Ngayon ang araw ng discharge ni Phina pero bago sila tuluyang umuwi ay dumaan muna si Stefan upang dalawin si Ellie o mas magandang tawagin na si Meghan. May dala itong mga prutas at bulaklak na agad tinanggap ni Tristan ng makapasok siya sa loob ng kwarto nito. “Why are you here? Don’t worry wala akong balak tumakas.” Malamig na sabi ni Ellie without looking at him. “I genuinely want to visit you and your baby. Nabalitaan ko ang nangyari and I feel so sorry for what happened.” “I don’t need your sympathy. Pwede ka ng umalis.” “Babe.” saway ni Tristan. Tumingin si Tristan kay Stefan na para bang siya na ang humihingi ng pasensya sa inaasal ni Ellie. “It’s okay. I understand.” mapait itong ngumiti tapos ay tumingin kay Ellie, “Meghan, alam kong hanggang ngayon ay galit ka sa akin at a

