Pagkatapos naming maghapunan ay bumalik na kaming lima sa aming hotel room. Niyaya ako ni Avery na mag karaoke. As usual si William at Giana ay nagpapalevel na naman sa kanilang mobile games habang si Stefan ay may ginagawa sa kanyang laptop.
Panay ang concert namin ni Avery. Maganda ang boses niya, ako naman tamang kanta lang. Kanina puro senti song ang kinakanta namin pero ngayon nag divert na kami sa party song at duet namin lagi itong kinakanta ni Avery. Sinasamahan pa namin ng sayaw habang tinatawanan ang aming mga sarili.
Dahil ang saya ng trip namin ay sumali na sa amin si William at Giana. Tamang nood naman si Stefan sa amin habang nasa harap pa din ng laptop niya.
“I hopped off the plane at L.AX. With a dream and my cardigan.” Umpisa ni Avery.
“Welcome to the land of fame excess (Woah) Am I gonna fit in?” Sinundan ko naman.
“Jumped in the cab, here I am for the first time. Look to my right, and I see the Hollywood sign” Si William.
“This is all so crazy. Everybody seems so famous.” Dugtong ni Giana, na medyo wala sa tono kaya kami nagtatawanan.
“My tummy's turnin' and I'm feelin' kinda homesick. Too much pressure and I'm nervous. That's when the taxi man turned on the radio.” Kanta ni Avery. Ang galing talaga niyang kumanta.
“And a Jay-Z song was on” sabay naming apat.
Si Avery na ang kumanta ng chorus habang kami ay sumasayaw na tatlo. Nagtutulakan at nag bubungguan pa ng mga likod at pwet. Napatingin ako kay Stefan na tumatawa na mag-isa habang kinukuhanan kami ng video kaya naman humarap kaming apat sa kanya at parang baliw na nag concert, siya ang cameraman.
“Yeah, it's a party in the U.S.A.” sigaw namin.
Nasundan pa ng ilang kanta. Si Avery ang singer at ako ang main dancer. Ganito pala kasaya ang mag group project kapag hindi kj ang mga ka grupo mo. Well, hindi naman ganun ka KJ itong si Stefan dahil binilhan pa nga kami ng snacks at maiinom.
Ngumibit ako sa unang lagok ng inumin na nasa can na kulay green saka ako tumingin ng nakangibit kay Stefan. Tinawanan lang ako.
“Ano ito?” tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa kinauupuan niya. Lumipat kasi ito sa sofa. Kunwari pa, pero mamaya ay kakanta na din naman.
“Beer, and that’s not for you. Yung juice ang inumin mo.” sagot niya saka inagaw ang hawak kong beer in can para siya na lang ang uminom.
Beer pala yong heineken? Ang alam ko lang na beer yung san mig at red horse.
Tuloy ang kasiyahan namin. Kantahan. Sayawan at harutan. Gaya ng navision ko, kasali na si Stefan sa party-party namin. Ang pangit lang kabonding dahil ayaw kumanta. Sumasayaw lang at kapag ako ang kumakanta ay daig pa ang hurado sa mga singing contest kung asarain ako.
“Hello, is it me you're looking for? I can see it in your eyes, I can see it in your smile. You're all I've ever wanted,” Kanta ko. Hindi ko alam kung inaantok na ako o malabo na ba ang paningin ko dahil hindi ko na mabasa ang nasa screen ng TV. “Ko… Kowz… Cau” kinusot ko ang mata ko. Tumingin ako sa mga kasama ko, ang himbing na ng tulog ni Avery sa sofa at ginawa pang unan ang hita ni William habang si william naman ay nakangangang natutulog sa sofa. Si Giana, prenteng nakahiga sa gitna ng king size bed.
Magaling!
Tumingin ako kay Stefan, mapungay na ang mga mata at nakapangalumbaba na nakatingin sa akin.
“Tell me how to win your heart, For I haven't got a clue. But let me start by saying, I love you …” Mahina nitong kanta pero parang tula na siya at halos hindi ko na maintindihan. Tumawa ako.
Lakas mang asar sa boses ko, eh sya nga tumutula.
“Ang pangit mo kumanta.” Asar ko sa kanya at naka mic pa.
“Mas pangit ka!” ganti nya.
“Hoy! Mas magaling ako sayo. Showdown pa tayo!” ganti ko din at nanatiling naka mic.
Nahihilo ako. Beer din ba iyong ininom kong Budweiser?
“Showdown mo mukha mo! Balakajan! Ang pangit mo!” tamad nitong sagot at gumegewang na naglakad papunta sa kama. Sinundan ko naman sya.
“Hoy! Maganda ako! Kahit nung si Phina pa ako maganda ako!” maktol ko na parang bata.
“Ingay mo! Just sleep it off!” Hirap nitong bigkas. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at saka hinila pahiga sa kama. Napasubsob ako sa mabango at puting kama, doon lang ako nakaramdam ng pagod at antok. Tumihaya ako at tumitig sa kisame.
“Good night everyone! Ang saya saya ko. Bukas ulit. Dapat masaya pa din bukas ha?” patuloy ko. Tinakpan ni Stefan ang bibig ko at inilapit ang mukha sa gilid ko, malapit sa aking tenga. Ang init ng hininga niya.
“Shut the f*ck off!” bulong nito.
Dinakot ko ang mukha nito at tinulak palayo sa akin.
“Ang init init, dikit ka ng dikit.” reklamo ko. Tumawa lang ito at mas siniksik ang katawan sa akin para asarin ako lalo.
“Ang hot ko kasi.”
“Ha? Ha? Hotdog!”
Panay ang tulak ko sa kanya, panay naman ang lapit nito ulit. Napagod na ako kaya tinalikuran ko na siya at saka nagkumot. Antok na antok na ako.
----
Nagising ako na may tumulak sa paa ko. Inaantok pa ako kaya binalik ko sa dating pwesto ang paa ko. Muling may tumulak sa pangatlong pagkakataon kaya padabog ko itong ibinalik sa dating pwesto.
“Aw! What the f*ck is your problem?!” Paos na sigaw ni Stefan saka niya ako malakas na tinulak sanhi ng pagkalaglag ko sa sahig.
Nawala yung antok ko at ramdam kong umikot ang paningin ko dahil sa sakit ng ulo. Umupo ako sapo ang aking ulo. Doon ko lang narealize na yung paa ko pala kanina ay nasa mukha ni Stefan… Pucha! Ibig sabihin iyong yakap ko kanina ay ang paa nya?
Nandidiring tumingin ako sa mga paa nito paakyat sa kanyang katawan. Tumayo ako kahit masakit ang ulo ko saka ko siya hinampas ng unan sa mukha.
“T@ngina naman!” sigaw nito. Masama itong tumingin sa akin.
“Nalaglag ako sa kama dahil tinulak mo ako!” paalala ko sa kanya.
“Sinipa mo ako.”
“Hindi ko alam!”
“Can you please shut your mouth? Inaantok pa ako!” reklamo nya.
Hindi na ako nagsalita at nahiga na sa dulong bahagi ng kama. Binalot ko ang sarili ko ng comforter. Inaantok pa din naman kasi ako.
---
Ang ganda na ng panaginip ko ng magising ako dahil sa malakas na hampas ng unan sa mukha ko, kasunod noon ay hagikhik mula sa kabilang dulo ng kama.
PESTE KA STEFAN!
Nanlilisik ang mga mata kong pumaling kay Stefan.
“Amanos!” sabi niya at tumawa pa.
“Masaya yarn?” mapang-uyam kong sabi at gigil na hinawakan ang unan ko lalo na nung tumango siya.
Masaya pala ha!
Gumapang ako sa kama at gumanti ng hampas. Para kaming batang nagpapalitan ng hampas at wala sa amin ang nagpapatalo.
“Ingay!” reklamo ni Giana sa kabilang kama kaya naman tumigil kami sa paghahampasan at tumingin sa kanya. Umupo ito sa kama at pumaling sa amin saka pabagsak na bumalik sa paghiga at nagtakip nalang ng unan sa tenga.
Malakas ko siyang hinampas sa ulo. Dumaing ito sa sakit kaya mabilis akong lumapit.
“Sorry, napalakas ba?” alala kong tanong pero sinagot niya ako ng hampas sa mukha.
PUNYETA KA!
Pinagpapalo ko ito saka naupo sa ibabaw niya at walang tigil na sinabunutan si Stefan. Sinasalag niya pero ang hampas ko pero matalino ako dahil bawat salag niya ay kiliti sa tagiliran ang inaabot niya sa akin.
Kaso kahit mas matalino ako ngayong umaga sa kanya ay mas malakas naman sa akin ang depunggal na ito. Gumati ng kiliti sa magkabila kong tagiliran, doon pa sa kung saan malakas ang kiliti ko. Hayop!
Malakas akong tumawa at napahiga sa ibabaw niya na parang bulateng inasinan. Dinig na dinig ko ang halakhak niya sa tenga ko dahil nasa mukha na niya ang ulo ko. Tuwang tuwa sa pag torture sa akin.
“Ayoko na!” tawa at iyak kong sabi. Itinaas ko ang kamay ko para hilahin ang buhok niyang ayaw na ayaw niyang hinahawakan.
Kinabig nito ang baywang ko saka ako hinagis sa gilid niya ng nakatalikod sa kanya para hindi ko na siya maabot. Niyakap niya… I mean nilock niya ang dalawa kong kamay gamit ang matipuno nitong bisig at halos daganan na ako saka inilapit ang mukha sa gilid ng leeg ko.
“This is for touching my hair.” Bulong niya. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko.
“Aray!” sigaw ko dahil kinagat niya ang braso ko.
T@NGINAMO STEFAN!
“Aso ka ba?!” asik ko at pilit na kumakawala sa kanya. Yung paa ko ay nilock din niya ng paa niya. Sa wrestling na ba uuwi ang hampasan namin ng unan?
“Early cuddle! How sweet.” paos na sabi ni William.
Sabay kaming tumingin sa kanya na nasa paanan na ng kama. Kinuhanan pa kami ng picture sabay sabing…
“Maganda itong isama sa documentation kapag tinanong tayo ni Sir kung ano ang nabuo ng grupo natin.” paliwanag niya.
“Anong sagot? Bata?” sabat ni Avery sa likod ni William saka sila nag-apir at tumawa.
Para naman kaming asong binuhusan ng tubig ni Stefan. Muntik pa akong malaglag ulit sa kama.
---
Lahat kami ay may hangover. Ang alam ko juice lang ang ininom ko kagabi. Speaking of kagabi… Wala akong masyadong maalala sa mga nangyari kagabi, basta ang alam ko lang kumakanta kami ni Avery tapos itong bwisit na si Stefan at feeling hurado sa the voice.
Pagkatapos naming mag- agahan ay uminom kami ng gamot pangtanggal sakit sa ulo. Saglit lang kami nagpahinga tapos ay sinimulan na namin ang aming talagang pakay dito sa hotel.
Sumusunod kami sa head supervisor ng hotel habang dinidiscuss sa amin ang mga bagay-bagay. Kaunti lang ang naiintindihan ko dahil hindi pa tumatalab ang gamot sa akin. Panay nga ang hilot ko sa sintido ko.
“Systematic flow of information.” bigkas ko habang sinusulat ko ito sa aking notebook.
Marahang tinulak ni Stefan ang noo ko gamit ang hintuturo niya. Tumunghay ako sa kanya at saka ito inirapan.
“Do you even know what you are writing?”
Binasa ko ang notes ko sa notebook, lalo yatang sumakit ang ulo ko sa mga pinagsusulat ko. Bakit may lyrics dito ng kanta? Punyemas!
Ngiting aso ang sinagot ko kay Stefan saka siya nilampasan para sumunod kayna Avery. 5pm na kami natapos. Pinilit talaga nilang tapusin dahil bukas daw ay mamamasyal naman kami para sulit ang bakasyon dito.
Nasa hotel lobby kami. Hindi naguusap dahil mga pagod na. Ipinatong ko ang aking pisngi sa ibabaw ng notebook ko at ginawa itong unan saka pumikit.
Ang sakit ng paa at likod ko. Ilang beses naming nilibot ang hotel. Akyat panaog pa. Huminga ako ng malalim saka niyakap ang sarili. Ramdam ko na nag vibrate ang cellphone ko na nakapatong sa hita ko.
Minulat ko ang mga mata at bumungad sa harapan ko si Stefan na nakapangalumbaba habang nakatitig sa akin. Mabilis na uminit ang mukha ko, umiwas naman ito ng tingin at kunwari ay kinakamot ang batok. Pumaling naman ako sa kabilang side ko.
Gaano na kaya ako katagal pinapanood ng asong yun? Malamang nilalait nya ako habang pinagmamasdan.
“Hello Ma’am Mercedez, may nagpapabigay po nitong inumin para sa inyo.” magalang na sabi ng waiter sa akin at nilapag sa mesa ko ang mango shake. Hindi ko na nagawang basahin ang text na dumating sa akin.
Tumingala ako sa waiter at matamis na ngumiti, “Thanks. Kanino galing?”
“Ayaw nya pong ipasabi pero ang sabi nya po ay humahanga daw po siya sa kagandahan nyo.” sagot nito. Mas lalo akong ngumiti at inayos ang aking buhok.
“Pasabi ay salamat.” sagot ko bago tuluyang umalis ang waiter.
“Don’t tell me you are going to drink that? Paano kung may lason yan?” sabi ni Stefan.
Kunot noo akong tumingin sa kanya, “Kung sayo ito galing baka maghinala talaga akong may lason ito.” pambabara ko.
“You’re impossible.” hindi nito makapaniwalang sabi saka dinampot ang mango shake sa mesa ko at dinala sa receptionist desk.
“He’s right, Meghan. Huwag ka ng bumusangot dyan. Actually, I will do the same thing.” Sabi ni William na nasa kabilang table kasama si Giana. Mobile game, as usual. Si Avery naman ay kanina pang nasa CR dahil masama ang lagay ng tiyan.
Hindi na ako sumagot dahil tama naman si William. Magkaiba ang kinalakihan kong buhay kaysa sa kanila. Marami pa akong hindi alam at kailangan alamin.
Pagkatapos namin na kumain ng hapunan ay umakyat na kami sa aming kwarto para magpahinga. Nanonood ng Netflix si William at Stefan habang kaming mga girls naman ay magkakatabi sa kama. Busy ang dalawa sa kanilang social media. Ako kasi wala noon, hindi ko din naman alam ang kay Meghan. Tamang soundtrip lang ako gamit at headset ni Avery.
“Stefan, ipasa mo naman sa akin yung video namin last night.” sigaw ni Avery.
“Do it.” sagot nito at nanatiling nakatingin sa TV habang inaabot ang kanyang cellphone.
“Can you get it, Meghan? Please?” utos ni Avery. Hindi kasi ito makatayo dahil ginawang unan ni Giana ang hita nito.
“Ayoko. Hanggang ngayon ay masakit pa din iyong kagat ng asong yan sa akin. Baka maitali ko lang yan ng mahigpit sa leeg.” tanggi ko. Tila bingi si Stefan at hindi binigyang pansin ang sinabi ko. Paano ba naman nasa intense scene na yung pinapanood nila.
Tumawa ang dalawa sa sinabi ko, “Ang weird mo. Bakit kapag sa school todo papansin ka kay Stefan. Like halos halikan mo na ang paa nya.” sabi ni Giana.
Ngumiwi ako. Tama sya. Nakakakilabot pala pakinggan. Eeeeh! Hindi agad ako nakasagot, tumingin ako kay Stefan na ngayon ay nakatingin na pala sa akin na parang hinihintay ang sagot ko. Inirapan ko ito.
Ano ba ang sagot na magandang pakinggan? Iyong sagot sana na pasok pa din sa misyon ko.
“Masama ang gising ko kanina.” palusot ko.
“Ang ingay nyo nga kanina eh. Napaka-harot nyo.” sabi ni Giana, “But anyway, nagugutom ako. Tara bili ng snacks?”
“Alam mo ang takaw mo, hindi pa yata kita nakikitang hindi ngumunguya. Ikaw na nga ang nakaubos ng baon kong Pringles. Bigwasan ko yang panunaw mo eh.” reklamo ni Avery.
“Sige na, please?” pangungulit nito at niyakap pa ang braso ni Avery. Agad naman niyang hinawi. “Tayo nalang, Meg?”
Ngumiti ako at tumango, “Saan tayo bibili?”
“Maghanap nalang tayo sa labas. Treat ko kayo,” bumangon ito at kinuha ang waller, “May ipapabili ka?” tanong nito kay Avery.
“Pringles at coke.” sagot nito. Nag hand gesture naman ng ok si Giana.
Palabas na kami ng ipause ni stefan ang pinapanood nila at hinabol kami ng tingin.
“Saan kayo pupunta?”
“Bibili lang ng snacks.” Sagot ni Giana.
“Eating machine.” asar ni William.
“Lalabas kayo ng ganyan ang suot nyo? And besides, there is no convenience store near here.” Sabi ni Stefan.
“Magtatanong nalang kami-”
“Samahan ko na kayo.” putol ni William sa sasabihin ko, “Parang gusto ko ng buffalo wings.”
“Me too.” sigaw ni Avery. “Buffalo wings for the win!”
“Tara na, tumatakbo ang oras.” sabi ni Giana at hinila na ako para makalabas na kami.
“May masama ba sa suot natin?” bulong ni Giana habang naglalakad kami sa hallway. Umiling lang ako.
Naka terno na pantulog si Giana, printed shirt at short. Ako naman ay naka sleeveless black lace silk pajamas set.
“Wait for us, ladies.” tawag ni William. Tumigil kami at parehong lumingon. Kasama ni William si Stefan. Ang sama pa ng tingin sa akin. Parang badtrip. Baka dahil pinilit siyang sumama ni William.
Sumakay kami ng taxi papunta sa downtown. Halos pasara na ang ibang kainan dito. Nagpaiwan si William sa bilihan ng buffalo wings habang kami ni Giana ay sa convenience store at nakabuntot sa amin si Stefan.
“Ano nga yung pinapabili ni Avery?” tanong sa akin ni Giana.
“Pringles at coke.”
“Okay. Kukuha lang ako doon.” paalam niya saka ako iniwan dito sa ice cream section.
“Ice cream for your number?” sabi sa akin ng lalaking naka red na jacket.
Seryoso akong tumingin sa kanya. Ano palagay nito sa akin? Bata? Sarkastiko akong ngumiti sa kanya at pinasadahan ng tingin ang tatlong freezer ng ice cream saka bumalik ng tingin sa kanya.
“Deal. Basta lahat ng ice cream sa store na ito ay bibilhin mo.”
Rinig ko ang mahinang tawa ni Stefan sa likuran ko dahil bumibili ito ng drinks namin para mamaya.
“Seriously? Magtatayo ka ba ng ice cream house?” hindi makapaniwala na sagot ng lalaki.
“Actually, you gave me an idea. Ano kaliwaan?” paghahamon ko.
“Ibigay mo na kasi, Miss. Pakipot pa oh.”
“Nakikita mo yung nakatalikod na gwapong lalaking na yon?"
“Yung naka white shirt?” tanong nito.
“Yes. Yung saksakan ng gwapong nakatalikod na yan. Hingin mo sa kanya ang number ko. Kakahingi lang niya minutes ago.” Sagot ko sa malakas na boses, sapat lang para marinig ni Stefan.
Mabilis akong nilingon ni Stefan at halos hindi ko matagalan ang masama niyang tingin. Lumapit ito sa akin.
“Ginugulo ka ba ng babaeng ito? Actually she’s my patient. I’m Doctor Escajeda of the Mental institute.” Pakilala ni Stefan. Literal na naglaho ang ngiti ko at sinamaan ito ng tingin.
“Hoy! Hindi ako baliw!” angil ko.
Ngumiti ito sa lalaking nasa harap ko saka ako inakbayan ni Stefan, “She always say that. Hindi pa kasi nakainom ng gamot. Actually, bigla na lang syang nangangagat kapag sinusumpong.”
“Really?” takot itong umatras sa akin. Naniwala naman ang gag0ng ito!
Sa sobrang inis ko ay kinagat ko ang kamay ni Stefan na nasa balikat ko. Lalong natakot ang lalaki sa akin ng mapatingin ako sa kanya.
“Amanos!” sabi ko saka naglakad.
“Rawr!” sabi ko naman sa lalaking humihingi ng number ko bago ako nag walkout. Muntik na itong matumba sa pag-atras.
----
Nakabalik na kami sa hotel ay tawa pa din ng tawa si Giana, lalo na ng i-kwento niya ang mga nasaksihan niya kanina sa convenience store.
“Ang epic.” tawang sabi ni William saka tiningnan ang bakas ng ngipin ko sa kamay ni Stefan.
“It’s like a matching tattoo.” Sabi ni Avery, “Bite mark. What’s next? Kiss mark?” patuloy nito sa pang-aasar sa amin.
“Looking forward.” segunda ni William. Agad naman siyang binato ni Stefan ng unan, “But what I am really looking forward is your reaction when your memories is back.” Dagdag ni William.
“Kahit bumalik man ang alaala ko, what happened here with you guys will still remain to be the best memories I ever had. Like what I have said before, this group is amazing. Ang gwapo at talino pa ng leader natin, uy! Tatawa yan kahit masakit ang kamay…” biro ko kay Stefan na kanina pang nakasimangot. Napalakas siguro yung kagat ko. Nakakagigil kasi. “may sayad nga lang.” pang-aasar ko kay pa.
“Shut up!”
“But I agree with the amazing group. Because we are.” sang ayon ni Avery.
“Yes!” sabi ni Giana at puno ang bibig nito ng buffalo wings.
“Hoy! Baka gusto mo kaming tirhan, Giana the eating machine.” maktol ni William saka ito tumakbo sa mesa.
Sumunod kami ni Avery para kumuha ng buffalo wings. Kinuha ko na din si Stefan saka tumabi sa kanya at inabot ito. Tiningnan nya lang ito.
“What do you want?” duda nitong sabi.
“Do you want?” patanong kong sagot.
“Alam mo yang ganyang-” hindi ko na siya pinatapos magsalita kasi gagawa na naman kasi siya ng sarili niyang theory kung bakit ko siya inaabutan ng buffalo wings. Pinasak ko na agad iyon sa bibig nya.
“Ang dami mo pang hanash! Kumain ka nalang.”
“Lumayo ka sa akin baka masipa kita.” sabi ni Stefan.
Hindi ako lumayo. Niyakap ko pa ang braso niya para lalong maasar. Nag vibrate ang cellphone ko na nasa aking bulsa, agad ko itong dinukot at tiningnan. 4 messages mula kay Dok Albert pero DD lang ang name na sinave ko dito para hindi ako paghinalaan.
DD: How’s your day?
DD: Give me an update.
DD: Is there any improvement?
“I have better pictures than than one, iyan pa talaga ang napili mo,” Maktol nito sa case ko.
Binaliktad ko ang cellphone ko at tinitigan ang picture niya.
“Ang cute mo kaya dito, para kang good boy kahit hindi naman talaga.” sabi ko.
Hindi ito sumagot, nakatitig lang ito sa screen ng cellphone ko. Doon ko lang narealized na binabasa niya ang text ni Dok Albert.
“Who’s DD? Si Rufus?” seryoso nitong tanong.
Mariin naman akong umiling, sabay sabi ng, “Hindi no! Si Daddy to.”
“Ang daya! Naka tatlo kana!” reklamo ni Avery kay Giana. Pareho kaming napalingon ni Stefan sa tatlo dahil nag-aagawan sila sa buffalo wings.
---
Kinabukasan ay maaga akong nagising para magbigay ng kaunting update kay Dok Albert. Kausap ko sya sa CR ng may kumatok sa pinto.
“Teka lang!” sigaw ko, “Babalitaan ko nalang po ulit kayo Dok Albert, I need to go.” pabulong kong sabi saka ko pinatay ang tawag. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa toilet bowl at binuksan ang pinto.
Nakangibit itong tumingin sa akin habang hawak ang tiyan dahil ulo ko lang ang nakadungaw sa pintuan.
“Get out!” utos ni Stefan.
Hindi agad ako umingli at pinanood lamang siyang mamilipit sa harapan ko. Kulang na lang ay sumayaw ito ng pandanggo. Masama itong tumingin sa akin saka tinulak ang pinto para makapasok siya tapos ay pinagtulakan ako palabas at padabog na sinara ang pinto.
“Kailangan mo ng tulong?” katok ko sa kanya.
“F*ck you!” sigaw nito.
“Bakit ang hilig nyong mambulabog ng tulog?” reklamo ni William, nilingon ko siya at hilaw na ngumiti.
“Oo nga!” segunda naman ni Giana habang kinukusot ang mga mata.
“8am na din naman. Akala ko ba maaga tayong mamamasyal? Saan pa ang lakad natin?” sagot ko at umupo sa paanan ng kamay ni William.
“May sarili kaming lakad ni Stefan, kayo ba?” ani William.
“Saan?” curious kong tanong dahil ang akala ko ay kaming lima ang magkakasamang mamamasyal.
“Maghahanap ng chicks.” nakangisi naman nitong sabi sabay kindat sa akin.
Inis ko itong pinalo sa paa. “Tuturuan mo pang gumawa ng kasalanan ang isang yon!”
Tumawa ito ng malakas, “Para sa kaalaman mo, mas makasalanan yun sa akin and for the record, weekly nagpapalit ng kafling iyon kaya huwag ka ng umasa kay Stefan. Masasaktan ka lang.”
Bumusangot ang mukha ko at inirapan si William. Alam ko… I mean, obvious naman na babaero si Stefan at kung magpapakasal ako sa kanya ay para ko na ring hinulog ang sarili ko sa dagat ng impyerno.
Kung may choice lang sana ako.
Magkahiwalay ang lakad namin kayna Stefan, hindi namin alam kung saan sila pupunta. Maghahanap daw ng chicks at bahala sila sa buhay nila basta kaming tatlo ay susulitin ang natitirang weekend vacation dito sa clark. Pero mamayang hapon ay magkikita kami sa skyranch.
Nandito kami sa Zoocobia. Masaya kahit mainit. Bumabalik kami sa pagkabata, kung kasama ko lang si Jayjay ay matutuwa ang batang iyon dito.
“Tinatanong ni William kung nasaan tayo.” sabi ni Giana.
“Naks, exchange number level na ba? Anong next exchange heart?” asar ni Avery.
Tumawa ako at tinuloy ang pakikipag picturan ko sa mga orangutans.
“Tell him I’ll make group chat for us.” mungkahi ni Avery.
“Good idea. Anong bagong f*******: mo Meghan? It seems like you change your social media accounts.” sabi ni Giana.
Natigilan ako sa aking ginagawa saka tumingin sa kanilang dalawa.
“Wala akong facebook.” sagot ko.
“Ig?” si Avery naman ang nagtanong. Umiling lang ako.
“Hindi ko kasi maalala ang password ng aking lumang cellphone.” alibi ko. Paano ba naman, fingerprint ang code ng cellphone ni meghan.
“ I see. Viber?”
“Pwede akong mag-download. Wait lang.” sabi ko saka nag download ng app na iyon. Konting set up ng profile at saka ko binigay ang ID number kay Avery.
Maya maya pa ay nag notify na sa akin ang group chat na ginawa ni Avery. Sunod sunod na nagchat sina William, Avery at Giana.
William: So nasaan kayo?
Meg: nasa mga kamag-anak ni Stefan.
Sagot ko saka ko sinend ang aking picture kasama ang mga orangutans. Nag send naman ng tumatawang mga emoji ang tatlo.
Stefan: Nasaan ka dyan sa picture? It’s so confusing, are they your relatives?
William: Savage!
Giana: Savage love. Hahaha
Ako naman ang nagpasa ng sumusuka na emoji.
William: Tara na sa Skyranch.
Avery: Aga pa. Hindi pa kami nakakahanap ng ka-date.
Giana: True!
Meg: Tama!
Stefan: Walang papatol sayo!
Avery: Kanino? Ayusin mo ang sagot mo Stefan. (angry emoji)
Stefan: That’s for the monkey you are with.
Meg: Baka kainin mo yang sinabi mo.
Hindi na nagreply si Stefan. Hindi na din ako sumilip sa GC dahil nakipag picture taking naman ako sa mga parrot.
Pagkatapos naming maglibot at kumain muna kami ng lunch bago kami nagtungo sa skyranch. Ang layo din ng biyahe namin papunta dito. Mabuti sina Stefan dahil dala nila ang hotel car.
“Ang init! Nasaan ba sila banda?” reklamo ko.
“Ayon oh. May kausap na sexy chicks.” turo ni Avery.
Lumapit kami sa kanila. Mapanghusga akong tumingin kay Stefan kahit iyong babae naman ay si William ang kausap. Tumingin ako sa babaeng naka tube na itim at naka short ng maikli, kulang na lang ay maghubad.
“Ang init talaga!” muli kong reklamo.
“Oo nga eh.” sang-ayon ni Avery. Buti siya naka sando. Naka itim na spaghetti strap din naman ako pero pinatungan ko ito ng jacket dahil masyadong revealing para sa akin.
“Hubarin mo na kasi yang jacket mo kaysa panay ang reklamo mo.” sabi ni Giana at siya na ang humila ng aking jacket mula sa likod hanggang mahubad ito, “Oh see? Refreshing.” sabi pa niya.
Tama naman siya. Naramdaman ko ang dampit ng hangin sa mga balat ko. Parang gumaan ang pakiramdam ko.
“Tapos itali mo ang laylayan ng damit mo para lumabas ang curve mo. Dagdag presko din yan, makakahanap ka pa ng oppa.” sabat naman ni Avery at ginawa ang suggestion niya sa akin.
“Teka! Huhubaran nyo din ba ako?” duda kong sabi.
“Hindi naman. Bagay naman sayo, hayaan mo na para mauna tayo sa mga pili. Ganda mo kaya.” ani Avery saka kumapit sa braso ko.
Narinig ko ang mapang uyam na tawa ni Stefan kaya tiningnan ko ito. Nakahalukipkip itong umirap sa akin.
Nagsimula na kaming pumila sa mga rides. Gaya ng sinabi ni Avery kanina, may ilang mga kalalakihan ang pinapauna kami sa pila hanggang sa napansin ko nalang na sa lahat ng rides na sakyan namin ay nakasunod ang grupo ng mga lalaking iyon.
“Nasaan ang dalawa?” tanong ni Avery.
“Baka katulad ng mga lalaki sa likod natin ay mga nakabuntot din sa kursunada nilang babae. Nandyan lang ang dalawang yan sa tabi tabi.” mahina kong sagot.