George: Boss, done setting up the Inflatable Fall Protection. Imporma sa kanya ni George na nakaantabay sa ibaba. Kahit papaano ay nabawasan ang pangamba ni Stefan. “No!!!” sigaw ni Meghan. Paulit ulit na nagmura si Stefan saka niya malakas na itinulak si Tristan upang lumabas at puntahan kung nasaan sina George at ang iba pa nitong tauhan. Malaki din ang pasasalamat niya at hindi sila nahuli ng dating. Josh reported it on time kaya mabilis na inutusan ni Stefan ang Alpha team and executed all the possible solutions for the worst case scenario. “Nasaan si Seraphina?” hinihingal nitong tanong kay Samir. “Nasa loob na po ng ambulansya, Boss. Nawalan po sya ng malay pero-” Hindi na pinatapos ni Stefan itong magsalita dahil tinakbo na niya ang ambulance na nakapark malapit sa kanila. Ini

