Nagtungo si Stefan sa opisina MOGC ngunit hindi ito makakapasok dahil may mga bantay sa mismong entrada ng building. Mga bodyguard na binayaran ni Mr. Mercedez para lang mabantayan si Phina. “Gusto nyo bang tumawag ako ng backup, Sir?” tanong ng kanyang bodyguard driver habang nakatitig si Stefan sa building mula sa loob ng kanyang sasakyan. “No. Ayokong mas lalo akong kamuhian ni Tito Elmiro.” Malungkot nitong sagot saka napunta ang atensyon nya sa pizza delivery guy na lumampas sa gilid ng sasakyan nila. Doon siya nagkaroon ng idea. “Boss, masyado naman po itong malaki. Nakakahiya po.” nahihiyang sabi ng delivery man ng tanggapin ang perang basta nalang hinugot ni Stefan mula sa kanyang wallet. Kakamot kamot pa ito sa kanyang ulo habang nakangisi kay Stefan. “Just accept it. You don’

