address mamaya, pwede nyo bang iset up ang basketball court ng San Andres? Doraemon theme sana at pambatang birthday.” Kumunot ang noo nito ng sumulyap sa akin, “Sino po ang may birthday?” “Gusto kong mag feeding program doon bukas.” “Kailangan po ba na kayo mismo ang pumunta? May mga charity institutions naman po na tinutulungan ang pamilya ninyo, Ma’am Meghan. Baka mapagod lang kayo doon, isa pa ay mainit po doon at mabaho.” “Hindi naman mabaho. Grabe ka naman.” sabi ko, “Okay lang sa akin. Sige na please?”  “Sige po, ano po bang oras?” “Alas tres ng hapon ang tapos ng klase ko. Iiwan ko ang credit card ko sa study table bukas, mamili ka ng mga kailangan gamitin pati na din sa mga pagkain. Basta doraemon theme ha? Gusto ko ng fried chicken at spaghetti kaya wag kang magpapa wala noon bukas.” Excited kong sabi. Sa katunayan si Jayjay ang may paborito ng fried chicken at spaghetti. "S-Sige po Ma’am.” duda nitong sagot at hilaw na ngumiti. Hindi yata makapaniwala sa mga pinagsasabi ko, “Pwede na po kayong maligo. Okay na po itong tubig.” Patuloy nito saka nilisan ang aking banyo. Hinubad ko ang aking roba at nilublob ang katawan sa bathtub. Tama lang ang init nito at sobrang nakaka relax. Kulang nalang sa akin ay wine, para na akong nasa mga teleserye na napapanood ko sa TV. --- Bumaba ako ng kotse ng makarating kami sa university, sakto naman na tumunog ang cellphone ko na bigay sa akin ni Dok Albert dahil iyong kay Meghan ay may password kaya itinago ko nalang ito sa damitan.  “Dok Albert.” sambit ko. Kinakabahan dahil alam kong manghihingi ito ng update. Dok Albert: Kamusta ang buhay bilang Meghan? Are you enjoying it? “Okay naman po ako, Dok. Tungkol sa pinapagawa nyo, ang hirap po talagang akitin si Stefan pero hindi po ako susuko.” sagot ko. Dok Albert: Good. Tumatakbo ang oras kaya bilisan mo, Phina. I’m counting on you. “Opo. Makakaasa kayo.” sagot ko at ibinaba ito. --- Maagang natapos ang klase ko kaya nagmadali akong nagpunta sa San Andres. Pagdating ko doon ay maayos ng nakaset up ang gym. Gaya ng habilin ko, doraemon ang theme at may bonus pang doraemon na mascot. Magiliw akong tinanggap ng kapitan ng barangay. Nagsimula ang party, kami ni Sanya ang Emcee hanggang sa dumating na si Jayjay at ang dalawa kong kaibigan na sobrang miss ko na. Sobrang saya ko ng makita ko ulit sila kaya nawala na sa isip ko na ako si Meghan kundi si Seraphina. Naiilang akong kumalas sa pagkakayakap sa kanila at hilaw na ngumiti. “Hello, Miss Ganda.” sabi ni Sidmon a.k.a Sidny. “Wow! Doraemon!” manghang sabi ni Jayjay at tumakbo para lumapit sa ibang bata. “Sorry. I’m Meghan.” Pakilala ko. “Ako si Poknat at ito naman si Baklang Sidny.” sabi nito at nahihiyang tumawa. “Salamat sa pagdalo niyo dito ha? Kumain na ba kayo? May mga pagkain dito, huwag kayong mahihiya. May pizza dito, hindi ba paborito mo iyon poknat?” sunod sunod kong sabi at hindi na naman napigilan ang aking sarili, muli akong ngumiwi at pati na din sila. “Bakla, kamag-anak ka ba ni Rudy Baldwin? Bat mo alam.” sabi nito sa akin at may paghampas pa sa braso ko. Pilit naman akong tumawa. “Na vision ko lang. Kain na kayo.” Tumawa ako. Bumalik na ako sa tabi ni Sanya. May puppet at magic show din na labis na ikinatuwa ng mga bata. Mga palaro na lahat sila ay bibong bibo na sumali. Si Poknat naman at Sidny ang pumalit sa amin bilang emcee habang kami naman ang kumain. “Okay mga bagets, bring me puting buhok! Go! Kalbuhin nyo ang mga lola at lolo nyo. Dapat benteng hibla.” Nagtawanan kaming lahat, “Biro lang, isa lang mga bagets. Baka naman ako ang kalbuhin ng mga lolo at lola nyo. Tamo, ang sama na ng tingin sa akin ni Aling Marites.” masiglang sabi ni Sidny. “Kalmahan mo lang kasi bakla!” saway ni poknat. Unang bumalik si Jayjay na may dalang hibla ng puting buhok. “Ang bilis mo Jayjay ah! Kanino mo yan kinuha?” “Kay Lolo Macario po.” “Hoy Jayjay, kalbo si lolo Macario. San bandang buhok ito?” Natatawang sabi ni Sidny. “Sa kili-kili nya po.” “Shuta ka! Kaya pala maasim asim! Amuyin mo.” Inilapit ito sa ilong ni Poknat, agad naman umiwas si poknat, “Ikaw Miss Meghan? Bet mo amuyin?”  Tumawa ako at umiling, “Sawa na ako dyan.” tawa kong sagot. “Abay sumasawa ka din pala sa kilikili ni kumareng Sanya. Peace Mars!” biro nito, “Pero infairnes kaboses mo ang bestie namin na si Phina. OMG! Naiiyak ako, pigilan mo ako Poknat.” sabi nito at OA na humagulgol, habang pabirong sinabunutan si Poknat. “Pwede na bang pang hollywood?” dugtong nito at kunwaring nagpunas ng luha. “Kumareng Meghan, anong premyo ni birthday boy?” tanong ni Poknat, inabutan ko naman agad siya ng doraemon na manika. Iyong pinakamalaki sa lahat. Bakas na bakas sa mukha ni Jayjay ang labis na tuwa. Napatalon pa ito at yumakap sa akin habang paulit ulit na nagpasalamat.  Naiiyak tuloy ako. “Okay. Next… Bring me…” saglit itong nag-isip. “Bring me pinaka chismosa nyong kapitbahay,” Nagtawanan ang lahat, “Joke lang guys, baka mag agawan kayo kay aling Marites.” Halos sumakit ang tyan ng isang bata at lumubo pa ang sipon sa pagtawa. “Buneneng, Huwag mong lunukin, hindi ka si darna. Salaula nito. Okay Game na! Bring me…” Nag isip na naman si Sidny hanggang sa namilog ang mga mata nito at nagpacute, “Bring to me that gwapong otoko na may hawak na helmet na itim. Yes, come to mama!” malandi nitong sabi. Lahat kami ay tumingin sa lalaking nakatayo sa gate ng gym. Si Stefan Miguel Escajeda. Napalunok ako at labis na kinabahan.  Anong ginagawa niya dito? Alam na ba niya ang totoo? Buking na ba ako? Halos mabato ako sa kinatatayuan ko habang ang mga bata ay dumagsa para dalhin si Stefan sa unahan.  “Hello kya! I’m Sidny and you?” malandi nitong sabi at hinawi pa ang maikling buhok sa tenga. Hindi sumasagot si Stefan, nakatingin lang ito sa akin, “Hindi nagsasalita? May kapansanan ba tayo kya? Okay lang yan, kaya kitang buhayin, basta buhayin mo lang ang katawang lupa ko gabi-gabi.” “Gagi may mga bata!” saway ni poknat, “Tsaka mukhang hindi ikaw ang sadya dito.” “Kya! Mas maganda ako kay Miss Meghan, baka pagsisihan mo.”  “Ate Sidny asan premyo namin, nadala na namin si kuyang pogi.” maktol ng dalawang bata sa gilid nya. “Iyan, si Miss Meghan, iuwi mo na para wala na akong karibal dito.” tumawa ito, “joke lang. Premyo daw poknat.” Inabutan ko sila ng dalawang plastic bag na may mga candy at laruan sa loob. “Anong ginagawa mo dito?” bulong ko kay Stefan habang pilit na ngumingiti sa mga bata. “None of your business, ikaw anong pakulo ito? Pasikat ka na naman ba sa social media?” ganti nitong bulong. “Ah talaga? Bakit? Followers ba kita?” sarkastiko kong sagot. “In your dreams.”  “Oh ibang laro naman mga bagets, isali natin si kyang pogi.” ani Poknat. Buong akala ko ay aalis na si Stefan pagkatapos magpakita at bwisitin ako dito pero mali ako. Surprisingly, game na game siyang sumali sa mga laro. Libre chansing tuloy si Sidny at poknat.  “Oh mga bagets, stop dance tayo. Ang mahuling gumalaw ay babarilin.” anunsyo ni Sidny, nagulat naman ang mga bata. “Ang hirap naman ng larong yan.” reklamo ng isang bata. Tumawa kami. “Syempre joke lang. Basta ang mahuling gumalaw pag tigil ng music ligwak na. Ang batang iiyak, iyon ang babarilin.”  Nagsimula na ang tugtugin, lahat kami ay kasali maliban kay Sidny at Sanya dahil sila ang emcee.  “Go! Sayaw mga bagets.” Sabi ni Sidny habang todo bigay sa pag tutwerk ito at pinaikot ikot ang kamay sa ere. Nang tumigil ang tugtog ay tumigil na din kami. Paulit ulit lang ito habang paunti kami ng paunti. Paminsan ay nagtatama ang mga mata namin ni Stefan at kapwa natatawa dahil sa mga kakaibang step ng mga bata na pareho naming ginagaya.  Ngayon ko lang siya nakitang tumawa at ngumiti ng totoo at hindi pilit. Walang halong pagpapanggap. Hindi ko tuloy mapigilan ang ngumiti rin. “Paano ba yan mga bagets, ayaw mag patalo ni Kuya Stefan at Ate Meghan nyo.” sabi ni Sanya. “Hayaan nyo na, baka matindi ang pangangailangan. Isang sakong bigas kasi ang premyo.” birong sagot ni Sidny. Tumawa lang kaming dalawa. Kami nalang dalawa ni Stefan ang natira.  Okay game! Labanan nang magaling ito. Natawa si Stefan sa ginawa kong pagpapatunog ng aking kamay at leeg pero ginaya naman niya ako. Umirap nalang ako. Sasayaw na sana kami ng kapwa kami napatingin kay Sidny dahil sa tugtog na Careless whisper. Kunot noo akong tumingin kay Sanya. “Go! Sayaw na. Ginusto nyo yan eh.” sabi ni Sidny saka sila tumawa ni Sanya. “Loser will always be a loser.” pang uuyam ni Stefan saka ito nakakalokong ngumisi. Mapang-uyam naman akong tumawa, Mutya ng San Andres yata ito at ang talent ko ay pag sayaw. Ilang buwan din naming inensayo ang sayaw na ‘River’ ni Bishop Briggs at choreography by galen hooks na pinanood pa namin sa youtube. Pinapak pa kami noon ng mga lamok sa labas ng bahay nina Aling Marites dahil doon lang may piso-wifi na malapit. “Poknat, Sidney. Backupan ninyo ako.” tawag ko sa kanila. “Ay? May pa showdown? Gusto ko yarn!” Tili nito at tumakbo naman ang dalawa sa likod ko.  “Anong sasayawin natin?” bulong ni Poknat. “River.” sagot ko, “Sanya, play the music.”  Namilog ang mga mata ng dalawa at excited na pumwesto. Tiger look kaming nakatingin kay Stefan. Kalmado namang pinagsalikop nito ang mga kamay niya at nag gesture na para bang sinasabi na ‘tingnan natin ang ibubuga mo.’ Nagsimula na ang tugtog. Nagsimula na din kaming sumayaw.  How do we fall apart? Faster than a hairpin trigger Nag hand gesture ako kay Stefan na parang binaril ko siya kasabay ng kanta at nang dumating sa chorus ay bumilis na din ang sayaw namin na may halong mapangakit na step. Kitang kita ko ang sunod sunod na paglunok ni Stefan at halatang hindi na makahinga ng maayos.  Like a river, like a river Shut your mouth and run me like a river Palapit ako ng palapit sa kanya habang bumibilis ang tugtugin. Kumindat ako sa kanya at kinagat ang ibabang labi ko habang pinapalo ko ang aking pwet. Kasama iyon sa step pero okay na din dahil halos hindi niya matagalan ang aking titig.  Hingal na hingal ako ng matapos kami. Tuwang tuwa naman si Sanya at todo palakpak pa ito. “Ang galing nyo palang sumayaw Ma’am Meghan.” sigaw nito. “Ang galing mo Miss Meghan, kuhang kuha mo ang galawan ng kaibigan namin.” Sabi ni Sidny saka kami nagyakapang tatlo. “Did you practice that overnight?” Hindi makapaniwalang tanong ni Stefan. Lumingon ako sa kanya. “Sinong loser ngayon?” mapang-asar kong tanong. Tinaas nito ang dalawa niyang kamay tanda ng pagsuko. “Fine. You win.”  Umirap ako sa kanya at muling hinarap ang mga kaibigan ko saka kapit kamay na nagtatalon sa simpleng tagumpay. May mga sumunod pang games at kasali pa din kami ni Stefan. Nakakatawang isipin na sa mga sumunod na laro ay naging magkasundo kami. Hindi kami nagbabangayan o nagkakapikunan. Super teamwork kami kaya naman ng matapos ang program ay pagod na pagod kaming naupo sa sementong bleacher habang kumakain ng burger. Kami na lang ang natira sa gym dahil malapit ng dumilim. Si Sanya naman ay nauna na. Magkatabi kami ni Stefan habang sa itaas namin ay si Poknat at Sidny. “Miss Meghan, uuwi na din kami. Baka hinahanap na kami ng mga mudra namin. Maraming maraming salamat ha? Pati kami nag enjoy, tapos nakasilay pa sa tunay na gwapo. Hindi feeling gwapo na si Boyet.” Sabi ni Sidney. Tinutukoy nito ang mayabang na tambay dyan sa may kanto namin. “Thank you din sa inyo.” Sabi ko at yumakap sa kanila. “Wait may ibibigay ako sa inyo.” tinakbo ko ang dalawang paperbag sa mesa at inabot sa kanila. “Remembrance.” “Wow!” sinilip ni Sidny ang malaking paperbag, “Wow! Mga makeup? Ang dami naman nito. May pangkulot pa. Shuta! Rudy baldwin ka talaga gorl. Pinapangarap ko lang ang mga ito. Pulbo lang kasi ang afford ko.” naiiyak niyang sabi at kumapit sa braso ko. Nacurious tuloy si Poknat at sinilip din ang laman ng paper bag niya, “T@ngina! Mga album ng BTS?” tuwang tuwa nitong sabi. Alam kong adik na adik itong kaibigan ko sa BTS at sa mga kdrama. “Shuta ka! May mga light light pa, ano bang tawag dyan? Flashlight lang kasi afford ng babaeng ito.” biro ni Sidny, “Uy! Taray! May Totoong poster na. Alisin mo na iyong mga pinaprint mo kay Aling Myrna, puro mga kupas na naman.”  “Oo nga. Sobrang salamat talaga Miss Meghan. Paano mo nalaman na gusto ko ang mga ito?” “Na vision ko lang.” hilaw akong ngumiti sa kanila.  “Uy. Super thankie very very muchy much sa mga alay. Maiwan na namin kayo. Ito pala ang number ko.” sabi ni Sidny at may inabot na kapirasong papel na may numero niya. Tumango ako at nagwave sa kanila. Masaya akong naibigay ko sa kanila ang noon pa nilang pinapangarap. Nakuha ko na din naman ang pangarap kong makapag college, lumikdang nga lang dahil 4th year agad ako. Ang hirap tuloy mag self study sa bahay.  Masaya din akong nabigyan ko ng masayang birthday party si Jayjay. Sayang nga lang at hindi kami nakapagbonding ng matagal dahil sinundo na siya ni Nanay.  Lumingon ako kay Stefan at wala na ito sa kinauupuan niya, naglalakad na ito palabas ng gym kaya mabilis kong dinampot ang bag ko at hinabol ito. “Saan ka pupunta?”  “Uuwi na? The party is over.”  “Pasabay.”  “No freaking way.”  “Sasabay ako.” pagmamatigas ko. “Mag taxi ka!” “May nakikita ka bang taxi sa lugar na ito? Ha? Tsaka ano bang ginawa mo dito at napadpad ka dito? Don’t tell me bumili ka dito ng ipinagbabawal na gamot.” hinala kong sabi. “Gag0! Hindi ako gumagamit nun! Nasnatched ang bag ko at hinabol ko ung snatcher, hindi ko na alam kung saan siya sumuot kaya naligaw ako dito.  Okay na?”  “Marami bang laman ang bag mo para habulin mo pa? Paano kung napadpad ka pa doon banda? Marami pa namang adik doon at siraulo.”  “How did you know? Have you been to this place before? You sound like you know this place and the people around here.” duda niyang tanong. Natameme tuloy ako at napakamot sa ulo.  “Navision ko lang.” palusot ko. “Vision you ass, Meghan!” sagot nito at sinuot ang helmet saka akmang aangkas pero pinigilan ko. “Move. Tawagan mo ang driver mo or book an uber. Do whatever you want.” inis nitong sabi. “Isabay mo na ako! Kasama ni Sanya ang driver ko at baka walang pumasok na uber dito. Sa takot na lang nila dito. Tsaka kasalanan mo kapag may nangyari sa aking masama dito.” pangungonsensya ko sa kanya. Humugot ito ng malalim na hininga saka hinubad ang helmet at shinoot sa ulo ko.  “Shut up and hop in.” Suko niyang sabi. Ngiting tagumpay naman akong umangkas. Binuhay niya ang makina kaya pinasok ko ang mga kamay ko sa loob ng itim niyang bomber jacket para intense at niyakap ito ng mahigpit. Back to my mission! “What the hell are you doing?”  “I’m securing my 2nd life, Stefan. What do you think I am doing?”  “Ugh! Can you loosen it a bit? Hindi ako makahinga.” Reklamo nito. Niluwagan ko lang ng very very light, “Okay na ba?” “More!” Konting luwag ulit. “Okay na?” “Ugh! Your t**s are quite distracting to me so move, Meghan!” Inis na nitong sabi. Anong t**s? OMG! Oh my ghee! Dahan dahan kong nilayo ang dibdib ko sa likod niya. Pulang pula ang mukha ko sa sobrang hiya to the point na sa jacket na lang niya ako kumapit. Mabilis niyang pinaharurot ang kanyang motor.  Unti unti ng dumidilim at hindi ko na alam kung nasaan kami. Ang dilim ng dinadaanan namin. Wala pa akong nakikitang building. “Nasaan tayo?” “It’s an alternate route dahil wala akong helmet. Ayokong mahuli ng dahil sayo!” sigaw nito. Hindi na ako nagsalita. Ang dilim dito, puro mga malalaking puno ang nasa gilid ng daan. Kinikilabutan yung likod ko. Napakalaking duwag ko pa naman pagdating sa mga multo. Feeling ko anytime may tatawid na white lady o may haharang na malaking itim na aso sa amin tapos aswang pala. Ahhhh! Habang tumatagal hindi ko na namamalayan na muling humihigpit ang yakap ko kay Stefan kaya bigla na lang itong huminto dahilan ng pagsubsob ng mukha ko sa likod niya. “Aray!” reklamo ko. “Your hands.” paalala nito. “Eeeh! Hayaan mo na. Mag drive kana. Bilisan mo. Baka may lumabas pang maligno dito. Sige na. Natatakot na ako.”  “Kapag hindi mo ako binitawan iiwan kita dito!” banta nya. “Patayin mo nalang ako. Basta! Ayoko.” Pagmamatigas ko naman. May narinig kaming kaluskos mula sa kakahuyan kaya mas humigpit pa lalo ang yakap ko sa kanya at pumikit habang nakasubsob ang mukha sa mabango niyang likod. Habang si Stefan naman ay napakapit sa kamay ko.  Natakot din ang kumag! “Patakbuhin mo na!” bulong ko. Muling may kumaluskos kaya sumilip ako ng very light hanggang sa may puting kung ano ang tumalon sa unahan namin. Literal yung takot naming dalawa. Halos mapaos ako sa pagsigaw. Malakas na nagmura si Stefan at pinaharurot ang motor tapos ay bigla na lang kaming may narinig na… Meeeeeeeh! Pucha! Kambing pala! Kung pwede ko lang balikan iyon ay gagawin ko talaga siyang kaldereta!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD