Pinapahidan ni Stefan ang mga galos ko ng ointment pagkatapos niya itong linisan. Bawat dampi ng daliri niya sa aking mga sugat ay ang puso ko ang naman ang mas kumikirot. Iniwas ko ang mga mata ko sa gwapo niyang mukha.
Habang tumatagal ay hindi na kinakaya ng konsensya ko ang mga panlolokong ginagawa ko sa kanya. Sobrang sakit dito sa puso ko at alam kong may mas sasakit pa dito sa nararamdaman ko ngayon… at iyon ang dumating ang araw na kinatatakutan ko.
“What’s on your mind?” untag ni Stefan sa akin. Unti unti akong tumingin sa kanya at mapait na ngumiti, “Is there something bothering you?” dagdag nito.
Umiling ako. Pumikit ako at dinama ang mainit na palad ni Stefan sa aking mukha. Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Gumapang ang isang kamay ni Stefan sa aking baywang upang kabigin palapit sa kanya pero nahinto ito ng may maramdaman akong kirot sa aking tagiliran.
“What’s wrong?” kunot noo niyang tanong dahil sa pag-daing ko. Halos hindi ako makahinga sa sakit dahil nadiinan niya ang bandang iyon.
“W-Wala i-”
Hindi ko na tapos ang sasabihin ko ng itaas ni Stefan ang blouse ko upang silipin kung bakit ako nasaktan sa ginawa niya. May kulay ube na pasa ako sa bandang ribs at sa sikmura. Nagsalubong lalo ang mga kilay nito. Tiim bagang niyang pinasadahan ng tingin ang mga pasa ko sa katawan ng hubarin niya ang blouse ko.
Dinampot niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng center table at may tinawagan.
“Joco, review the CCTV footage along Gonzales Avenue around 9 am. Yes. Report it back to me. Alam mo na ang gagawin mo.” utos ni Stefan.
Binalot ng kaba at takot ang aking dibdib. Nagpapanic ang utak ko. Paano kung makita nila na itinapon ko lang naman ang bag ko sa basurahan?
“Y-You don’t have to do this. Ang mahalaga naman ay ligtas ako. Huwag mo ng pag-aksayahan ng oras ang gumawa nito sa akin.” saad ko sa nanginginig na boses.
“Hindi ko kayang palampasin ang nangyari sayo, Love. Kahit ubusin ko pa ang oras ko makaharap ko lang ang gumawa niyan sayo. I will haunt him, even in his dreams, I will be his biggest nightmares. Walang kahit sino ang pwedeng manakit sayo, tandaan mo yan.” mariin nitong tugon.
“I’m sorry. I wasn’t there to protect you. Pinapangako ko, hindi na ito mauulit.” determinado niyang sabi. Pumikit ako at tumango sa sinabi niya.
Sinusubukan kong ikalma ang sarili ko. Kailangan kong mag-isip ng paraan para hindi nya makita ang footage na ipapasa mamaya ni Joco.
Pero paano?
“Tungkol kay Albert…”
Pumaling ako sa kanya. Kung possible lang ay baka kanina pa siguro humiwalay ang puso ko sa sobrang bilis ng t***k nito.
“Sinugod ko siya kagabi dahil nakarating sa akin ang pangtatraydor na ginawa niya sa kumpanya.”
Bumagsak ang balikat ko at pati paghinga ko ay tumigil bigla.
“Palihim siyang nakikipag-usap sa number one competitors ng kumpanya. Sinasabi niya ang mga plano namin sa kalaban, maging ang mga business plan na hindi ko alam kung paano napunta sa kanya ay binigay din niya sa kalaban. Almost 30% of our investors ay lumipat na sa kanila. I don't know what he is up to… Kung may balak siyang pabagsakin ang kumpanya… pwes hindi ko hahayaan na mangyari yun.” kwento nito. Tiim bagang itong tumitig sa akin. Binabasa ang reaksyon ko.
“A-Ano ang plano mong gawin sa kanya?”
“Si Daddy ang may pinal na desisyon tungkol doon pero kung ako ang masusunod, ngayon palang ay aalisan ko na siya ng karapatan sa kumpanya. Ni tumungtong siya sa Escajeda’s building ay hindi ko pahihintulutan.”
Lumunok ako at yumuko.
“P-Pero bakit kailangan mong sabihin pa na layuan niya ako? He misinterpreted it. Ang akala niya ay...” Hindi ko matuloy ang sasabihin ko.
“Ano?”
“Uhmm… W-Wala. N-Nagkita kami kanina sa Escajeda’s building noong idaan ko ang regalo ni Daddy kay Tito Miguel. N-Nabanggit niya sa akin ang ginawa mong pagsugod. Ang akala nya siguro ay pinagseselosan mo sya.” tugon ko.
Tipid itong ngumiti, “Actually yes, I am jealous when he’s around you. Hangga't maaari ay pwede bang iwasan mo sya? Ayokong gamitin ka niya laban sa akin.” Pakiusap nito.
Hilaw akong ngumiti sa kanya at tumango. Niyakap ko siya para itago ang mukha ko dahil kusa ng tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata. Ayaw niyang gamitin ako ni Dok Albert laban sa kanya pero ang totoo... umpisa palang ay ginamit na niya ako laban kay Stefan. He will hate me for sure at hindi ko kayang makita na kasuklaman niya ako.
“Mahal na mahal kita Stefan.” Sambit ko, “Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sakin.”
“Sino ang may sabi na mawawala ako sayo? Remember what I’ve said? You are only mine.”
Mas bumuhos pa ang luha ko. Kahit subukan ko na pigilan ito ay hindi ko magawa. Sobra kong mahal si Stefan at ang sakit sakit isipin na darating ang panahon na mawawala siya sa akin at tanging galit na lang ang matatanggap ko mula sa kanya.
---
Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong tinawagan si Dok Albert para sabihin sa kanya ang mga sinabi sa akin ni Stefan.Nagmakaawa ako sa kanya na gawan niya ng paraan ang tungkol sa CCTV na hinihingi ni Stefan kay Joco. Gaya nya ay ayaw ko din naman na mabisto kami ni Stefan. Kung malaman man niya ang totoo… mas gusto kong pa na sakin mismo magmula iyon.
Kung papaano sasabihin sa kanya? Iyon ang hindi ko alam.
“Napaka b0bo mo talaga Phina! Sa dami mong idadahilan ay iyon pa! Hindi ka talaga nag-iisip!”
“Sa tingin mo ba ay makakapag-isip pa ako ng maayos pagkatapos ng ginawa mo sa akin?!” naiiyak kong sumbat sa kanya, “Takot na takot ako kanina. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman ni Stefan ang totoo, lalo na ng mga Mercedez, mas gugustuhin ko pang mamatay nalang ako kaysa makita silang nasasaktan dahil sa akin.”
“I don’t care, Phina! Next time ay gamitin mo yang kokote mo! Wala kang mararating kung puro puso ang paiiralin mo! Isipin mo, kapag nakuha ko ang lahat ng kayamanan ng mga Escajeda ay mananamasa ka rin doon. Pwede kang mamuhay sa ibang bansa para magsimula ulit.”
“Hindi ba mas walang mararating ang taong sinasamba ang pera? Mas importante pa ba yan sayo kaysa sa sarili mong kadugo? Napakabuting tao ng pamilya ni Stefan. Hindi nila deserve ang lokohin, lalo na ng kadugo nila.” iyak ko.
“Shut up, Phina! Gagawan ko ng paraan ang katangah@n na ginawa mo pero sa susunod na may gagawin ka pa na hindi gumagamit ng utak ay hindi lang bugbog ang aabutin mo sa akin!”
Huminga ako ng malalim. Hindi na ako nagsalita pa dahil hindi din naman sya nakikinig sa mga hinaing ko. Sadyang nabalot na ng kadiliman ang puso ni Dok Albert ng dahil sa pera at kapangyarihan.
“May gagawing meeting sina Stefan. Hindi ko alam kung saan o kailan. Malamang palabas lang nila ang gagawing meeting bukas pero may isa pang meeting na hindi nila ako isinama.” kwento nito saka humalakhak, “Akala nila ay maiisahan nila ako. Kailangan mong sumama sa meeting na iyon, irecord mo ang mga pangyayari. Ipapadala ko dyan bukas ang device na gagamitin mo para doon.” patuloy nito.
Kinabukasan ay may dumating na package sa bahay. Ito yung sinabi ni Dok Albert kagabi na gagamitin ko para sa meeting nina Stefan. Reading glass ito pero may instruction kung paano ito gamitin. Sinukat ko ito at pinagmasdan ang mukha ko sa salamin.
Hindi na ako nalalayo sa isang preso. Para na din akong nakakulong sa isang malaking hawla. Limitado lang ang pwede kong gawin at walang kalayaan sa mga bagay na nais kong gawin o gustuhin.
Hanggang kailan ako magiging ganito?
Dinalaw ko si Stefan sa condo nya para sa iniutos ni Dok Albert. Dalawang beses akong nag doorbell pero hindi ito binuksan ni Stefan. Baka tulog sya kaya pumasok na ako sa loob gamit ang ibinigay niyang passcode sa akin noon.
Sumalubong sa akin ang mabangong pagkain mula sa kusina. Lumawak ang ngiti ko at nagmadaling nagtungo doon but to my surprise…
“Buti naman tapos kanang maligo. Taste-” natigilan siya ng humarap sa akin.
“Sino ka?” malamig kong tanong.
Binitawan niya ang hawak na sandok at lumapit sa akin.
“I’m Belinda. You must be Meghan, right?” nakangiti nitong pakilala at inabot sa akin ang kanyang kamay. Hindi ko ito tinanggap, tinignan ko lang ito saka muling tumingin sa kanya. Hilaw itong ngumiti saka binawi ang kanyang kamay, “Look. It’s not what you think. Uhmm… I’m-”
“Whatever.” Putol ko sa sasabihin niya.
May kasamang babae sa condo si Stefan at ipinagluto pa sya? I don’t f**k*ng need an explanation from her. Mas gusto kong pakinggan ang sasabihin ni Stefan! Nagtungo ako sa kwarto ni Stefan at dumaretso sa kanyang banyo.
“What the!... Love?” Bulyaw niya sa gulat. Pinatay niya ang shower at mabilis na sinara ang pinto saka lumapit sa akin. “I’m sorry. Akala ko ay si-” paliwanag nito.
“So, who is Belinda?” irita kong tanong.
Ngumisi ito at akmang yayakapin ako pero umatras ako at pinagsalikop ang aking mga kamay.
“You want me to kiss you in front of her, love? C’mon. She’s my Aunt.”
“Aunt mo mukha mo! Bakit wala sya every sunday dinner?” duda kong tugon.
“Because she lives in Singapore. Dumating siya kahapon. Bunsong kapatid sya ni Dad.” paliwanag nito.
“Bakit parang hindi naman nalalayo ang edad natin sa kanya?” duda ko pa ding sabi.
“Love, I’m not gonna cheat on you. Believe me, she’s my aunt. They call her miracle baby dahil nasa 50’s na si lola noong ipinagbubuntis sya. She loves to travel kaya palagi siyang absent sa mga family gathering namin.” aniya. Hinawakan nito ang braso ko.
Habang nagpapaliwanag siya ay sa kanyang ibaba lang ako nakatingin.
“Don’t just stare at it.” mapang-akit niyang sabi.
Umiwas ako ng tingin, “Bilisan mong maligo.” sabi ko saka lumabas.
Bumalik ako sa kusina. Naghahain na ng pagkain si Belinda. Lumapit ako sa kanya at nahihiyang ngumiti.
“I-I’m sorry for being rude kanina.” paumanhin ko.
“Nah! It’s okay. I understand and I will do the same.” turan niya, “Nasa Mariana Island ang parents ko kaya dito muna ako tumuloy. Kung hindi mo naitatanong, Stefan is my favorite nephew kaya mas close kami among the others.” aniya.
Ngumiti ako at lumapit pang lalo sa lamesa.
“Can I help you, Tita Belinda?”
Ngumisi ito at umiling sa akin, “Drop the Tita. Ang lakas maka oldies. Just call me Belinda or Ate, basta huwag lang tita. Actually, I don’t like them calling me Tita talaga.” Tawa nitong sabi, “Have a sit, I cooked pesto pasta.”
Lumabas si Stefan ng kanyang kwarto. Naka black pajama lang ito, naglalakad palapit sa amin habang nagpupunas ng kanyang basang buhok. Hinalikan ni Stefan ang ulo ko saka ito umupo sa aking tabi.
“Okay na ba kayo?” pilyo pa itong ngumiti.
“Yes. Hindi naman selosa itong si Meghan.” sagot ni Ate Belinda.
Lalong lumawak ang ngisi nito, “I doubt that.” Sagot niya at tumingin sa akin. Umirap naman ako sa kanya.
Humalakhak si Ate Belinda at tumingin sa akin, “Don’t worry, Meghan. Ako ang unang sasapak kapag niloko ka nitong gwapo kong pamangkin. Mark my words.”
Ngumiti ako sa kanya at tumango, “Aasahan ko yan.” sang ayon ko.
“Really? Do you really think I will cheat on you?” Hindi niya makapaniwalang sabi saka umiling at kumain ng pesto, “I swear, hindi ko gagawin yun, Love. What if... ikaw ang manloko sa akin?” ganti niya. Literal na nabilaukan ako sa pesto na kinakain ko. Mabilis akong inabutan ni Ate Belinda ng tubig habang si Stefan naman ay hinagod ang aking likod.
“Are you okay?” tanong ni Ate. Ngumiti ako at tumango sa kanya, “Bakit mo naman kasi binigla ng ganoong tanong si Meghan. For sure hindi ka din naman nya kayang lokohin, right?” segunda ni Ate Belinda na tinanguan ko lang.
“Oo naman.” tipid kong sagot, “Maiba ako, ang sarap nitong pesto pasta mo Ate Belinda. Anong sekreto?” pag iiba ko sa usapan.
“Talaga? Actually, it’s my first time cooking pesto. Masarap ba talaga?” Hindi nito makapaniwala na tanong kay Stefan.
“Hindi. Mas masarap ang luto ni Lola.”
Tumawa si Ate Belinda, “So, she’s lying?” tumingin ito sa akin, “You’re lying?” natatawa niyang tanong sa akin. Pilit naman akong ngumiti saka sinipa si Stefan.
Ang awkward kasi. Hindi ko din naman talaga alam ang lasa ng pesto.
“Masarap naman diba Love?” sabi ko at masamang tumingin kay Stefan.
“Yes.” pilit na sagot ni Stefan dahil muli ko itong sinipa.
“Whatever.” napailing nalang si Ate Belinda saka tumawa.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na din si Ate Belinda. Ang sabi niya ay susunod daw siya sa Mariana Island kasama ang mga magulang ni Stefan. Ang sarap din sanang sumama kung wala lang pasok bukas.
Mabilis na kinabig ni Stefan ang baywang ko pagkasara ni Ate Belinda ng pinto. Binuhat niya ako papasok ng kanyang kwarto saka ako siniil ng halik habang marahan niya akong binaba sa kanyang kama.
“May pupuntahan ka ba next weekend?” Sabi ko sa pagitan ng palitan namin ng halik.
“Yes. I have meetings after meetings. Why?” turan nito. Bumaba ang mga halik niya sa aking leeg. I moaned and bit my lower lips.
“P-Pwede ba akong sumama?” hirap kong bigkas.
Hinubad ni Stefan ang suot kong tshirt saka hinalikan ang aking dibdib. Gustong gusto ko kung paano niya dilaan at higupin ang aking dibdib like his whole life depended on it.
“No.” sagot nya.
“Please?” Ungol ko.
“Please what?” Pilyo itong ngumiti at pinasok ang kanyang kamay sa loob ng aking palda. Kagat labi akong tumingin sa kanya.
“Please…Ahh… I-Isama mo ako sa… F*ck!” ungol ko ng himasin ni Stefan ang akin.
“Yes, Love?”
Nawawala ako sa sarili sa ginagawa niya. Kumapit ako sa batok niya para salubungin ang nakakalasing niyang mga halik.
“Gusto mong sumama sa meeting?” tanong niya.
“Y-Yes.” Ungol ko. He unhooked my bra and played with my mounds.
“Still a no.”
Ugh!
Hinubad niya ang natitira ko pang saplot sa katawan saka bumaba ang halik niya patungo sa aking gitna. Lumiyad ako at nanuwid ang aking mga paa ng dumampi ang kanyang mainit na dila sa aking hiyas.
Hindi ko makontrol ang sarili ko. Walang ibang lumalabas sa bibig ko kundi ungol.
“Don’t stop.” pakiusap ko.
Nakakabaliw ang mapaglarong dila ni Stefan at ng matapos siyang paligayahin ako ay umakyat ang mga halik nito sa aking puson papunta sa aking dibdib.
Tinulak ko siya para ako naman ang pumaibabaw sa kanya. I kissed his lips down to his neck. Nagpakawala ito ng ungol na napakasarap pakinggan. Bumaba pa ang halik ko sa dibdib niya patungo sa matigas niyang ari.
“F*ck!” malakas niyang mura ng isubo ko ang kanya. “Love. Oh god, your mouth feels so good right now.” ungol nya.
Hindi ko akalain na kaya ko itong gawin. But hearing Stefan’s moan so loud makes me want to do it more often.
Tumigil ako sa ginagawa ko kaya tumingin agad sa akin si Stefan.
“So, isasama mo na ba ako sa meeting mo?” Mapang-akit kong tanong habang ang kamay ko naman ang ipinalit ko sa aking bibig.
“F*ck!” anas niya at saka tinakpan ang mata gamit ang kanyang dalawang kamay.
“Love? Ano? Answer me.”
“Yes. Oo na. Just please don’t stop.” suko nitong sagod.
Ngumisi ako, “Thanks. You taste so good.” malandi kong sabi saka ipinagpatuloy ang pagkain sa kanyang matigas at mahabang armas.
Muling umungol si Stefan, parang nasisiraan ng bait sa ginagawa ko sa kanya. Kumapit ito sa buhok ko idiniin ito, nabilaukan naman ako.
“Ugh!” he groaned. “You’re so f*cking good. I can’t wait to f*ck you after this.”
Hinila niya ako paakyat sa kanyang mga labi. We kissed until we gasped for air. Hindi ako makapaniwala na magiging ganito ako ka wild sa kama, but I love doing all of this with Stefan. Kay Stefan lang.
“I’m c*mming.” anas ni Stefan habang pabilis ng pabilis ang bayo nito. Habol habol ko naman ang hininga ko habang nakasubsob ang mukha ko sa kama. Malakas na ungol ang pinakawalan niya bago ito bumagsak sa aking likuran at pinaulanan naman ng halik ang aking likod.
“You are amazing.” bulong nito sa akin.
Isa ito sa gustong gusto ko kay Stefan. Kung paano niya ako purihin at pahalagahan. Feeling ko sobrang sexy at ganda ko kapag ginagawa niya iyon. I'm so in love with everything about him.
---
Sabay kaming pumasok ni Stefan. Magkahawak kamay pa kaming naglalakad sa corridor ng makasalubong namin si Rufus and his minions. Nasa tabi din niya si Shandra na bigla niyang inakbayan habang matalim na nakatitig sa akin. Napansin ito ni Stefan kaya binitawan ni Stefan ang kamay ko para kabigin ang aking baywang palapit sa kanya.
“Move.” utos ni Stefan dahil nasakop nila ang lahat ng daanan.
Ngumisi si Rufus at umirap naman sa akin si Shandra.
“Namamayat ka yata, Babe? Hindi ka ba inaalagaan ng ayos ng gag0ng ito?” panunuya ni Rufus.
Tiim bagang na tinitigan ni Stefan si Rufus. "Stop calling her Babe. She's not yours and she will never be yours. Kaya kung ayaw mong basagin ko yang bibig mo, manahimik ka nalang!"
"Nagpapatawa ka ba?" Tawang reaksyon ni Rufus sa sinabi ni Stefan.
Susugod sana si Stefan pero mabilis ko itong pinigilan saka masamang tumingin kay Rufus.
“Ayoko ng gulo Rufus.” malamig kong turan.
He scoffed, “How ironic? You messed me up tapos ayaw mo ng gulo? Ikaw lang ba ang may karapatan na mang gulo ng buhay?”
Hindi ako sumagot. Pinigilan ko din si Stefan na sumugod muli. Totoong ayoko ng gulo. Isa pa baka madamay si Shandra kapag nagkagulo ang mga ito. Paano kung buntis nga talaga sya? Ngumiti nalang ako sa kanila at hinila si Stefan. Sa gilid kami dumaan, bingga naman ni Stefan ang isa sa kasama ni Rufus.
“Hindi mo sana ako pinigilan kanina. Napupuno na ako sa gag0ng yon!” gigil na sabi ni Stefan saka ito umupo sa kanyang upuan.
“Relax. Hayaan mo na.”
“Hey! Love birds. Kayo pa din ang trending sa buong campus.” tatawa tawang sabi ni William.
Lumapit sa amin si Avery at ngumisi, “True. Ninang ba ako?”
Inakbayan ni William si Avery pero agad din naman na inalis si Avery ang kamay nito sa balikat nya.
“Kailan ang gender reveal?” biro ni William.
“Tumigil nga kayo. Hindi nga kasi sa akin ang pregnancy kit na yun. Hayaan nyo, kung mabuntis man ako. Uunahan ko na kayong sabihan.” sagot ko sa kanila.
“Wait! Bakit sa kanila? Hindi ba dapat sa akin muna?” sabat ni Stefan.
Ngumiwi ako at tumingin sa kanya, “Syempre sayo muna bago sa kanila.” bawi ko.
Nagsimula na ang aming klase. Mabuti nalang nag basa ako ng libro kagabi bago matulog dahil may surprise quiz kami.
Bago kami magtungo sa cafeteria ay dumaan muna kami ni Giana sa CR para umihi. Nagmamadaling pumasok sa cubicle si Giana habang ako ay napatingin agad kay Shandra. Bigla kasi itong nahilo, mabuti nalang at mabilis siyang kumapit sa lababo.
“Okay ka lang?” alala kong tanong.
Hindi niya ako sinagot. Lumapit ako sa kanya.
“Sayo ba yung PT na nakita sa bag ko?” mahina kong tanong para walang ibang makarinig.
Gulat itong tumingin sa akin.
“Sayo ba yon? Nakita kitang hawak mo iyon. Inilagay mo ba yun sa bag ko noong pumasok na ako sa cubicle? Are you pregnant, Shandra?” Sunod sunod kong tanong.
Namula ang mga mata nito saka umiwas ng tingin sa akin.
“Hindi.” tipid niyang sagot.
“Kung hindi iyon sayo, bakit-”
“Sinabi na ngang hindi iyon sa akin!” Sigaw niya. Sakto naman na lumabas ng cubicle si Giana pero hindi na niya nagawang humakbang pa ulit ng sumigaw si Shandra, “Huwag mong ipasa sa akin ang kaladi@n mo! Bakit hindi mo nalang aminin na sa lahat na ikaw ang buntis? Bakit, Meghan? Hindi mo ba kilala kung sino ang ama nyang dinadala mo?” Asik niya.
Kunot noo akong tumitig sa kanya, “Napaka sinungaling mo talaga!”
“Totoo naman eh. Kaya mo pinapasa sa akin ang kalandian mo dahil nahihiya kang malaman ng lahat kung gaano ka kapokp0k! Kung sino sino na lang ang lalaking sinasamahan mo noon sa club! Ano kayang masasabi ni Stefan? Alam niya ba kung gaano ka kadumi?”
Bumigat ang paghinga ko. Kung pwede lang ay naingudngod ko na ang pagmumukha ng babaeng ito sa inidoro!
Huminga ako ng malalim para kumalma, “Baka naman ikaw itong hindi kilala kung sino ang ama nyang dinadala mo?” mapang uyam kong tawa, “Sino ba ang tatay nyan?” Saglit akong nag-isip, “Si Rufus?”
Masama itong tumingin sa akin.
Humalakhak ako, “Look at your face Shandra. Masyado ka namang nagpapahalata. Hindi ba tanggap ni Rufus ang bata? Bakit ka naman kasi nagpabuntis sa taong hindi ka naman mahal.”
Mas nanlisik pa lalo ang mga mata ni Shandra sa akin. Umamba itong sasampalin ako pero mabilis kong nasalag ang kamay niya saka ko tinulak ang kamay niya palayo sa akin pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nadulas siya sanhi ng pagkakaupo nito sa sahig.
“I-I’m sorry.” agad kong sabi ng makita kong dumaing ito hawak ang kanyang tiyan.
“Meghan, she’s bleeding.” kinakabahan na sabi ni Giana.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang dugo sa hita ni Shandra. Bumilis ang t***k ng puso ko at bahagyang napaatras. She’s crying in pain at ako ang dahilan kung bakit. Tumakbo palabas si Giana para humingi ng tulong at wala pang ilang segundo ay mabilis na dumating si Rufus.
Tumingin siya kay Shandra tapos ay sa akin. Matatalim ang mga tingin na pinukol niya sa akin habang naglakad ito palapit sa akin.
“H-Hindi ko sinasadya.” naiiyak kong sabi.
Umamba itong susuntukin ako kaya pumikit na ako sa sobrang takot. Imbes na kamao niya dapat ang tatama sa mukha ko ay ang mainit na yakap ni Rufus ang natanggap ko. Iminulat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang hikbi ni Rufus.
“It’s all your fault. Hindi ko sana nabuntis si Shandra kung hindi mo ako iniwan.” Iyak niya, “You destroyed my life! You broke my heart into pieces and it’s f*cking hard for me to fix them. Masaya ka ba habang miserable ako?”
“I’m sorry.” tangi kong nasabi.
“You will never know how much you ruined me.”
Malakas na sumigaw si Shandra dahil sa matinding sakit.
“Rufus! Please save me and your baby… Please? I’m begging you.” pagmamakaawa ni Shandra pero hindi man lang umingli si Rufus.
Malakas kong tinulak si Rufus at sinampal ito.
“How dare you just stand there?!” bulyaw ko sa kanya, “Anak mo ang dinadala ni Shandra!”
“I don’t like that child.” malamig niyang turan.
Namilog ang mga mata ko. Ang sama sama ni Rufus!
“Anong nangyari?” alalang sabi ni Avery ng makapasok siya sa CR kasama si Giana. Nanlaki din ang mata nya ng makita ang sitwasyon ni Shandra na namimilipit sa sakit.
Lumapit ako sa kanya para alalayan ito pero ng tatayo na sana siya ay nawalan na ito ng malay tao.
“No! Shandra, wake up!” alarma kong sigaw. “Shandra!” nanginginig ang boses ko maging ang kamay ko dahil ang dami ng dugo sa sahig.
“What the hell, Rufus? Manonood ka nalang ba dyan?!” Bulyaw sa kanya ni Avery.
Tumunghay ako kay Rufus at bakas sa mukha niya ngayon ang takot. Namumutla itong lumapit sa amin saka niya binuhat si Shadra at tumakbo palabas. Tumayo naman ako para sundan sila, ganun din ang ginawa nina Avery at Giana.
“What’s wrong?” salubong sa akin ni Stefan.
Hindi ko na nagawang sumagot dahil sa taranta. Nagpatuloy ako sa pagtakbo para abutan ko si Rufus. Sumunod na din sa akin si Stefan at mabilis niyang pinalapit ang mga body guard niyang nasa paligid lang ng school. Doon nila sinakay si Shandra sa itim na van. Pumasok din kami sa loob kasama si Stefan.
Pagkarating sa hospital ay sinalubong si Rufus ng mga nurse na may dalang stretcher. Taranta akong sumunod pero pinigilan ako ni Stefan at mahigpit na niyakap.
“Calm down, love.” Aniya. Tumango ako at huminga ng malalim.
Kapag may nangyari kay Shandra at sa bata tiyak na ako ang sisisihin niya.
“Ano bang nangyari?” naguguluhan na tanong ni William.
“Nagtalo si Meghan at Shandra. Well, si Shandra naman itong nanguna dahil kung ano-ano ang mga pinagsasabi niya kay Meghan tapos sya pa itong may ganang mapikon, sasampalin sana nya si Meghan, nasalag lang niya pero kamalasan ay nadulas si Shandra.” kwento ni Giana na saksi sa lahat ng pangyayari.
“Buntis si Shandra? Si Rufus ang Ama?” hindi makapaniwala na sabi ni William.
Hinagod ni Stefan ang likod ko dahil nanginginig ako sa takot.
“Paano kung may mangyari sa dinadala ni Shandra?” alala kong tanong.
“Love, it’s not your fault. Hindi mo naman ginusto ang nangyari. Don’t blame yourself, okay?”
“Pero kasalanan ko kung bakit siya natumba.”
“Because she provoked you. Ako na ang bahala, Love.”
Tumango ako at mahigpit na yumakap kay Stefan.
Sinamahan namin si Rufus sa labas ng emergency room. Nasa isang sulok lang sya at tahimik na nakaupo. Tulala. Lumabas ang doktor mula sa loob kasunod ang isa pang nurse kaya lahat kami ay tumayo para salubungin ang doktor.
“Sino ang ama ng bata?” agad na tanong ng Doktor. Lahat kami ay tumingin kay Rufus. Hindi ito kumikibo.
“I am really sorry to say but Ms. Shandra Del Valle had a miscarriage.”
Nanlalambot ang mga tuhod ko sa aking narinig. Napatakip ako sa aking bibig dahil gusto kong umiyak.
It’s all my fault! I killed their baby.
I’m a murderer.
Pangalawang beses na ito.
Tumayo si Rufus sa kanyang kinauupuan. Nagtama ang mga mata namin at kitang kita ko ang pamumula ng mga mata nya. Bakas din sa mga mata nya ang matinding galit.
“I-I’m s-sorry.” hagulgol ko.
Walang imik na naglakad si Rufus palayo at palabas ng hospital. Muli akong umupo habang pilit akong pinapakalma ni Stefan.
“I killed their baby.” paulit ulit kong bigkas.
“Hindi mo naman sinasadya.” naiiyak na sabi ni Giana.
“Sinadya ko man o hindi… Ako pa din ang dahilan kung bakit nawala ang bata. Hindi ko sana siya pinatulan.” iyak ko, “Ayokong makulong.”
Bata palang ako takot na takot na talaga akong makulong. May phobia ako sa maliit at madilim na silid. It was my biggest nightmare at kapag sinasabi ko ito kay mama noon, iyon pa ang ginawa niyang panakot sa akin. Kinukulong niya ako sa aming banyo kapag may nagawa akong kasalanan kaya naman mas lumaki pa ang takot ko sa salitang iyon.
“Shhh… I understand you. I will handle this, okay? Hindi ka makukulong.” sabi ni Stefan habang mahigpit niya akong yakap.