CHAPTER 7 - Augmentation

4848 Words
6pm na at madilim na sa paligid. Balak talaga naming tatlo na ipanghuli ang ferris wheel dahil mas maganda daw kung sa gabi sasakaya doon dahil kitang kita mo mula sa tuktok ang buong bayan, samahan pa ng mga nagkikislapang mga ilaw.  “William!” tawag ni Giana kay William habang may kausap ito sa kanyang cellphone. Katabi naman nito si Stefan. Lumapit kami sa kanila. “Tara sa doon.” turo ni Giana sa ferris wheel. “Sure. Kanina ko pang gusto sumakay dyan, ang KJ lang nitong kasama ko.” sagot ni William saka tinago ang cellphone sa kanyang bulsa.  Mahigit isang oras din kaming pumila ng sa wakas ay kami na ang sasakay. “Sorry ma’am apat nalang po. Doon na lang po tayo sa kabila.” Sabi sa akin gn crew. Saglit akong natulala at tumingin sa likod ko. Iyong mga lalaking bumubuntot sa amin. “Join with us miss beautiful.” sabi ng lalaki sa likod ko. Hilaw akong ngumiti sa kanila saka bumalik ng tingin sa mga kasama ko. Ang daya! Ang tagal kong pumila. “Sasamahan nalang kita Meghan.” offer ni Giana pero pinigilan itong lumabas ni Stefan. “Ako na.” tipid nitong sabi saka ito lumabas sa cubicle at hinila ako hawak sa palapulsuhan patungo sa kabilang cubicle. Binitawan lang niya ako ng nasa loob na kami. Kasunod naman naming pumasok ang pitong grupo ng mga kalalakihan na kanina pang bumubuntot sa amin.  Hindi ko alam kung bakit naging abnormal na naman ang t***k ng puso ko simula ng hawakan ni Stefan ang kamay ko kanina at hanggang ngayon ay ayaw kumalma ng puso ko. Lalo na sa tuwing magtatama ang mga mata namin. OMG! I can’t! Tumalikod ako sa kanya at naupo ng maayos pero itong lalaking nasa harapan ko ay parang baliw na nakangiti sa akin. Hinawi pa ang buhok na akala mo naman ay gumwapo sya sa ginawa niyang iyon.  “Hi. I’m Jerome, and you are?” tanong nito.  Lumunok ako at isa-isang tumingin sa mga kasamahan niya na malagkit na nakatingin sa akin lalo na sa katawan ko. Tangin@! Parang hinuhubaran nila ako sa mga titig ng mga kumag na ito. “Can I borrow your phone?” seryosong tanong ni Stefan sa likod ko. Mabilis akong lumingon sa kanya at makahulugan na tiningnan. “Your phone?” ulit pa nito. Kinuha ko ito sa maliit kong cross bag at inabot sa kanya. Muli akong tumingin sa iba naming kasama at bahagyang umusod palapit kay Stefan ng umandar ang Ferris wheel dahil pinupuno ang ibang cubicle. Nakatingin silang lahat kay Stefan at dismayado na umiling kaya naman tumingin na din ako sa kung saan nakatuon ang mga mata nila at iyon ay sa aking phone case.  Hiyang hiya akong yumuko at tinakpan ang mukha ko saka pumaling kay Stefan.  "What are you doing?" taka nitong tanong "tapos kana ba sa cellphone ko?"  "yes." sagot nito at binalik sa akin ang aking cell phone, agad ko naman itong itinago sa aking bag.  Nahagip ng mga mata ko ang pasimple nitong ngiti kaya seryoso akong tumingin sa kanya kahit sobrang nagwawala pa din ang puso ko.  “What?” casual nitong tanong. Tumitig lang ako sa kanya habang sinusubukang basahin ang kung ano mang tumatakbo sa isip niya pero bigo ako kaya inirapan ko nalang siya saka ako tumingin sa bintana ng cubicle. Nasa tuktok na kami ng ferris wheel at sobrang nabighani ako sa ganda ng paligid. Actually, ito ang unang beses na sumakay ako dito. Ang gaan sa pakiramdam. Hindi ko papalampasin ang pagkakataon na ito na hindi ako makakapagpapicture kaya naman kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang paligid tapos ay inabot ko ito kay Stefa. Kunot noo naman itong tumingin sa akin. “Picturan mo ako.” utos ko sa kanya. “Anong tingin mo sa akin photographer mo?” sagot nito at ayaw tanggapin ang cellphone ko. “Ako nalang miss. Magaling akong kumuha ng picture.” offer ng lalaking nasa unahan ko.  Pilit akong ngumiti sa kanya at akmang iaabot ang cellphone pero tinabig ito ni Stefan at saka itinutok ang kanyang cellphone sa akin. “Faster.” sabi pa nito. Mabilisan yung mga pose na ginawa ko dahil pinagmamadali niya ako na parang bang take it or leave it ang siste.  “Patingin.” sabi ko pero itinago na nito ang kanyang cellphone sa bulsa, “Ipasa mo nalang sa akin.” Nakasimangot kong dugtong. “Later.” wala nitong ganang sagot.  Bwisit!  Ang KJ kasama. Sana si Giana nalang kasi ang kasama ko dito, or sana sila nalang ni William ang humiwalay? Tangin@! Bat hindi ko naisip yon kanina? Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa kawalan. Ang bobo lang kasi… --- Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay bumalik na kami sa Manila sakay ng chopper at hinatid ulit kami ng van sa kanya kanya naming mga bahay. Kakatapos ko lang mag hot bath ng sunod sunod na tumunog ang viber ko. Kanya kanya sila ng pasa ng mga picture nila sa ferris wheel. Nakakainggit. Puro cityview at selfie ko lang ang meron ako dito sa aking cellphone kaya wala akong maipasa.  Meg: Nice shot. Puri ko sa picture nilang tatlo. Sana all. Giana: Share yours here Meghan. Meghan: Wala eh. (crying emoji) Nilapag ko na sa mesa ang cellphone ko para magbihis. Nag skincare routine na din ako at ng balikan ko ang akin cellphone ay ang dami na nilang chat sa group chat. Ang haba ng kailangan kong iback read. Tumigil ako sa pag scroll ng makita ko ang mga pinasang picture ni Stefan. Mga stolen pictures ko at ang gaganda ng kuha niya, pang instagramable. Halos mapunit ang labi ko sa pag ngiti habang sinesave ko ang mga ito.  Giana: Sana all Avery: May talent. William: Post mo nga kung matapang ka? Stefan: GAG0! Ilan sa mga nabasa ko noong magbagckread ako.  Meg: Thanks, Stefan (Kiss emoji) Seenzoned lang ako. --- “Babe, I saw your pictures that Avery posted. Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagpunta kayo sa Pampanga? Sinamahan sana kita.” tanong ni Rufus at naupo pa sa kabilang arm desk. Kakatapos lang ng 3 major subject namin at ngayon ay lunch break na.  “Kailangan ko pa bang sabihin sayo ang bawat lakad ko?”  “Of Course babe, I am your boyfriend.”  “Rufus!” inis kong sabi, “Hindi ka ba nakakaintindi?” “Hindi ako papayag na makipag break ka sa akin hanggat hindi bumabalik yang alaala mo Meghan! Palalampasin ko sa ngayon ang lahat ng ito dahil may amnesia ka but you’re only mine. Tandaan mo yan!” sabi nito habang pinipigilan ang emosyon saka umalis. “What is happening to you, Meghan? Being friends with the losers? Ugh!” iritang sabi ni Shandra saka sumunod kay Rufus. “Get your grip girl!” pahabol na sabi ni Mia saka sila sumunod ni Flora kay Shandra. Konti nalang bibingo na sa akin ang Shandra na ito! Nakakasira ng araw! Lumapit sa akin Giana, “It’s okay. Kumain na lang tayo. Bukas pa daw papasok si Avery dahil masama pa din ang pakiramdam niya.” imporma nito sa akin. --- Pagkatapos naming kumain ng pananghalian ay nagpaalam na sa akin si Giana dahil may ibang klase ito habang kami ay vacant ng isang oras. Katabi ko ngayon dito sa lobby si Terence, isa sa mga kaklase na na magaling sa math. Nagpaturo ako sa kanya at hanga ako sa galing niya pati na din sa pagpapaliwanag dahil mabilis kong nakukuha kaysa sa aming prof na para bang laging nagmamadali sa buhay. “It is all too easy if you are not sure where your solution is going, para masolve mo ang vector equation a.x = 1 by dividing both sides.” paliwanag nito. Palabiro si Terence kaya no dull moment kasama siya. Inamin din niya sa akin na ngayon lang niya ako nakausap sa loob ng tatlong taon naming magkaklase. Tumawa ako ng magbiro ito tungkol kay Rufus. Binangga ko pa ang braso nito sa pagtawa hanggang sa bigla nalang may humila kay Terence mula sa kanyang likuran kaya mabilis ako tumayo. “So, you’re making fun of me now?!” asik ni Rufus saka sinapak si Terence. Tumakbo ako kay Terence para tulungan itong tumayo saka ko hinarap si Rufus at malakas siyang tinulak ng akmang lalapitan ulit si Terence. “Ano bang problema mo!” Sigaw ko sa kanya. “You are my problem, Meghan! You are flirting with them while you are ignoring me. Ako ang boyfriend mo!” balik nitong sigaw sa akin. “Do not make a scene, Rufus.” Saway ko sa kanya sa kalmado na boses dahil nagbubulungan na ang mga nandito sa lobby. Ang iba ay vinivideohan na kami. Tumalikod ako sa kanya para humingi ng pasensya kay Terence pero kinabig ni Rufus ang kamay ko at kinaladkad ako hanggang sa likod ng aming building. Inis kong binawi ang kamay ko sa kanya. “Pwede ba Rufus! Tigilan mo na ako!” sigaw ko. “You know I can’t. For 3 years… All I ever did was to love you tapos itatapon mo lang ang lahat ng iyon? Hindi tayo maghihiwalay hanggat hindi bumabalik ang alaala mo! Hindi ako papayag at hindi ko kaya!”  “Look. Hindi kita maalala at hindi ka maalala ng puso ko kaya huwag mo akong pilitin na gustuhin ka dahil hindi ko din kaya!” Sagot ko at sinusubukan na hinaan ang aking boses sa tuwing mapapalakas ito sa galit. Umiling ito at hinawakan ang magkabilang balikat ko, “Bakit hindi mo subukan? Please Meghan!” naiiyak nitong sabi. Nasasaktan ako para sa kanya. Mahal na mahal niya si Meghan pero hindi ako si Meghan sa pagkakataong ito. Ako si Seraphina at hindi ko kayang mahalin si Rufus gaya ng pagmamahal na inialay sa kanya ni Meghan. Isa pa, hindi pwede.  Yumuko ako dahil hindi ko kayang tagalan ang mga titig niya sa akin. “I’m sorry, Rufus.” “No!” mariin nitong sabi, “Bakit ayaw mong subukan na alalahanin ako? Dahil ba iba na ang gusto mo? Ha?! Sino? Si Terence? O baka naman iyong hayop na si Stefan! Tell me!” sigaw niya at humigpit ang kapit nito sa braso ko. “Nasasaktan ako Rufus!” “Masasaktan ka talaga kapag nakipag-landian ka kay Stefan! Ano bang nakita mo sa lalaking iyon?! Hindi ba galit ka sa kanya, kinamumuhian mo sya tapos ngayon aakto ka na parang sa kanya na lang umiikot ang mundo mo? Mapapatay ko ang gag0ng yon kapag inagaw ka nya sa akin!”  “Tama na Rufus!” iyak ko dahil masakit na ang braso ko, “Labas si Stefan dito! I may have hated him before pero mabuti siyang tao. Mas may puso pa siya kaysa sayo! Marunong siyang makipagkapwa tao, hindi gaya mo na walang ibang iniisip kundi ang sarili. He is better than you!” Hindi nito nagustuhan ang mga sinabi ko. Marahas niyang hinila ang mukha ko para halikan pero sinampal ko kaagad ito ng malakas. “You don’t want me to kiss you? Bakit? Sya na ba ngayon ang pinapaligaya mo sa kama?” pang uuyam nito. “Bitawan mo ako!” “Try to kiss me, Babe. Baka bumalik sa alaala mo ang lahat.” aniya at marahas na hinawakan ang aking pisngi, “kiss me so you will remember how I f*ck you in my bed.” bulong nito sa tenga ko.  Nanlaki ang mga mata ko at nangilabot.  Siniil niya ng halik ang leeg ko habang pilit akong nagpupumiglas at nagmamakaawa. Bumabalik lahat ang alaala ko noong tangkain akong gahasain ni Tatay. Binalot ng takot ang buong katawan ko at nanginginig.  Natatakot ako na baka mapatay ko din siya gaya ng nagawa ko noon at ayoko ng mangyari iyon. Wala akong nagawa kundi umiyak sa takot. Sinira niya ang aking blouse saka bumaba ang halik niya habang bumangga naman ang mga likod ko sa malamig na pader. May humila kay Rufus mula sa kanyang likod at nakita ko nalang siyang humandusay sa lupa. “Ang hilig mo talagang makialam, Stefan!” Asik ni Rufus at pinunasan ang dugo sa labi. “She’s mine!” Walang imik na hinila ni Stefan ang kwelyo ni Rufus at muli itong sinuntok ng paulit ulit hanggan mapuno ng dugo ang mukha nito. Naalala ko ang duguan kong tatay-tatayan sa itsura ni Rufus kaya tumakbo ako kay Stefan para pigilan ito dahil baka mapatay niya ito.  “Tama na, Stefan!” iyak ko saka ko siya hinila. Nakakuyom ang duguan niyang kamay ng lubayan niya si Rufus. Tumingin ito sa akin tapos ay sa sira kong blouse. Hinubad niya ang kanyang coat at ipinatong sa harapan ko, pagkatapos noon ay naglakad na siya palayo sa amin. Tumingin ako kay Rufus dahil sinusubukan nitong bumangon.  “Tama ka, I am being unfair pero hayaan mo muna akong gawin ang gusto ko hanggat hindi pa kita maalala. Kung mahal talaga kita babalik at babalik ako sayo pero sa ngayon pakawalan mo muna ako Rufus.” nanginginig ang mga boses ko ng sabihin ko iyon saka ko siya iniwan. Nanlalambot akong naglakad pabalik sa aking locker. Hindi ko kayang ituloy ang klase ng ganito ako, ni ayaw tumigil ng luha ko dahil paulit ulit bumabalik sa alaala ko ang ginawa sa akin ni Tatay noon.  Hanggang kailan ako mumultuhin ng aking kahapon? “Anong nangyari sayo?” alalang tanong ni William sa akin. “Meghan!” galit na tawag sa akin ni Shandra at akma akong sasampalin pero pinigilan siya ni William saka tinulak palayo.  Nagpalitan sila ng masamang tingin. Unang bumawi si Shandra at sa akin binaling ang tingin na iyon. “How dare you Meghan! Bakit kailangan mong gawin yon kay Rufus?!” sigaw nito sa akin. “Wala akong ginawa sa kanya. He harassed me!” sagot ko. “Ang arte mo kasi!” gigil nitong sabi. “Can you shut the hell up, Shandra? This is not the right time to rant.” inis na sabat ni William saka nito tinabig si Shandra at hinila ako palayo sa kanila. Nasa oval kami at parehong nakaupo. Ininom ko ang binili niyang tubig sa akin kanina. “Salamat.” tipid kong sabi, “Bumalik kana sa klase.”  “Nah! It’s okay. Magpasundo ka sa driver mo saka ako babalik sa klase.” sagot ni William.  --- Nagkulong lang ako sa kwarto ng makabalik ako sa bahay.  Nabasa ko ang chat nina Avery at Giana sa group chat pero hindi ko muna ito sinagot dahil wala ako sa mood. Kinabukasan naman ay hindi pumasok si Rufus, okay na din iyon dahil natatakot ako kapag nakikita ko siya. Humingi naman ako ng tawad kay Terence dahil sa ginawa sa kanya ni Rufus. Dahil din sa nangyari kahapon ay tuluyan na akong hindi kinausap nina Shandra, Mia at Flora. Sorry Meghan kung sinira ko ang friendship nyo at lalo na ang relasyon ninyo ni Rufus. Sana mapatawad mo ako. Naglalakad kaming tatlo nina Avery at Giana sa pasilyo ng nakasalubong ko si Stefan. Ngayon lang din ito pumasok.  “Stefan.” tawag ko sa kanya. “Salamat.” pasasalamat ko, hindi niya ako tinapunan ng kahit konting atensyon at sa halip ay nilampasan lang ako. “LQ?” tanong ni Avery. “Baka nagpapalamig lang. Ikaw kaya ang makabasag ng mukha.” sabi naman ni Giana habang ngumunguya ng burritos. Hindi ako papayag na iwasan ako ni Stefan! Nasa pansinan level na kami tapos magiging back to zero na naman ako? Na pepressure na nga ako kay Dok Albert eh. Nagpaalam ako sa dalawa kong kaibigan at tumakbo para habulin si Stefan.  Sinundan ko ito hanggang sa library. Malaki ang library ng school na ito at hanggang 2nd floor. Ang first floor ay mga estudyante na gusto lang mag chill habang nag-aaral, ang section na ito din ay pwede kang mag-ingay pero hindi naman yung ingay na nakakagulo sa ibang mag-aaral habang ang 2nd floor naman ay doon mo makikita ang mga estudyante na seryoso sa ginagawa nila. Sobrang tahimik doon maging paghinga mo ay maririnig mo. Naabutan kong nagbabasa ng libro si Stefan. Umupo naman ako sa katapat niyang upuan.  “Galit ka ba sa akin? Bakit ang sungit mo? I said thank you.”  Hindi niya pa rin ako pinansin. Nag suot ito ng earphone sa tenga. Kahit anong papansin ko ay hindi talaga ako tinitingnan. Lahat ng upuan dito ay may gulong at carpeted ang sahig kaya naman pinaandar ko ang aking upuan sa kaliwa at kanan. Pabalik balik ako habang pinapadulas ko ang aking upuan sa harap ng mesa ni Stefa.  “Stefaaan!” sabi ko sa iba't-ibang tono. Sinasamahan ko pa ng pagkaway at pagme-make face pero deadma nya pa rin ako.  Para akong bata na pinaglalaruan ang upuan. Atras abante hanggan tumama ang likod ng upuan ko sa upuan ng kabilang table. “Sorry.” Paumanhin ko at nginitian ang gwapong lalaking nakangiti din sa akin. “It's okay. I'm Drix Acheves, and you are?  “Sera- Oh.. I mean Meghan.” Masigla kong pakilala. “Nice name, Meghan.” compliment nito at nakipag shake hands. Narinig ko ang pag-ubo ni Stefan kaya agad akong sumulyap sa kanya pero nanatili tong nakatingin sa kanyang binabasang libro. Nagseselos ba sya? Haha! In my wildest dream.  “Thanks, I like your name too, Drix.”  “Wanna hang out tonight?” casual nitong tanong sa akin. Hindi agad ako nakasagot. Hilaw akong ngumiti at nilabas ang aking cellphone. “Check ko lang schedule ko.” sagot ko at kunwari na may tinitingnan sa aking screen, pasimple akong sumulyap muli kasy Stefan. Nagbabasa pa din sya with earphone kaya imposibleng narinig niya kami, “Sige.” sagot ko.   Padabog na sinara ni Stefan ang libro na ikinagulat ko saka ito umalis. Muli akong tumingin kay Drix. “Give me your number.” Aniya. “Actually, busy pala ako buong taon. Bye, Drix” Paalam ko sa kanya saka ako tumakbo para habulin si Stefan.  Nasa labas na kami ng library ng huminto si Stefan at nakabusangot na humarap sa akin. “Can you stop pestering me?!” bulyaw nito sa akin. Tiklop naman agad ako. Naglaho ang malawak kong ngiti. “G-Gusto ko lang naman magpasalamat sayo.” mahina kong sagot. “You already did and that’s enough! Can you just please stay away from me? Kahit ngayon lang, you’re so annoying!” muli niyang sabi sa mataas na tono. Para akong batang pinapagalitan. “Sobrang grateful ako noong dumating ka kahapon at pinagtanggol mo ako kay Rufus. Sige, hindi na ako lalapit sayo kahit kailan.” paiyak kong sabi saka ako tumalikod sa kanya.  “Ugh!” suko nitong reaksyon, “Meghan! That’s not what I meant.” nagbago ang tono ng boses nito. Hindi na ako sumagot at iniwan siya. Baka kasi naistorbo ko talaga siya. Pero atleast medyo umamo ang boses niya sa akin. Mag papamiss muna ako kay Stefan. Baka sakaling umepek. --- NARRATION Kinagabihan ay tumawag sa si Dok Albert kay Meghan at pinapapunta niya ito sa kanyang opisina. Hindi sa clinic nito kundi sa mismong opisina niya sa Escajeda building. Nagpaalam si meghan sa kanyang mga magulang at sinabing related pa din ito sa kanilang group project at nagpahatid sa kanilang family driver.  “Hello, Meghan. Have a seat.” ani Dok Albert. Naupo naman si Meghan sa itim na sofa. “Have you heard about the new partnership of Mercedez and Escajeda?” excited nitong tanong. Umiling si Meghan, “Hindi. Ano ba yon?”  “Of course. You know nothing. May panibagong partnership ang kumpanya ng mga magulang mo at ng mga magulang ni Stefan.” paliwanag nito sa madaling paraan, “Stefan will be actively working in Escajeda kaya aasahan kung ganun ka din. You have to impress his family para naman hindi mahirap sa akin ang ibuild up ka sa kanila.”  “Susubukan ko. Ang dami ko pa kasing kailangan na malaman sa kumpanya nina Daddy.” “You have to do your best! Naiinip na ako, Seraphina.”  Tumango lang ito bilang sagot. May mga ilang impormasyon na ipinaliwanag si Dok Albert dito bago ito tuluyang umalis.  Kakalabas lang din ni Stefan sa opisina ng kanyang Ama ng makita naman niya ang paglabas ni Meghan sa opisina ng kanyang pinsan. Nagtataka nitong pinagmasdan ang papalayong si dalaga saka siya nagtungo sa opisina ni Dok Albert. “Stefan. What brings you here?” He asked. “Nakita kong lumabas mula sa opisina mo si Meghan. Anong ginawa niya dito?” seryosong tanong ni Stefan. Dok Albert paused and smiled as he looked back to his cousin, “Oh! The beautiful Meghan Mercedez, right? Bakit mo tinatanong?” “She’s my classmate.”  “And?”  “Can you just answer my question?” irita nitong sabi dahil nawawalan na siya ng pasensya at medyo napapahiya din sa kanyang pinsan. “May gusto siyang ipabago sa kanyang katawan.” he lied and looked back at his computer. He scoffed, “Bakit dito siya pumunta at hindi sa clinic mo?” he doubtly asked. “I think it’s none of your concern, Stefan.”  “It is.”  “Really?” Bahagya itong tumawa, “So you are concern about his br3ast consultation? Gusto niya kasing magpadagdag ng dibdib dahil iyon daw ang tipo ng lalaking nagugustuhan niya ngayon at balita ko ay kaklase niya din ito.” dugtong nito. Natulala si Stefan at nasamid sa sariling laway. He cleared his throat and looked  away. Hindi na nito nagawang tumingin ulit sa kanyang pinsan dahil sa kahihiyan. Tumayo ito at inayos ang damit saka awkward na lumabas. Wala ito sa sariling naglakad sa hallway habang hindi makapaniwala sa narinig. “Is she crazy? Why does she have to do it? It’s already perfect! Ugh! Why am I even saying this? T@ngina!” He murmured saka gigil na sinipa ang pader. “Sir Stefan, are you alright?” tanong sa kanya ni Andy, ang secretary ng kanyang ama. He awkwardly smiled at him and nod, “Yes. Don’t mind me.” sagot nito saka tuluyang pumasok si Andy sa loob ng opisina ng kanyang ama. Muli niyang sinipa at sinuntok ang pader. “This is crazy! I am crazy!” inis niyang sabi saka niluwagan ang necktie. ---- MEGHAN POV Tanghali na akong nagising kaya naman 30 minutes akong late sa klase. Tinadtad na nga ako ng message nina Avery at Giana sa aming GC. Ang sabi pa ni Avery sa personal message nito na hinihintay daw ako ni Stefan sa gate. Impossible naman na ako ang inaabangan noon sa gate, baka chicks. Pagkatapos ng aming pangatlong subject ay mabilis na lumapit sa aking si Giana at Avery. “May inorder akong pagkain sa foodpanda. It’s my treat kaya doon tayo kumain mamaya sa oval.” excited na sabi ni Giana. “Basta pagkain, Giana no?” inis na sabi ni Avery. May sumipa ng upuan ko kaya nag-angat ako ng tingin. Si Stefan. Nakatayo na ngayon sa harap ko mula sa pagkakasipa ng upuan ko kanina sa likuran. “Follow me.” aniya saka ito naglakad palabas. Ngumisi si Avery at sinundot ang tagiliran ko habang tinutukso ako. May ilan na nagbubulungan kaya tumayo na ako. Hindi naman nakaligtas sa aking mga mata ang pag-irap ni Shandra.  Sinundan ko siya hanggang sa rooftop. Isang palapag na lang din naman dahil nasa fifth floor kami. Lumapit ako sa kanya at sumilong sa bubong dahil ang init. “Bakit?”  Humarap siya sa akin at namewang tila nahihirapan na magsalita. Yumuko ito at huminga ng malalim saka tumingin sa akin tapos ay sa dibdib ko tapos ay sa akin ulit. “Listen!” aniya at dinuro ako habang ang isang kamay ay nanatiling nasa baywang nya, muli itong tumingin sa aking dibdib mabilis na namula ang pisngi ko at niyakap ang aking sarili.  “Ugh!” inis niyang sabi, “You don’t have to increase that thing, it’s already perfect… I mean… tama na sa akin ang ganyan kalaki! K-Kanino mo ba nalaman na gusto ko ang malaking dibdib?!”  Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Stefan at mas niyakap pa ang aking sarili saka umatras, hindi bali ng mainit ang araw. “A-Ano bang sinasabi mo?” kinakabahan kong tanong. Huminga ulit ito ng malalim, “Forget it! And forget that augmentation!” pinal niyang sabi saka ito umalis. Naiwan akong nakanganga at tulala.  Anong augmentation ang sinasabi noon? At bakit dinuduro niya ang aking dibdib? Shiiiit! Ibig niya bang sabihin ay br3ast augmentation? Iyong nagpapalaki ng dibdib na ginagawa ni Dok Albert? Pucha!  Napahawak ako sa nag iinit kong mukha. Bakit naman niya naisip na gagawin ko iyon para sa kanya? Nahihibang na ba sya?! Tumakbo ako pababa para habulin si Stefan. Naabutan ko ito sa hallway. “Hoy Stefan! Sinong may sabing magpapadagdag ako--” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng takpan niya ang aking bibig. Sa sobrang inis ko kasi ay hindi ko na namalayan na ang dami na palang estudyante dito sa hallway at nasa tapat kami ng classroom ng mga engineering. Pilit akong kumakawala sa kanya pero mas hinigpitan nito ang kapit sa bibig ko at saka ako inakbayan para hatakin palayo sa mga estudyanteng nakarinig ng una kong sinabi. “Hoy ano ang ipapadagdag? Dagdag reveals!” sigaw ng baklang estudyante sa amin, “Dagdag ba o laglag? OMG Ipapalaglag? Hoy huwag mong ipalaglag yan! Biyaya yan ng Diyos!” muli nitong sigaw. Nanlilisik ang mga mata namin na nilingon ang madaldal na baklang nakatayo sa pinto ng kanilang classroom. Pinaglapat niya ang mga labi niya at bahagyang umatras. “What did you just say?” malamig na tanong ni Stefan sa bakla. “Laglag? I mean dagdag?” kinakabahan nitong sagot. “Just a piece of advice, shut your big mouth.” aniya saka umalis. Sumunod naman ako kay Stefan. Pagbalik namin ng classroom ay nandoon na ang proof namin ng economics. Naupo ako sa aking upuan at palihim na nagtipa sa aking cellphone para i-pm si Stefan sa viber. Meg: Sino ang may sabi na magpapadagdag ako ng dibdib para sayo? Ha? Nababaliw kana ba?!  Bakit ko naman dadagdagan pa ito, eh nadidistract ka nga dito eh! (bleeh emoji) William: Whoa! Nice distraction bro. Avery: Did I just read? Giana: Iyan ba ang pinag-usapan nyo kanina? William: Madibdibang usapan! (laughing emoji) Peste! Bakit sa GC ko naisend?! BWISIT TALAGA! Narinig ko ang hagikhik ni William sa likod. Pagkatapos ng aming klase ay halos takbuhin ko ang palabas ng classroom dahil sa kahihiyan. Alam kong guguluhin ako nina Avery at Giana ng tanong tungkol sa chinat ko.  “Meghan! Wait for us!” tawag sa akin ni Giana. “You owe us an explanation.” segunda ni Avery.  Mas binilisan ko ang paglalakad pero naabutan ako ng dalawa. Pareho nila akong inakbayan at hinawakan ang magkabila kong kamay para wala ng kawala sa kanila. “What’s with your message? Bakit ka magpapadagdag?” Biro ni Avery “Hindi nga!” angil ko. “Oo nga. Ang laki na niyan eh,” sabi ni Giana at sinundot ang dibdib ko, “Gusto ba ni Stefan iyon mala booba?” natatawa nitong sabi. “Tigilan nyo ako! Hindi nga sabi!”  “Huwag ka ng magpadagdag talaga dahil baka hindi kana makayuko nyan.” muling biro ni Avery. Inirapan ko na lang ito, “Hey guys!” tawag ni Avery kayna William at Stefan. “Oh! Bakit mo tinawag pa?” bulong ko. Ngumisi si William ng makita kami saka ito naglakad palapit sa amin. “Hi, the great distractor!” mapang-asar na bati ni William.  Pinukpok naman siya ni Stefan ng hawak na folder. “Sumabay na kayo sa aming mag lunch, libre ni Giana.” yaya ni Avery. “Nice. Saan?” ani William. “Umorder ako online. Doon kami kakain sa oval para fresh air.” sagot ni Giana. Ngumiwi ang dalawa. “Ayoko. Ang corny! Kayo na lang.” sagot ni William. “Ang KJ! Let’s go na.” ani Giana saka nila hinila si William.  “Ayoko nga! Busog ako!” “Hindi kita tutulungan magpalevel kapag hindi ka sumama. Wala ng bubuhat sayo!” banta naman ni Giana. “Gutom pala ako. Let’s go.” aniya at inakbayan si Avery at Giana saka ito nagpabigat at iniangat ang paa. Natatawa na lang akong panoorin sila lalo na ng subukan nga nilang pag-usungan si William. Tumingin ako kay Stefan na tumatawa din sa tabi ko at ng nagtama ang mga mata namin ay inirapan ko siya.  Naglakad na ako para sumunod sa kanila pero tumigil din ng hindi sumunod si Stefan. Nilingon ko ito. “Ano? Ayaw mong sumama? Magpapabuhat ka din ba?” sarkastiko kong tanong. “Why not?” sagot nito at tumingin sa dibdib ko saka nakakalokong ngumisi. “Bahala ka dyan!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD