Bumaba ako ng motor ni Stefan ng nasa mismong tapat na kami ng malaking gate ng aming bahay. Inabot ko naman agad ang helmet sa kanya.
“Thanks for a horror ride.”
Tumawa ito at sumang-ayon sa sinabi ko.
“Pumasok ka na.” Utos ni Stefan sa akin. Nag thumbs up lang ako.
May malakas na ilaw ang tumapat sa amin. Silaw na silaw kami. Sinasadya yata ng kung sino mang magaling na driver na ito!
“Meghan!” malamig na boses ni Mommy ang narinig ko. Kinabahan ako at tumakbo sa kotse nila.
“Mommy.”
“Pumasok ka sa loob. We need to talk!” Seryoso niyang sabi saka lumampas sa akin ang sasakyan. Tipid akong ngumiti kay Stefan saka pumasok sa bagong bukas na gate.
Sinundan ko si Mommy hanggang makapasok kami sa loob ng bahay. Dismayado itong lumingon sa akin.
“Did you ride in his motorcycle, Meghan?”
“Opo.”
“What are you doing, Hija? Alam mong delikado ang sumakay sa motor! Halos ikamatay ko noong naaksidente ka at hindi ko na kakayanin kung mangyari ulit iyon sayo anak! Hindi ko kaya! Naiintindihan mo ba yon?! Kaya sana naman matuto kang alagaan ang pangalawang buhay na ipinagkaloob sayo ng Diyos, Anak. I can’t afford to lose another child. Mamamatay ako!” Iyak ni Mommy.
I feel so sorry.
Mahigpit ko siyang niyang at paulit ulit na humingi ng tawad. Nangakong hindi na muling sasakay ng motor at pakakaingatan ang aking sarili.
Naiintindihan ko siya. Umiyak ako hindi dahil pinagalitan niya ako kundi dahil alam ko ang totoo at naaawa ako sa kanya.
Sana mapatawad mo ako kung dumating man ang panahon na malaman mo ang totoo, Mommy Susan. Hindi ko naman ginusto ito.
---
Lunes ng umaga…
Excited akong pumasok kahit puyat ako dahil sa pagrereview ng mga lumang libro ni Meghan noong 1st year siya para naman makarelate ako sa ibang topic.
May isa pa akong pinagpuyatan at parte ito ng mission ko. Nakakita kasi ako ng clear cellphone case sa drawer ni Meghan kaya nagprint ako ng picture ni Stefan at dinikit ito sa loob. Instant Stefan cell phone case made with love.
Umupo ako sa aking arm chair at ipinatong ang cellphone ko sa desk habang hinahanap sa aking bag iyong binabasa kong libro kagabi.
“Teka, si Stefan ba yang phone case mo?” Tanong ni Mia saka umupo sa tabi ko. Umupo naman si Flora at Shandra sa unahan namin. Lumingon sa akin ang dalawa at nakatingin sa case ko.
“Oo.” Binigyan ko sila ng isang pamatay na ngiting aso.
“Whoa! Are you crazy?” Sabi ni Mia.
“What are you up to? I thought you hate each other? Bakit biglang patay na patay ka kay Stefan?” Iritang sabi naman ni Shandra.
“Maiba naman.”
“OMG! I can't believe it.” Reaksyon ni Flora.
Naagaw ng atensyon ko ang bagong pasok na si Giana. Kinawayan ko ito at nginitian. Nahihiya naman itong gumanti ng ngiti dahil sa mga kaibigan kong nakakunot ang noo sa kanya. Umupo si Giana sa upuan niyang nasa row 3 kaya kinuha ko ang ginawa kong sandwich sa bag para sa kanya at tumayo ako para lapitan siya. Naupo ako sa unahan niyang armchair at humarap sa kanya.
“Kumusta? Okay ka na ba?”
“Oo. Salamat ulit.” tipid nitong sagot.
Inabot ko sa kanya ang sandwich na may note pang nakadikit at nakalagay dito ay ‘Hope this brighten your day’. Masaya niya itong tinanggap.
“Salamat.” Sabi nito tapos ay may kinuha sa bag, yung payong at cardigan ko, “Salamat ulit dito.”
“Ewww! You’re not the Meghan we know.” Maktol ni Shandra habang naglalagay ng liptint sa labi. Sakto namang dumaan si Stefan at nadanggil nito ang kamay niya.
“What the hell!” singhal niya dahil lumampas sa nguso niya ang liptint.
Tila walang narinig si Stefan. Diretso lang ito at naupo sa kanyang armchair. Nakataas pa ang dalawang paa sa upuan na nasa unahan niya.
“Sige na, Meghan. Bumalik ka na sa mga kaibigan mo.” Mahinang sabi ni Giana.
“You’re my friends too.” Sabi ko at hinarangan ang bibig ko, inilapit naman niya ang ulo niya sa akin, “Yung totoo, I don’t like them. Feeling ko may mga kasama akong mangkukulam eh.”
Pareho kaming tumawa. Inirapan naman kami ng tatlo.
---
Lunchbreak.
Sabay kami ni Giana kumain, nasa dulong mesa kami at masayang nagpapalitan ng mga nakakatawang kwento ng aming buhay.
Padabog na inilapag ni Rufus ang tray niya sa tabi ko habang ang tatlo kong mga kaibigan kuno ay magkakatabing umupo sa hilera ni Giana.
Bumuntong hininga na lang ako.
“Babe, pupunta ka ba sa party ni Cameron mamaya? Sunduin na kita?”
“Hindi.”
“Why not?”
“Ayoko lang.”
“Then, let’s date tonight.”
“Busy ako.”
Bawat sagot ko sa kanya ay tipid at walang gana. Ayoko talaga kausap ang lalaking ito. Kailan kaya ito susuko.
“With who?”
“With who? Hindi ba pwedeng with what?”
“Because you’re busy with Stefan!” Sabat ni Shandra. Masama akong tumingin sa kanya.
“Pinopormahan ka ba ng gag0ng yon?!” Gigil na tanong ni Rufus.
“Hindi nga eh.” Pang-uuyam ko, “Actually, ako ang pumoporma sa kanya.”
“Hindi naman obvious dyan sa phone case mo.” Sabt muli ni Shandra.
“Ano bang problema mo, Meg?!” nagsimula ng tumaas ang boses ni Rufus. Nagsimula na din akong nerbyosin.
“Alam mo kung ano ang problema, Rufus.” mahina kong sagot saka padabog na binitawan ang aking kubyertos. “Giana, let’s go?”
Tumayo kami ni Giana at walang imik ng umalis. Rinig ko ang gigil na sigaw ni Rufus kaya naman mas nilakihan ko pa ang hakbang ko.
---
P.E class namin. Nasa oval field kaming lahat at na stretching. Buti nalang wala dito si Rufus and his minions.
“Hi Meghan.” Bati ni William saka tumingin kay Giana, “New friend?”
“Better friend.” pagtatama ko.
“I agree.” saka ito umakbay kay Stefan, “Patingin nga ng phone case mo?”
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking jogging pants at nakangiting pinakita sa kanila.
“Whoa! Ibang klase.” tawang sabi ni William.
“Creepy.” tanging nasabi ni Stefan saka tumakbo sa oval. Sumunod naman si William.
“Gusto mo talaga si Stefan?” tanong ni Giana. Tumango lang ako kahit hindi. No choice eh. “Paano si Rufus?”
“Ayoko na sa mayabang na yon.”
“Sabagay. Pero alam mo noong bago ka mawalan ng memory, halos hindi kayo mapaghiwalay ni Rufus. Lahat ng lumalandi kay Rufus ay sinusugod mo. Ang tapang tapang mo nga eh. Sobrang laki na ng pinagbago mo but it’s a good change. Sana hindi kana bumalik sa dati.” kwento ni Giana.
Ngumiti ako sa kanya at niyakap ang braso nito, “Your wish is my command.” sabi ko at kapwa kami tumawa.
Pagkatapos ng PE ay kanya kanya na kaming nagpalit ng uniform. May ibang subject si Giana kaya nauna na itong umalis habang ako ay hinihubad palang itong PE uniform ko.
Binuksan ko ang locker sa shower room kung saan ko tinago ang uniform ko pero wala ito dito. Wala na ding tao dito. Bumalik ako sa cubicle para suotin ulit ang PE uniform ko pero wala na din ito sa kung saan ko ito sinampay.
Hayop! Kung sino man ang gumawa nito humanda ka sa akin!
Sibukan kong humingi ng tulog pero ang tahimik sa paligid, sign na wala ng mga estudyante. Baka nasa mga classroom na. Hindi naman ako pwedeng lumabas ng naka panty at bra lang.
Tumayo ako sa kinauupuan ko ng bumukas ang pinto ng shower room at may tumulak kayna Shandra, Mia at Flora sa loob. Inis na inis pa silang tumingin sa pinto saka tumingin sa akin. Bumaba naman ang tingin ko sa hawak nila.
Ang mga uniform ko.
“N-Nakita namin sa basurahan.” sabi ni Mia.
Inabot nila ito sa akin saka tumakbo palabas. Nagmadali naman akong nagbihis dahil late na ako sa klase.
---
Kinabukasan. Same day routine.
“Meghan, sa AVR ang klase natin. Sira kasi ang room sa room 205.” sabi ni Flora.
“Sige. Hinihintay ko lang si Giana. Thanks.” sagot ko.
“Nandoon na si Giana kanina pa. Mauna na ako sayo.” aniya at umalis na. Kumuha muna ako ng juice sa vending machine saka nagtungo sa AVR.
Madilim sa loob. Natural, AVR ito eh.
Pero bakit tahimik? Nauumpisa na ba ang klase?
Pumasok ako sa loob ng biglang sumara ang pinto.
T@angina!
Zero visibility dito sa loob. Sobrang dilim. Kinapa ko ang pabalik ng pinto pero nakalock ito mula sa labas. Ilang beses ko itong hinampas habang sumisigaw ng saklolo.
Natatakot ako. Ayoko sa madilim na kwarto!
Wala akong nagawa kundi umiyak sa takot hanggang mapagod ako sa paghampas sa pinto. Hindi na ako makahinga sa paghagulgol hanggang sa may nagbukas ng pinto. Iyong school maintenance. Sobra sobra ang pasasalamat ko sa kanya at nagmamadaling lumabas ng AVR.
Humihikbi pa akong naglakad sa pasilyo, tumigil lang ako saglit saka huminga ng malalim. Naiiyak pa din ako dahil bumabalik sa alaala ko iyong madalas kong mapanaginipan noong bata ako. Umuulan, malakas ang kidlat at kulog at nasa isang madilim na kwarto ako. Nanginginig ang mga kamay kong sinapo ko ang aking dibdib.
Ang bigat sa dibdib. Ayoko ng maalala ang bangungot na iyon!
Nakita ko si Stefan na tumatakbong pababa ng hagdan. Natigilan lang ito ng makita ako. Hinihingal siyang sumandal sa railings para habulin ang naubos na hangin sa katawan saka nagpatuloy sa paglalakad palapit sa akin.
Inabutan niya ako ng panyo. Tumingala ako sa kanya saka ito tinanggap.
Nanginginig kong pinunasan ang mga luha ko. Sinusubukan na kumalma. Nakita kong nakakuyom ang mga kamay ni Stefan habang pinapanood ako. Umiwas siya ng tingin ng muli ko siyang tingnan sa mukha kaya naman wala itong imik na umalis sa harapan ko.
---
Hindi na muna ako pumasok sa magkasunod kong subject. Tumambay na lang muna ako sa library at ng magpapasado alas kwatro na ay saka ko niligpit ang mga gamit ko para umattend sa huling subject ko ngayong araw.
Lumampas ako sa main comfort room ng school at rinig kong may kumakatok mula sa loob para humingi ng tulong. Napansin ko din ang mop na naka-kalang sa door knob.
Sino kaya ang gumagawa nito?
Mahuli ko lang sya, kakalbuhin ko siya.
Inalis ko ang mop sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin sina Shandra, Mia at Flora na pawisan dahil sa pagkakakulong sa loob. Umiiyak sila pero imbes na magpasalamat sa ginawa ko ay sinamaan lang nila ako ng tingin saka tumakbo sa kung saan.
Kibit balikat akong nagpatuloy sa paglalakad patungo sa room 103.
---
Patuloy ang mga kalokohan na nangyayari sa akin. Ang nakakapagtaka lang ay kung ano ang nangyari sa akin ay ganun din ang nangyayari sa tatlo kaibigan ng totoong Meghan.
Hindi kaya kaming apat ang puntirya ng bully na iyon?
Sa Oval field kami nag lunch ni Giana. Malayo kay Rufus and his minions.
“Mall tayo mamaya?” yaya sa akin ni Giana.
Ngumiti ako at tumango. First time ko yatang mag mo-mall kasama ang aking kaibigan. Pagkatapos namin kumain ay naglakad na kami pabalik ng building. Nasa corridor na kami at malayo palang ay tanaw ko na si Stefan. Nakapamulsang naglalakad. Saglit lang nagtama ang mga mata namin dahil nakikipagkwentuhan ito kay William.
Nag Vibrate ang cellphone ko at nakita ko kaagad ang pangalan ni Dok Albert. Nagtext ito dahil limang beses na pala siyang tumatawag.
Dok Albert: Meet me at my clinic later.
Wala ako sa sariling naglakad. Bakit kaya? Dahil ba hindi ko pa nagagawa ang pinapagawa niya?
Malakas na tumama ang ulo ko sa katawan ni Stefan sanhi nag pagkakasalampak ko sa sahig. Imbes na tulungan ay nakatingin lang si Stefan sa akin. Si William at Giana ang nag offer na kamay para makatayo ako.
Nakakainis! Pagka-ganitong antipatiko ang nasa harap ko ang sarap sikmuraan!
Feeling entitled!
Nakakalimutan ko tuloy ang misyon ko sa gag0ng ito!
“Hindi ka ba marunong mag sorry?!” Bulyaw ko sa kanya.
“Bakit hindi ikaw ang humingi ng tawad sa akin?” mapang-uyam niyang sagot.
“Huh?!” Asik ko.
Ngumisi lang ito saka ako nilampasan. May pahabol pang pagbangga sa balikat ko ang gag0!
Ugh! Madapa ka sana! Una mukha!
---
Nagpasama ako kay Giana patungo sa clinic ni Dok Albert. Kunwari ay dadalawin ko ang aking kaibigan na si nurse Cindy. Iniwan ko siya sa waiting area at pumasok sa opisina ni Dok Albert.
“How are you Phina?” salubong nito at niyakap ako.
“Okay naman po Dok.”
“Maupo ka. I want to check your face. Ginagamit mo ba iyong mga scar remover na binigay ko sayo?” tanong nito.
“Opo.”
Naupo ako sa sofa at mabusisi niyang sinuri ang aking mukha.
“Kamusta kayo ni Stefan?” panibago niyang tanong.
“Ang hirap kunin ng loob niya. Bakit ba galit na galit si Stefan kay Meghan?” curious kong tanong.
“Honestly, hindi ko din alam. Bakit hindi mo alamin? You have to finish your mission before he graduates. Baka mahirapan tayo kung magtetraining na siya sa kumpanya. You have to hurry, Phina.” sabi nito.
“Ginagawa ko naman po ang lahat ng pwede kong gawin.”
“Bakit hindi mo siya lasingin at tutulungan kitang pikutin siya kung mabuntis ka niya.” suhestyon nito.
Hindi agad ako nakasagot. Natulala ako. T@ngina! Wala sa hinagap ng utak ko ang mga ganoong bagay.
Mapakla akong ngumiti, “Gagawin ko yan kapag wala na talaga akong choice.” kunwari kong pagsang-ayon.
“Good.”
Pagkatapos ng checkup ko kay Dok Albert ay namasyal na kami ni Giana sa Mall. Naglaro kami sa Arcade at pagkatapos ay sa mga bilihan naman ng mga makeup at skincare. Para kaming matagal ng magkaibigan. Puro tawanan at biruan.
Masaya akong naging kaibigan ko si Giana.
---
Weekend.
Wala akong pasok ng sabado at linggo kaya naman sinama ako ni Mommy at Daddy sa kanilang kumpanya. Business partner nila ang mga Escajeda pero mas malaking kumpanya ang kayna Stefan.
Ang mga Mercedez ang may ari ng pangalawa sa biggest oil companies dito sa Pilipinas. Paunti-unting tinuturo sa akin ni Daddy ang pasikot sikot sa kumpanya maging sa kung paano ito patakbuhin dahil ika niya ay ako daw ang sasalo noon.
Nalungkot ako. Hindi naman kasi ako ang anak niya.
Sapat na siguro sa akin ang magkaroon ng mabait at mapagmahal na ama.
Salamat Meghan dahil naramdaman ko kung paano magkaroon ng mapagmahal na magulang. Napakaswerte mo sa kanila. Alam kong hindi tayo pwedeng pumili ng magulang pero sana naging katulad sila ng mga magulang ko.
How I wish!
“I think I haven’t told you this, but I want you to know that I am really proud of you, anak.” Sabi ni Daddy. Hinawakan nito ang mukha ko at naiiyak na tumitig sa akin, “You’re a fighter. Salamat dahil bumalik ka sa amin ng Mommy mo. Salamat dahil lumaban ka at hindi mo kami iniwan. Honestly, noong sinabi ng iyong doctor na milagro nalang ang makakapagpabuhay sayo ay hindi ako tumigil sa pagdarasal na sana huwag ka munang kunin sa amin, na sana ay hayaan nya munang makasama ka namin ng matagal and thank God he answered all our prayers.” sabi nito.
Pinunasan niya ang mga luhang umaagos sa aking mata. Ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binitawan niya.
Nakakainggit ka Meghan. Sana ay ako nalang talaga ikaw.
---
“Hi Meghan.” Bati sa akin ni Mia at sinabayan akong maglakad patungo sa aming classroom.
Umupo ako sa armdesk ko, inabutan ko si Mia ng sandwich.
“Thanks.” tinanggap niya ito, “Are you undergoing some sort of therapy for your amnesia?” curious niyang tanong saka kinagat ang tinapay.
“Uhm… Oo. Every weekend.” pagsisinungaling ko.
Dumating na ang mga kaklase namin. Binigyan ko din ng sandwich si Giana at Flora. Hindi naman tinanggap ni Shandra ang kanya, mabuti nalang si Avery ang kumuha nito dahil ngalay na ang kamay ko sa paghihintay kung kukunin niya ba o hindi.
“Okay class, we will be having a Principles Of Management Group Project. I’ll announce who will be your group mates. Let’s start with group 1.”
Hinihintay kong banggitin ng prof namin ang pangalan ko. Sana naman hindi ko makagrupo si Rufus and his minions.
Pang ilang group kaya ako? Group 3 na eh.
“Group 3 will be Stefan Miguel Escajeda, Gianna San Miguel, Meghan Elvira Mercedez, William Baltazar at Avery Dane Sarmiento ”
Mas na excite akong kagrupo ko si Giana kaysa kay Stefan. Mabuti nalang.
“I’ll dismiss this class early para mapag-usapan ninyo ang mga topic and plan ninyo.” sabi ng aming prof. May mga hinabilin pa ito bago tuluyang umalis.
“Babe, gusto mong lumipat sa grupo namin?” bulong sa tenga ko ni Rufus. Pinagtayuan tuloy ako ng balahibo.
“No. I’m good. I have amazing groupmates.” tanggi ko.
Tumingin sa akin si Avery at naiiling na tumawa saka ito lumapit sa akin.
“So what’s our plan?” siga nitong tanong sa akin.
I like Avery, medyo boyish ang porma at dating. Parang Avril Lavigne. Kasing ganda pa niya ito.
“Hoy! Saan kayo pupunta? Group work to! We need teamwork here. Balik!” Sigaw ni Avery kay Stefan at William dahil palabas na ang dalawa bitbit ang kanilang bag.
“Kaya nyo na yan girls.” sagot ni William saka umakbay kay Stefan.
“Pag untugin ko kaya kayong dalawa?” palaban na sabi ni Avery.
“Kaya mo?” Si Stefan ang sumagot.
“Saan ba kayo pupunta?” sabat ni Giana.
“Kung ayaw nila, lilipat na lang ako sa group nyo babe?” sabat din ni Rufus.
“You will leave us?” - Shandra
“Sinong ang may sabi na ayaw namin?” - Stefan
Sabay na sabi ni Shandra at Stefan. Masamang tumingin si Rufus kay Stefan.
“You are taking advantage of Meghan, Assh0le!” asik ni Rufus.
Mapang-uyam na tumawa si Stefan, “Oh! Did I?”
“Tama na nga yan. Walang magpapalit ng grupo. Gaya ng sabi ko Rufus, my teams are amazing enough.” awat ko sa kanila.
“I agree.” Sabay na sabi ng aking mga kagrupo.
Wala ng nagawa si Rufus kundi ang mag-walkout.
Sa lobby ng university kami tumambay kasama ang mga kagrupo ko. Pinag-usapan namin kung ano-ano ang mga gagawin and I was impressed with Stefan’s ideas and how he discussed it to us. Wala sa itsura niya na ang galing niyang magpaliwanag. Ginawa tuloy namin siyang leader kahit ayaw niya. Basta kaming apat ay boto sa kanya.
Si Avery ang nas sesearch ng mga pwedeng gawing topic habang ako ang nagsusulat ng mga sinasabi niya. Si William naman at Giana ay bigla nalang naging magkasundo dahil sa mobile games na pareho pala nilang nilalaro. Mas mataas nga lang ang level ni Giana kaya biglang bumait si William dito.
Nang-uuto.
Pasulyap sulyap naman ako kay Stefan na nasa katapat kong upuan. Lagi ko siyang nahuhuling nakatitig sa akin. Iiwas lang ito kapag ako na ang titingin sa kanya. Sunod niyang pinagmamasdan ay ang sulat ko tapos ay nakakunot na ang noo nitong nakatingin sa akin, para bang may mali sa ginagawa ko. Na conscious tuloy ako.
“Huwag mo nga akong titigan ng ganyan.” Naiilang kong sabi. Tumingin naman si Avery sa katabi niyang si Stefan saka ngumiti at ibinalik ang mata sa kanyang ipad.
“Bakit? Masyado ka na bang kinikilig?” Mapang-asar nitong sagot. Tumanday pa ito sa mesa at inilapit ang mukha sa akin.
Ano naman kayang nakakakilig sa nanlilisik niyang tingin?
Nakipag labanan ako ng titigan sa kanya at inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Ramdam ko na ang mainit niyang hininga sa akin. Bahagya namang umatras si Stefan saka napalunok. Halatang kinabahan sa ginawa ko.
“Bakit? Gusto mo na din ba ako?” bawi ko sa kanya. Hindi na ito nakaimik at natameme na, tinawanan tuloy siya ni Avery, “Ang obvious mo ha!” Dugtong ko saka tumawa.
Tumayo ako at dinampot ang aking wallet. Nauuhaw kasi ako kanina pa.
“Bibili lang ako ng maiinom natin.” paalam ko sa kanila at kagat labi na kumindat kay Stefan.
Rinig ko ang malalim na buntong hininga ni Stefan, “She's driving me crazy!” sabi nito. Rinig ko pa ang tawa ni Avery.
We’ve been working on our group projects for 1 week now. Noong una ay Restaurant sana nina William ang gagawin naming sample tutal ay nasa food industry ang negosyo ng pamilya nya pero nauna na ang group 1 sa restaurant. Kaya napag desisyunan namin na ang hotel nalang nina Stefan, siguradong walang makakatulad.
Pero mas preferred namin iyong maliit lang na hotel nila sa probinsya ng Clark Pampanga. Less complicated at madaling i-execute ang mga planning, organizing, leading, etc. One more thing, alam na alam na din ito ni Stefan kaya easy na.
What more exciting is, pupuntahan namin iyon sa weekend para umpisahan ang documentation. Friday night kami aalis sakay ng private chopper nina Stefan. Excited talaga ako dahil first time ko iyon. Hindi pa ako nakakasakay ng eroplano, edi lalo na ng chopper.
----
Friday.
After class ay sinundo kami ng van na pagmamay-ari ng Escajeda. Pero bago sila nagtungo dito ay isa-isa nilang dinaanan ang mga bahay namin para sunduin ang aming mga maleta.
Iba talaga pag rich kids.
Samantalang noong outing namin sa San Andres ay dala na namin ang mga gamit namin sa school. Tapos service namin ay jeep, siksikan pa. Itong van nina Stefan pang VIP para kaming nakaupo sa eroplano, pwede mo pang iikot ang upuan. Katabi ng upuan ko si Avery, may sariling mundo kasama ang headset niya. Sa likod ko ay si Stefan habang sa dulong upuan ay ang dalawang adik sa mobile game.
Pinaglaruan ko ang upuan na parang banong bata.
“Can you stop it?” saway ni Stefan
Tumigil ako sa pag ikot ng upuan at itinigil ng nakaharap sa kanya. Pinag dikit ko ang mga labi ko at ngumisi sa kanya.
“What are you up to, Meghan?” Irita nitong tanong.
“I’m up to you, Stefan.” Ganti ko.
Humagalpak ng tawa si William habang tinatapik ang balikat ng kaibigan.
“That was smooth.” sabi pa nito.
Umirap sa akin si Stefan saka pinaikot ang upuan paharap kay William.
---
Parang hinahalukay ang tiyan ko ng umangat kami sa himpapawid. Para akong bata na natatakot but at the same time ay nag eenjoy sa tanawin.
Tuwang tuwa talaga ako. Mas natuwa ako ng bumaba na kami sa roof deck ng hotel. Sabi nila maliit lang ang hotel na ito. Mukha namang hindi, so ibig sabihin mas malaki pa ang iba dito? Ang tanong gaano kalaki?
Gabi na ng dumating kami kaya hindi ko na maeenjoy ang view dito sa aming kwarto. Nasa presidential suite daw kami. Pinag-isa na ang aming kwarto dahil marami daw ang nakabook. Maganda at malaki naman itong kwarto, may sariling salas at kusina. Tabi na kaming tatlo dito sa king size bed, mga sexy naman kami. Si William naman at Stefan ang tabi sa kabilang kama.
“Wala pa bang dinner?” tanong ni Giana hawak ang kanyang tiyan.
“Kanina ka pa kumakain, ikaw na nga ang nakaubos ng snack natin.” ani Avery.
“Paano kumain ng marami ng hindi tumataba?” tanong ko naman.
“Secret, tara na doon sa buffet sa baba.” yaya ni Giana, “nandun na yata ang dalawa eh.”
“Mauna na kayo. Aayusin ko lang ang gamit ko.” sabi ko habang inaalwas ang mga damit ko sa maleta at hinahanger sa cabinet.
Umalis na sila. Excited akong nag-impake kagabi kaya excited na ako na isuot ang mga ito bukas. Bumukas ang pinto, akala ko ay bumalik sina Giana at Avery pero si Stefan pala.
“Si William?” tanong nito.
“Akala ko kasama mo?”
“Hindi ba pinabili mo ako ng mga ito?!” inis niyang inihagis ang paperbag sa kama. Tumayo naman ako sa tiningnan ang mga pinamili niya. Mga envelop at folder ito, ballpen, marker at pang craft.
Pero t@angina! Bat glittery pink?
“Seryoso? Pink talaga at may glitters pa?” reklamo ko.
“Bakit? Paborito mo yan diba?” sagot nito.
“Ewww… I’m not farting glitter.” Maarte kong sabi. Tumawa si Stefan.
“You’ve really changed.” sambit niya, “Nasaan si Giana at Avery?”
“Kumakain na.”
“How about you? Hindi ka ba nagugutom?”
“Susunod ako.” sagot ko at nilagay ang paperbag sa mesa.
Kinuha ni Stefan ang cellphone niya sa bulsa saka tumalikod at kasabay naman noon ang pagkalaglag ng wallet niya ng nakabukas. Mabilis akong lumapit para tingnan ang picture na nandoon.
Picture ng bata. Pinulot ko ito.
“Sino sila?” tanong ko.
Nanlaki ang mga mata ni Stefan at akmang aagawin sa akin ang wallet niya pero umiwas ako.
Para kasing pamilyar.
Nag-aagawan kami sa kanyang wallet hanggang matumba kami. Nasa ibaba ko si Stefan.
Daig ko pa ang nasemento. Hindi ako makagalaw at makahinga. Yung puso ko, nagwawala sa loob. I saw him gulp while staring at me.
Naalala ko ang habilin ni Dok Albert kaninang umaga. Ako na daw ang gumawa ng first move. Paano kung ito palang ay parang tumitigil na ang mundo ko?
Napalunok ako ng bumaba ang tingin ko sa malambot niyang labi.
Bless me oh good lord!
Paano bang mang-akit?
Dahan dahan akong pumikit at inginuso ang aking mga labi.
Ang init!
“Don't worry. I am not interested in kissing you. Even in your wildest dream, Meghan.” Mahina nitong sabi saka siya tumayo at umalis.
Naiwan akong nakahiga pa din sa carpeted na sahig, tulala sa kawalan.